CHAPTER 23

1.8K 53 13
                                    

Pissed







"Okay ka lang?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ng tinanong iyan sa akin ni Rius. Ilang beses na din akong sumasagot ng oo.

After I woke up earlier ay agad na akong nag-handa para sa aming pag-uwi. We left Taal Vista at 12 noon bago mag-tungo sa Bulalo Point, gaya ng napag-planuhan.

Kinita muna namin si Mr. Salvidar para mag-paalam. He gave a small token of appreciation, a trophy and certificate. Anytime din daw ay tanggap kami sa kanilang hotel.

Nasa sasakyan na kami at palabas na ng SLEX nang mag-salitang muli si Rius.

"You don't look okay. May problema ba?"

Nilingon ko siya at nginitian. "I'm okay. Iniisip ko lang ang mga naghihintay na trabaho."

Lies...

Bumaling na lamang ako sa bintana at hinayaang panuorin ang lawak ng express way. Ayoko ng ganitong nag-sisinungaling ako... lalo na kay Lazarius, sa taong dapat ay nakaka-tanggap lamang ng katotohanan.

Alas kwatro na ng hapon nang makarating kami sa aking condo. Rius just help me carry my bags upstairs tapos ay agad ko na siyang kinumbinsing umuwi.

"Pagod ka din... mag-pahinga ka."

"Sigurado kang wala ka ng kailangan?"

Umiling ako. Rius closes the distance between us and gave me a soft kiss on the forehead. Napapikit ako at naalala ang mga sinabi ni Trade kagabi.

Kahit na dulo lang ng daliri mo ay para na akong sinisilaban ng buhay!

Shit! That is not so healthy to remember.

"Text me when you need something."

"Hindi na, kaya ko na. Alam kong pagod ka din. You need to rest. Maaga ka pa bukas sa site."

He nods showing his dimples. "Pupunta ka ba 'don bukas?"

"I'll try... kung matatapos ko ng maaga ang mga naiwanan ko."

"I-text mo ko."

"I will."

Pag-alis niya ay agad akong nag-shower at sumalampak sa kama. Nakatulala lamang ako sa kisame habang yakap-yakap ang aking kulay asul na unan.

Tomorrow will surely be heavy. Sa dami ng pending works ay siguradong kahit pag-ihi ay hindi ko na magagawa.

Mabuti na din 'yon. Work is always been a good and effective distraction to pains.

Humarap ako sa pinto para sana maka-tulog pero ilang sandali pa ay sa balcony naman ako humarap. Palipat-lipat ako sa dalawang gilid pero hindi ako dinadalaw ng antok.

"Shit!"

Napa-upo na lamang ako sa kama. This is useless! Hindi naman ako maka-tulog!

It's like my body is craving for it but my mind won't.

Lumabas ako ng kwarto at nag-tungo sa kitchen counter. Kumuha ako ng baso at nag-salin ng borbon. Sana kapag naka-tatlong shot ako ay antukin na ko sa wakas. This is the best remedy by the way.

Bumalik ako sa kwarto dala-dala ang alak, baso at yelo. Nilapag ko iyon sa side table ko.

Habang umiinom ay hindi ko talaga matanggal sa isipan ko ang huling usapan namin ni Trade.

Nakakapag-taka... ang hirap paniwalaan.

Na ano? That he wants me back? If he really do, why did he let go of me on the first place?

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon