EPILOGUE 2

1.3K 48 10
                                    

Maraming maraming maraming salamat sa inyong lahat na hanggang sa araw na 'to ay sinamahan ako!

You are mine is my first ever Wattpad story and I can't hardly believed that Still mine will received as much love as the book 1! Akala ko 'di ko kayang magsulat ng book2 but I was able because of your support!

Salamat ng marami!

I hate to say goodbye to my Summer and Trade but I want them to have the ending they deserved!

Massive love! ❤️

____________________________________

Game day!

Para akong binalik sa kahapon habang tinatanaw ang isang malaking basketball court sa aking harapan ngayon.

Kakarating lang namin nina Dylan, Leon at David dito sa Oasis para sa semi finals game ng sinalihan naming basketball league ng A&Q Philippines.

Ayoko na sanang sumali rito dahil para ito sa mga empleyado nina Summer pero niyaya ako ni David dahil namiss niya rin namang maglaro at may mga libreng oras naman kami - this is also the first time we'll play in one team with Dylan and Leon - paniguradong wala talagang makakatalo.

"Ano dude, dami mo nanamang kinakabit sa katawan mo, banban ka naman." Asar ni David kay Dylan na nagsusuot ng wristband sa kanang braso.

He is usually liket this, kahit nasa high school pa kami mayabang na talaga siya manamit.

Pero magaling din naman siya, mas magaling nga lang ako.

"Pre, baka pag nagpaulan ako don, mainlove ka, agawin mo pa ko sa kapatid mo."

"Fuck you bro! Ano bang ipapaulan mo? Foul tsaka sablay?"

Nagtawanan kaming apat - it took me back to the days where the only important thing for me is basketball and friends - mga oras na puro angas pa lang ang iniisip ko, yung ang manalo lang sa bawat game ang bumubuo ng araw ko - tropa, inom, laro, ganoon lang, until that day a girl stepped into my life, bash me and ironically fell in love with me.

Nagbago ang disposisyon at pananaw ko sa buhay noong mamaramdaman kong mahal ko si Summer - simula noon hindi na mahalaga ang ibang bagay kapag wala siya - basketball at si Summer, kaibigan at si Summer, inom at si Sumer. - palagi na siyang kasama sa lahat ng meron ako.

I am one whipped man I guess, still am and forever will be. Basta sa kanya.

"Ikaw pre, baka naman manghina ka don ah." Inakbayan ako ni Dylan habang nagsisintas ng sapatos.

He dribbled the ball and do some tricks in front of me.

"Kung si Summer kalaban baka manghina ako pero kung mga kagaya mo lang, baka 'di ako pagpawisan."

"Tangina ka isa ka pa!" Tulak niya sakin.

"Ba't kasi si Trade ang tinatanong mo sa ganyan? MVP ng Roswell yan eh." Leon commented.

"Malay mo humina na, tagal na niyang di naglalaro. Kumukupas din yung galing ah."

"In my case dude, hindi." Nginitian ko siya at agad na inagaw ang hawak na bola para i-dribble at ipasok sa ring.

Beng!

I miss the stance! I miss the rough texture of the ball and the ring. Namimiss ko yung tunog ng kumikiskis na sapatops sa court, yung sigawan ng mga tao at yung nagiisang basher ko nung high school.

Maya-maya pa ay dumami na ang tao. Napuno ang court area at dumating na rin ang mga kalaban namin mula sa marketing team nila. Matatangkad ang lahat at mga may katawan rin – mukhang mahihirapan kami dahil hindi gaanong naglalaro si Leon at iyong isa namin ay hindi pa namin gaanong kilala – kaibigan raw ni Dylan at malamang kagaya niya lang rin na hambog.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon