PROLOGUE

5.6K 91 16
                                    

Today is the day that I've been waiting all my life.

Pinasadahan ko ng tingin ang magandang simbahang nasa labas. There are rose petals on the hallway kasama ng mga puting tela na maganda ang pagkakaayos.

I am alone inside my bridal car. Nakakapagtaka dahil wala ang driver at wala akong kasama ni isa. Wala ding mga tao at bisita sa simbahan.

Kasal ko ba talaga ito?

Lumabas ako at dinaanan ang mga disensyo sa labas ng simbahan. When I push the door to open ay naaninag ko ang isang lalaking nakaputing longsleeves. Nakasampay ang itim niyang coat sa kanyang braso habang tinititigan ako.

There is the man I was about to marry.

Naghihintay siya! Naghihintay pa din siya sa aking pagdating!

Iniangat ko ng bahagya ang mahaba kong gown at tumakbo papalapit sa kanya.

When I reached him, I see nothing but valor and hatred on his eyes. Ang dating mga matang halos sambahin ko sa lalim at kagandahan ay ngayo'y pinapaulanan ako ng galit at pait.

What happened baby?

I can't speak. Bumubukas ang labi ko ngunit walang nalabas na tunog.

The guy utters somethingn na hindi ko maintindihan. Isang beses nadepina ang mga ugat niya sa leeg tanda ng galit. I hold his arms to calm him down.

Hindi maaaring ganito. It's our wedding day. Dapat ay masaya kami. Maayos. Hindi ganitong nag-aaway.

The man in front of me push me. Lumipad ang mga kamay kong kanina pa nakahawak sa braso niya. Lumaki ang mata ko sa gulat.

He never... hurt me before.

Anong nangyari?

Tumalikod siya sa akin at mabilis na tumakbo palabas. Palayo...

I tried to go after him but he is nowhere to ve found!

I panicked!

Why did he run from me? Anong naggawa kong mali? Anong hindi ko naggawa?

Hanggang sa magdilim ay nanatili ako sa tapat ng simabahan... umiiyak... mag-isa... umaasang babalikan.

Napabangon ako mula sa isang malalim at mahabang panaginip na iyon.

My room in Las Vegas is still the same. Madilim na at ang ilaw na lamang sa aking maliit na lamp ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid.

Huminga ako ng malalim trying to hold back some tears I shed from dreaming. Ramdam ko ang mga natuyo kong luha sa aking pisngi pababa sa leeg.

It was the same old dream again. I don't even know if I'm allowed to call it a dream, a nightmare perhaps.

Ilang beses ko na itong napapanaginipan sa loob ng ilang taon. It still haunts me now, like this is the first time it happens.

Ang sakit sa aking dibdib ay ramdam na ramdam ko pa din. The wedding in my dreams was obviously obscured. Hindi natuloy. Natigil. Naputol.

Hindi ko lubos mawari kung panaginip nga ba iyon o tunay na nangyari sa nakaraan na hindi ko lamang kayang tanggapin.

I was that girl who was left behind in my own wedding day. I was ditched... Iniwan at sinaktan.

Pinunasan ko ang buo kong mukha at humiga ng muli sa kama.

I tried to sleep but I just can't.

Nakakatakot makatulog sa paniniwalang mapanaginipan ko iyong muli.

Dahil nakakasawang masaktan at umiyak. Nakakasawang umasang panaginip lang ang lahat. Nakakasawang paniwalain ang sarili na babalik pa sa dati ang wala na.

It's been 3 years...

Ang daming nagbago...

The potential happy ending I thought, vanished in the air.

Akala ko siya na. Akala ko kami na. Akala ko pang-habang buhay na.

Akala ko...

Akala ko lang pala...



-----
® theixx_

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon