EPILOGUE 1

1.1K 24 5
                                    






I have always imagined this day to come.

Maraming bagay ang hindi ako sigurado noon – sarili, pamilya, pangarap. Pero noong nakilala ko siya ay sa wakas ay may isang tao nang nakapagbigay sa akin ng malinaw na imahe kung anong itsura ng kinabukasan.

Isang kinabukasan na gusto kong maabot. Ang kinabukasan na kasama siya. The kind of future I always look forward to.

Ako, si Trade Samaniego, isang walang pangarap na basketbolista noon, at ang pinakakamahal ko, na binigyan ako ng maraming rason at dahilan para mangarap at magtagumpay, ngayon ay magkasamang haharap sa Diyos para magsama sa habang buhay.

Ito ang tunay na kahulugan ng pangarap, ng buhay.

They say men usually cry when they see their bride walking down the aisle to reach them.

Tama nga.

Totoo ngang nakakapanghina, nakakapanglambot at nakakaiyak – at iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

It's been a long and winding journey
But I'm finally here tonight
Picking up the pieces and walking back into the light.

Ang babaeng buong buhay mong minahal ay nakasuot ng isang napakagandang puting blusa, umaalon ang mahaba at kulot na buhok, at mayroong hawak na bulaklak habang diretsong nakatingin sa'yo.

Into the sunset of your glory
Where my heart and future lies
There's nothing like that feeling
When I look into your eyes

Ang mga ngiti sa kanyang mata ay tila sinasabing pareho kaming masaya sa araw na ito.

Bawat segundo na lumalapit siya ay tila dagdag sa panghabang panahon naming dalawa na magkasama

Bawat yapak ng kanyang paa ay nagbibigay sa akin ng kasiguraduhang sa sandaling marating niya ako ay akin na siya habang buhay.

My dreams came true when I found you.
My miracle.

Right there is my Summer Lionelle who I have loved ever since. The love of my life and the one who completes every piece of me. Ang biyayang ibinigay sa akin ng langit.

Walang paglayagyan ang kasiyahan ko habang pinapanuod siyang napakaganda na naglalakad at nakakapit sa kanyang magulang papalapit sa akin.

"Pre, nakakabakla yan." Bulong sa akin ni David.

Putangina wala na akong pakialam kung paano ako tignan ng mga tao! Basta ang alam ko lamang ay umaapaw ang kasiyahan ko sa araw na ito!

Nais ko na siyang sunduin at hatakin doon para mapabilis na ang lahat. I can't wait to sealed a kiss to our marriage, to take her home and to finally call her my wife.

If you could see what I see
You're the answer to my prayer

Nang nasa harapan ko na siya ay lalong bumuhos ang iba't ibang emosyon na mayroon ako.

She looks divine - everything about her is perfect to my eyes. Umihip ang malakas na hangin na lalong nagpaganda sa kanya. I can't believe I am marrying this woman. At mas lalong di ako makapaniwalang ako ang napili niyang pakasalan.

Guess I'm one lucky fucktard!

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya habang sinusubukang punasan ng malalambot na palad ang aking pisngi.

Even her voice makes me tremble. Ang boses na alam kong magbabagao sa tagal ng panahon, mamamaos at mamamalat pero mananatiling nagiisang boses na nais kong marinig hanggang sa pagtanda.

"Napakaganda mo." I whisper to her and she smiled.

Ang ngiting yan ang nagsilbing misyon ko sa buhay - hanggat napapasaya ko siya, ay nagkakaroon ng kahulugan kung bakit ako humihinga.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon