CHAPTER 35

2.1K 41 35
                                    

Enough












Nang gabi ding iyon ay bumiyahe kami ni Trade pabalik ng Maynila. As much as we wanted to stay and take our rest in their home in Laguna, Trade give justice to his promise na uuwi kami ngayong araw.


Sa biyahe palabas ng SLEX ay hawak-hawak niya ang kamay ko habang nag-mamaneho.


"Matulog ka muna, sigurado ako traffic sa Sucat."


I smiled at the sight of him. "Di naman ako inaantok."


Isang beses niyang sinulyapan ang kalsada at mabilis na pinitik ang aking noo.


"Aray!"


"Tigas ng ulo mo. Look at your eyes, antok ka na eh."


Hinaplos ko ang parte ng aking noo na pinitik niya. God it really hurts huh, ang lalaki pa naman ng daliri ng lalaking 'to.


"Di nga, tsaka bakit ba pinipilit mo ko? Ikaw ang matulog, ako magd-drive 'dyan."


"No way Aquinas. You're not driving."


Here comes the protective Trade Samaniego again. Sa totoo lang ay inaantok na talaga ko but I want to watch him as we travel back. Sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita ay susulitin ko ang bawat oras ngayon na naaaninag siya ng mga mata ko.


I learned that time is really precious, kapag napag-lipasan ka ng oras, walang halaga ang iba pang mga bagay.


And true enough, traffic nga pagdating namin ng Manila. Paranaque pa lang ay halos usad pagong na ang mga sasakyan sa daan.


Nakatanaw ako ng direcho when Trade lift my hand and kiss it back. Napatingin ako sa kanya habang ginagawa niya iyon. "Baho na no?" Pang-aasar ko. "Kaninang umaga pa huling ligo ko eh."


He shake his head and smile. Isang ngiting nakakaloko pero nakakawala ng ulirat sa katawan. Trade kiss my hand again kasabay ng pag-andar ng mga sasakyan.


"Kailan ka bumaho?" He ask with a grin.


"Ewan ko. Hindi mo naman naamoy ang sarili mo eh, kailan ba ko mabaho sa pang-amoy mo?"


"Let me think first..."


Nilingon ko siya at hinampas sa braso. "You'll think first?! What? So may mga oras talaga na mabaho ako?" Pinamulahan ako agad ng mukha sa pinag-halong hiya at galit. Kailan? Fuck! Kailan ako nang-amoy mabaho? Nakakainis.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon