Ganoon pa din
"Last day na natin bukas dito..."
"Yeah... our work is waiting for us in Manila."
Nasa loob ako ng suite ni Rius. We are here for late Saturday lunch. Mamayang gabi ang program proper ng anniversay and awarding. Ang alam ko ay pinasara ang buong hotel para doon.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot...
Tagaytay is a special place for me... kahit naman nasaktan ako ay may mga alaala ako ditong pang-hahawakan habang buhay... mga alaalang minsan ay pinasaya rin ako.
Tomorrow is a sunday and that means we'll be back in Manila that night.
Matatapos na ang bakasyon ko pero hindi man lamang ako nagkaroon ng katahimikan na hinahangad ko. My mind got blown more here. Mas tumindi ang pagka-gulo ng aking isip.
"I'll be on the site for the next weeks since interiors na lang ang kulang." Paalam ni Rius.
I nod. "So we can be earlier than the target date."
"Uuwi ang daddy mo sa launching diba? How about Tita Agatha?"
I was stunned when he mentioned my Mom. Inayos ko ang pagkakaupo ko sa ibabaw ng kanyang kama at mabagal na nginuya ang kinakain kong carbonara.
"Sana..." I answered, halos pabulong na.
"She will Sum... don't worry."
Hanggang ngayon ay sa palagay ko ay hindi pa din ako maggawang patawarin ni Mommy for what I've done. I know that's hard, kaya nga nagtitiis ako sa kasalanang iyon.
Pumikit ako saglit at huminga bago balingan ang pagkain na nasa harap ko.
Lazarius' been busy with his phone habang ako'y tahimik lamang na pinapanuod siya. He said it's about work, may kausap atang investor.
Nang mag-ala una na ng tanghali ay nagpaalam na akong lumabas para makapag-handa na. Lunch is over by the way, and I need to fix myself for the event and awarding later at 6PM.
In my room, I examined the dress I bought before I get here.
Mahaba iyon at kulay itim. Simpleng bistida lamang para sa eleganteng babae... that is what I wanna imposed. Isa pa, the event is not about me so why should I do some efforts to stand out right?
Lumabas ako ng suite ko at tinext si Lazarius habang nasa loob ako ng elevator.
Me:
Rai, nasa salon ako sa ground floor.I don't usually update him but I think I need now since he always takes time to look for me.
Sa baba, katabi ng family mart ay nakita ko noon ang isang T&J Salon. Doon ako pupunta ngayon para magpa-ayos ng kaunti.
One gay staff welcomes me warmly pagkatulak ko sa kanilang pinto.
"Ano pong sa'tin Madame?"
"I want a hair spa please..."
"Keri boom yan! Ako nga po pala si Misty, dito po tayo."
Iminuwestra niya ako sa isang upuan sa tapat ng isang malaking salamin. Sa mabilis na oras ay agad niyang ibinuhaghag ang aking buhok para masimulan na.
Binasa niya ito at nilagyan ng cream.
"Ang ganda at haba ng buhok niyo Madame. Buti hindi niyo naiisip gupitan ito?" Komento niya.
I smiled at his reflection on the mirror.
Bago pa man ako makasagot ay tumili ang isa ring baklang empleyado kasabay ng pagbukas ng pinto.