CHAPTER 40

1.7K 48 7
                                    

Get back





I keep on glancing at Georleanna as she watch everything in this place. Tila ba sinusuri niya ang lahat upang mahanapan ng mali. Some business people, especially those who are involved with food and all started a conversation with her.

Pagbaba ko ng stage ay agad akong sinalubong ni Alexis.

"Miss, good news. Iyong ibang bisita ay nagpapa-schedule na ng appointment sayo. They're all planning to invest."

Napangiti ako sa kanyang balita ngunit hindi ko maiwasang hindi kabahan sa presensiya ng babaeng iyon. Her full self is shouting for danger. Lalo pa akong na-alarma nang makita ang pagbeso niya sa aking Mommy. Nanlaki agad ang mga mata ko. Magkakilala sila?

Nagpaalam si Alexis na may gagawin. Tulala akong pinapanuod si Mommy at Georj na nag-uusap na ngayon. Si Daddy ay binati din siya at hinagkan sa pisngi.

I feel betrayed in one second.

Kahit na hindi ko alam ang ugnayan nila ay pakiramdam ko nasaksak ako ng patalikod. My parents are my alliance, at ang makita silang mabuti ang pakikitungo sa taong sinaktan ako ng sobra-sobra ay tila pant-traydor sa aking parte.

Pumikit ako at kinalma ang sarili.

I walk towards the comfort room. I need a break. Hindi naman siguro ito gaya ng iniisip ko, Mommy and Daddy wouldn't betray me for sure!

Stop overthinking Summer!

Humilig ako sa sink at tinitigan ang aking sarili sa salamin.

Today, I saw a woman who is willing to do everything for his ambition. Hindi lamang pan-sariling ambisyon, kung hindi ambisyon para sa pamilya at sa mga nasasakupan. I've grown up, I am sure of that. Growing up means losing people, and I lost bunch of them. I have lived my life for so long even without them, kaya alam kong kaya ko na, nang ako lang.

I smiled at my reflection and whisper. "You made it Summer."

Muli akong nag-ayos ng sarili at kalmadong lumabas sa venue.

Different people from different industries keep on greeting me while I am on my way to my parents' table. Lahat sila ay puro congratulatory messages ang ibinibigay. At tunay ngang mayroong mga gustong mag-invest pa sa aming kompanya.

Thank you Lord.

Nang papalapit na ako kina Daddy ay napansin kong wala si Mommy doon, Dad is with his circle of friends.

"Oh nandito na pala ang anak mo Leo!"

"Hello young lady, congratulations."

"Your A&Q Manila will surely slay all your competitors."

"Maraming salamat po."

Ngumiti ako kay Daddy at sinalubong ang mahigpit niyang yakap.

"You made me so proud, princess."

Sa puntong ito ay gusto kong maiyak sa aking narinig. It is very rare for my father to utter those words. Para bang kailangan mo talaga siyang pabilibin muna bago niya ito sabihin. And hearing all of these from him is like a taste of heaven.

Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa aking mata at mahigpit na niyakap si Daddy. "Thanks Dad."

He tap my head and let go. Nang magka-harap na kami ay hinagkan niya ang mukha ko hinalikan ako sa pisngi.

"I love you."

"I love you too Daddy!"

Tuluyan na akong naiyak sa kanyang harapan and here he is, wiping his only daughter's tears. Natatawa sa aming tabi ang kanyang mga kaibigan.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon