CHAPTER 30

2.1K 63 16
                                    


Abs









"Cancel all my meetings on the afternoon."

Nasa opisina ako alas siete pa lamang ng umaga. I'm on a half day today. Buo ang desisyon ko na sasamahan si Trade sa puntod ng kanyang Papa mamayang hapon.

"Okay Miss. Do you need anything po?"

"I want coffee please..."

"I'll send it right away."

Tinapos ko muna ang iilang trabaho ko, nakipag-meet sa mga bagong investors at pumirma ng mga kontrata.

I texted Rius too, for updates.

Me:
How are you?

Rius:
Fine.

Nakaka-bahala ang limit at tipid niyang reply.

Me:
Kailan ang balik mo?

Rius:
Later. Can I see you?

Me:
May pupuntahan ako. I might get back late this evening.

Though I'm not really sure what time will we return.

Sigurado lamang ako na hindi kami aabutin ng kinabukasan dahil paniguradong hindi ako dadalhin ni Trade sa kanilang bahay sa Biñan, his sister loathes me. At hindi ko alam kung ganoon din kala Tita Gina at sa iba niya pang kapatid.

At exactly 12 noon ay bumiyahe na ako pabalik sa condo. Ala una ang dating dito ni Trade.

My things are ready. Pag-tapos kong maligo ay chineck ko na lamang itong muli at baka may makalimutan pa.

I look at myself on the mirror. Isang puting off shoulder dress ang aking suot partnered with a black flats.

Casual.

Bagay sana ang sneakers kaso hindi na ako nag-susuot ng ganon ngayon. The old Summer Aquinas will, but unfortunately... she is gone.

While polishing my make-up ay tumunog ang telepono ko sa tawag ni Trade.

"Where are you?"

("Nandito sa pintuan mo.")

Shit. Padarag kong sinarado ang face powder at tumakbo sa pinto. I open it at tumambad sa akin ang naka-puting polo, maong beige-colored short at itim na sapatos na si Trade Samaniego.

Kakababa niya lang ng cellphone mula sa kanyang tenga.

"Hi." He smiles.

Lumundag ang puso ko sa kilig. Ang gwapo niya ngayon ah.

"Hi." Sagot ko.

God! Kailan ko natutunan ang salitang hiya?

"Pasok ka muna? M-may... inaayos lang ako."

Tumango siya habang nangingiti sa di ko malamang dahilan.

Pina-upo ko si Trade sa couch sa living area. His eyes roam around my unit.

"Coffee, water or juice?"

"Ikaw lang..."

Tangina.

Naka-off shoulder man ako ay ramdam ko ang pag-tama ng init mula sa aking batok papunta sa aking mukha.

Damn you Trade!

Tumawa siya sa reaksyon ko. He rested his back on the couch and bite his lower lip.

"Okay na ko. Go and do your thing."

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon