CHAPTER 44

1.6K 39 7
                                    

Stupid










Hindi ako makapaniwala sa sitwasyon na nasa aking harapan ngayon. Lunod na ako sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan, dinagdagan pa iyon ni Trade na matapang na nakatayo sa aking harapan hawak ang isang kulay silver na singsing na may kumikinang na diyamante sa paligid nito.

It takes me back to the unforgettable moment when he proposed to me for the first time.

"Trade w-what..." Tumulo ang aking luha sa pinagsama-samang emosyon sa aking puso.

Sa dami ng pakiramdam ko ngayon ay isa lamang ang sigurado ako; I am indeed happy, I am in bliss. I am like in the middle of endless sunflower garden that makes everything bright and shine. Walang paglagyan ng kasiyahan ang buo kong pagkatao sa nangyayari sa mga oras na ito.

"You see baby, I've prepared a ring... isa na lang ang kulang..."

Walang kahirap-hirap niyang pinadausdos ang singsing sa aking daliri gayong wala pa man din siyang tanong at hindi pa ako nasagot. But... it fits perfectly within my fingers, like how I fit for his life... noon, hanggang ngayon.

Tuloy-tuloy ang daloy ng aking luha habang pinagmamasdan ang kanyang binili sa aking kamay. Bumaba ang mukha ni Trade sa akin at hinalikan ako sa labi; matamis, malumanay at puno ng pagmamahal na hindi ko na kaya pang pagdudahan.

"Marry me baby, please?"

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang umiyak at tumango sa kanyang tanong.

It's always a yes Trade, always! Kahit na gaano kasakit, gaano kalalim ang sugat, gaano kalayo ang naging pagitan, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko! Hindi iyon kahit na kailan magbabago.

He didn't say anything, sa halip ay iniangat niya ako para buhatin habang mahigpit akong niyayakap ng dalawang braso. I can feel his eagerness to pull me against his body. Iyong parang ayaw na akong malayo kahit na ano pang maganap ngayon sa kinaroroonan namin. I swear, even when a destructive earthquake occurs right now ay wala kaming pakialam. I'll still hug him tight!

"Tangina Summer, Tangina." Patuloy niyang bulong habang ako'y nasa kanyang mga bisig.

I laugh as I cry. Those curses he uttered only makes it living testament of his love for me. Kung kaya ko lamang din mag-mura ng ganyan kadami ay gagawin ko for it shows how intense our love for each other.

"Pwede bang mag-pakasal na tayo ngayon?" He whispered.

"Did you prepare the church ceremony as well?"

"No baby... do you want me to?"

Humagikgik ako sa kanyang leeg. You are still my Trade... you didn't change baby.

"I love you so much!" Hasik ko sa kanya bago siya punuin ng mga halik sa labi. 

Trade doesn't want a kissing defeat. Pinantayan at nilamangan niya ang mga binigay kong halik. Sa sobrang lalim noon ay halos mawalan ako ng hininga. Damn this guy! Paano na lamang sa aming honeymoon?

I keep on looking at my ring finger while sitting peacefully on Trade's bed. Naiwan siya sa veranda, kausap ang tumawag na investors.

I decided to take a picture of my ring. In-upload ko agad iyon sa facebook with a caption "Finally" I tagged Trade in the post. Mabilis na dumagsa ang napaka-daming comments at likes doon. I even saw Shanelle's.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon