Waiting
Tulala akong naglakad pabalik sa hotel. I can't look up to people who greets me, even the hotel staffs. Namamanhid ang buo kong katawan sa pinaghalong lungkot, sakit at pagod.
Walang lakas kong pinadausdos ang key card sa pinto at agad na pumasok. Mabuti at di ako naabutan ni Rius sa labas. I am too tired to utter a single word.
Umupo ako sa harap ng malaking salamin sa paanan ng aking kama.
My tears fell as soon as I see my reflection in my mirror.
What happened to you, self? What have they done to you? Umiling-iling ako. No. Hindi na kita makilala. Hindi ko na makilala ang sarili ko.
Dahil sa sakit ng nakaraan ay binago ko ang lahat sa akin. Para saan? Para maka-iwas sa sakit na iyon. Because of that, I failed to notice who I really am and what have I become.
"Ganoon pa din..."
Malinaw na malinaw na sabi ni Trade kanina.
Anong ibig niyang sabihin doon? Anong ganoon pa din? Mahal niya pa din ako? Imposible! Kung mahal niya ko, bakit may Georleanna? Kung mahal niya ko, bakit tatlong taon ang itinagal bago niya ko balikan? Kung mahal niya ko, bakit niya ako sinasaktan?
Pinalis ko ang mga luha ko at pumasok na sa banyo para maligo.
Hindi... hindi niya na ko mahal. Kung ano man ang nararamdaman niya ay labas na ako doon. Ayoko ng umasa. Ayoko ng masaktan.
The dress I am wearing now fits the new hem of my hair. Inilugay ko iyon at hinati lamang sa gitna. I put a light make-up as well. The red lipstick is a must. Pagtapos ko ay eksaktong pagkatok ni Rius sa aking pinto.
"Hi." He greets.
He is wearing a black long sleeves and slacks. Maayos ang pagkaka-suklay ng kanyang buhok at may gold na relo sa palasulsuhan.
He eyed me from head to toe and back.
"Wow."
"Wow ka 'dyan?"
"You are really a woman of exquisite beauty Summer..."
"Tumigil ka nga. Simple nga lang itong suot ko."
True enough. Ayokong umagaw ng atensyon lalo na at hindi naman para sa akin ang event na iyon.
"That's it! You are beautiful even on your simplest form."
Tumawa ako ng bahagya. "Oo na. Tara na sa baba."
Ibinigay niya ang braso sa akin na agad ko namang kinapitan bago kami nagtungo sa elevator.
Sa garden ang venue ng awarding ngayong gabi. Hindi ko tuloy maiwasang hindi maaalala ang pag-uusap namin ni Trade sa gilid nito kanina.
The tables and chairs are set with gold. Maging ang stage ay napapalibutan din ng ginto. An emcee on it is welcoming the guests as they enter.
Sinalubong kami agad ni Mrs. Tiozon na kasama ang kanyang asawa.
"Good evening po." Bati ko.
"Good evening Summer. Hon, she is Summer Aquinas, the one I am telling you."
Tumaas ang isa kong kilay?
"Oh! Yes. Anak ni Leo at Agatha Aquinas tama ba iha?"
I nod. "This is Engineer Lazarius Mercado, sir."
Nag-kamayan ang dalawa. I am not shocked that they know Mommy and Daddy. Nasanay na ako.
"Is Mr. Salvidar around?"
