CHAPTER 34

2K 56 19
                                    

Pain in the ass
















Hindi maalis ang tingin sa akin ni Trade. He looks so damn surprised with what I just spill. Pero iyon ang totoo, nakita ko sila noon ni Georj... nakita ko sila.

Yumuko siya sandali at natahimik na tila nag-iisip.

Ang medyo mahaba na niyang buhok ay lumilipad sa pag-tama ng aircon, with every blow of it ay tumatakas ang pamilyar niyang bango. Trade is indeed loyal with everything. Kahit na sa maliliit na detalye ng kanyang pagkatao; his perfume, scent, shampoo, and even shower gels are still the same.

"Hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon..." He said in so much pain with the way he speaks.

"It doesn't matter now Trade."

True enough.

It wouldn't matter because it happened already. Wala ng patutunguhan ang mga bagay na patuloy kong isisisi sa nakaraan. What is the point of bragging the past anyway? Para saan? Para sa sakit? Sa panghihinayang? Sa pagbabalik ng mga mali? No. Lahat ng tao ay kayang maibsan ang sakit sa pamamagitan ng pag-limot sa nakaraan at pag-tanggap ng mga bagay na hindi na muling mababago pa.

In life, we can't undo things, but we can rewrite them for a much better plot.

Isang biglaang paggalaw ang ginawa ni Trade at agad niya akong niyakap sa isang malumanay na mosyon. From the back, he caress my hair and draw small touches there.

Ang mga nilipad na takas na buhok ay iniipit niya sa aking tenga. He whisper there, "I'm sorry..."

I didn't dare respond. This is what I want since then... gusto kong pakinggan ako ni Trade sa lahat ng sakit na meron ako para sa kanya. And now I wanted him to do the same, to pour his everything to me. To give him the time to talk, to let him show everything he had never showed before. Dahil ang totoo, tuluyan kang malalayo sa sakit sa oras na ibuhos mo ang lahat-lahat sa taong naging dahilan nito.

"Ayokong umalis 'non... damn ayoko talaga. Kahit na nawawalan sila ng tiwala sakin, na hindi ko kayang patakbuhin ang negosyo... wala kong pakealam sa lahat ng 'yon, ang mahalaga lang sa'kin, ikaw. Paano si Summer pag umalis ako? Kanino kita iiwan pag wala ako... you know that ever since, ikaw lang ang mahalaga sa buhay ko..."

Uminit ang pisngi kong may mga patak na ng luha. I sobbed once pero pinigilan ko upang mas marinig pa ang mga sasabihin ni Trade.

"The day we argue... nung nasampal mo ko..." He laugh softly like what happened before sounds a lame joke. "I regret that. Na umalis ako at iniwan kitang hindi tayo maayos. I just want a fucking break from everything. Gulong-gulo utak ko... sa bigat ng responsibilidad ko para sa kompanya, pressure kina Mama at Papa tapos ikaw... ikaw na nagpapa-bigat ng lahat. Hindi ko alam Sum... pero kapag tungkol sa'yo, yung simple sakit biglang lumalala. Ganon ata talaga kapag mahal na mahal mo ang isang tao, palaging siya ang may pinaka-malaking epekto sa buhay mo."

I made my way down and grab his hand. Ako na mismo ang naglagay noon sa aking labi para halikan. I close my eyes and let myself feel his warm flesh, his deep breathing, his love.

Hindi ako nag-hahangad ng sobra sa aking buhay, pero itong pagmamahal ni Trade para sa akin ay sobra pa sa inaasahan ko. Come and tell me, who's guy is willing to do the same for someone? Sa tanda kong ito ay napatunayan kong wala ng hihigit pa sa pagmamahal ni Trade sa akin.

We all have different stories... different amount of love... different ways of showing it, but Trade's genuine love for me is my favorite of all those. Walang papantay at walang hihigit sa pagmamahalang pinagtibay na ng panahon, sakripisyo at sakit.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon