New beginnings
"Baby..."
My tears won't stop as Trade keeps on throwing me his poisonous words.
Wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit at galit. Sakit para sa nangyari sa amin at galit para sa ginawa nila sa akin.
I should feel happy that after all those years ay sinasabi niya ito. I must feel alive... reborn. Dapat ay muling pagka-buhay ang nararamdaman ko. But it feels different... very different.
Doble ang sakit. Because at the end of the day, regardless of how many times he hug me and call me baby... I know that he doesn't belong to me anymore.
Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi hanggang sa leeg. Pinigilan ko din ang aking paghikbi.
I may be a loser for crying but I won't bury myself even deeper and let him see me miserable. Mabuti nang mag-isang lumuha kaysa masaksihan ng iba... lalo na niya.
I breath hard kahit na may mga brasong naka-palupot sa akin.
I use all my remaining power to push him behind me. Naggawa ko at hinarap siya.
"Don't call me that bull." Matigas kong sambit.
Trade's eyes and shoulders fall at the same time, na para bang nanghina siya sa aking sinabi.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
"Let's make this simple Trade... gawin natin ang trabaho nating dalawa because that is the only thing that links us together. Afar from business, ay wala na." Umiling ako. "Dapat ay wala na."
Suminghot ako ng isang beses. He surely knows that I cried. Kahit sinong makakita sa akin ngayon ay makaka-tiyak na umiyak ako. Kita iyon sa pamumua ng aking mata at ilong.
Isang tingin ang iginawad niya sa akin. I can't understand his bloodshot eyes that keeps the stabs dugging deeper unto my very soul. Masakit na masakit na... pero ang mga tingin niya ay nagpapa-doble pa ng aking nararamdaman.
Those apologetic eyes are telling me he is sorry for everything. Para bang ganoon pero ayokong maniwala.
Wake up Summer! This guy in front of you, who was yours, is now in love with a different woman. Wake the hell up!
"Wala na ba talaga, Summer?"
"Matagal ng wala... you know that. Just go and be happy with Georleanna. We both deserve that." Tipid akong ngumiti.
Tumango-tango si Trade, concieving what I said.
Umikot ako patalikod at gumawa ng iilang hakbang pabalik sa elevator. I walk away confidently kahit na ramdam ko ang bigat ng titig niya sa akin mula sa likod.
Bumagsak muli ang maliliit kong luha.
Ilang beses ko bang kailangang maramdaman ang sakit ng paglayo sa taong pinaka-mamahal ko? Ilang beses ba akong dapat maka-tanggap ng mga punyal sa aking dibdib?
Ilang beses ba?
Pumasok ako sa elevator at agad na pinindot ang palapag kung saan ako nararapat.
This is the right path to take Summer. Take the road that is far from him... yung malayong-malayo... yung hindi mo siya makikita, mararamdaman o maamoy man lamang. Because if you keep on feeding yourself with his everything, ikaw ang matatalo sa huli.
This battle is your end game. This is an accurate disappointment... a sure loss.
When the elevator sent me back to my office ay hinanap ko agad ang aking mga gamit and started working like nothing happened. Binalewala ko din ang titig ng mga empleyado sa akin.