CHAPTER 37

1.8K 53 3
                                    

Pizza










Trade is very true to his words. He is one of the few people I know na kapag sinabi niya ay talagang gagawin. I maybe doubt him before due to misunderstanding, but it's all gone now.


Nasa condo ko na kami ng alas diez ng gabi. Naliligo ako sa banyo sa aking kwarto when I heard him talking to someone over the phone. Pinatay ko ang shower para mapakinggan siya.


"I need it as soon as possible Kuya, ayoko ng mag-sayang ng panahon." He said on a serious tone.


Sinong kuya niya iyon at anong kailangan niya?


"I'm with her... yes... hindi ako uuwi."


Hanggang doon lamang ang narinig ko bago ako mag-patuloy sa paliligo. I went out of the bathroom wearing a black shorts and an oversized white shirt. This is what I look like when I'm home, I actually bought a lot of big shirts. It's comfy.


Wala si Trade sa aking kwarto pero nasa gilid ng pintuan ang kanyang sapatos. I smiled to that. Nakaka-tuwang makita ang gamit niya sa condo ko.


Gamit ang tuwalya ay tinuyo ko ang aking buhok sa harap ng salamin. I heard the door open at nakita ko si Trade na dahan-dahan iyong sinasara. Nag-saya ang puso ko sa dala niyang malaking kahon ng pizza.


Nilingon ko siya at tinabi ang tuwalya sa katabing upuan. "Nagpa-deliver ka?"


H nods. "You're hungry?"


Nilapag niya iyon sa kama at tinanggal ang pagkakatali.  Madali akong tumalon doon at pinanuod siya sa pagbubukas. Takam na takam ako. I am soooo hungry!


Nakatitig sa akin si Trade habang binubuksan niya ang box. Nang maalis niya ang tali ay nilingon niya ako at nginitian. "Nakaka-selos 'to."


"Huh?"


Kinagat ko ang ibabang labi ko. Naaamoy ko na at lalo akong nagugutom! Bumaba muli ang tingin ko sa pagkain. Naka-patong ang palad ni Trade sa ibabaw na parang ayaw niyang buksan kahit wala ng tali.


"Hindi pa ba natin yan kakainin?" Para akong isang batang ayaw bigyan ng kakarampot na pagkain.


"Are you looking at me like that as well?"


"W-what look?"


"Kung paano ka mag-laway sa pizzang 'to?"


I chuckled at  his corny-ness. Seriously Samaniego?


Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon