Sa'yo
Hindi ko alam kung mabilis ba talaga ang pagpapa-takbo ni Trade sa sasakyan, kung wala talagang traffic o sadyang kinakabahan lamang ako habang papalapit kami ng Biñan, Laguna.
Hindi ako mapakali sa aking kina-uupuan. Maya't-maya ang baling ko sa mga nadadaanang kalsada.
My hands are irrevocably shaking as well. Mahigpit ang hawak ko dito para matigil sa panginginig.
"Baby..." Trade called.
"Oh?"
He smile at me and purse his lips. "You look... constipated."
Sinimangutan ko siya. Ang sarap batuhin! Kung nasa mood lang akong makipag-biruan, kanina ko pa 'to binugbog.
Muli akong tumingin sa bintana. Lalo akong nangatog nang mabasa ang pangalan ng isang mall na aming nalagpasan: Pavilion.
Shit! Malapit na nga kami!
"Seriously, hindi ka dapat kabahan."
"Bakit naman hindi? Malamang galit sa'kin ang pamilya mo. Just look at how Aikka despise me."
Naalala ko pa ang mga parinig niya noon. She even went to my office personally para lang sumbatan ako.
Paano ako kakalma doon?
Nilingon ko ang isang kamay ni Trade na humawak sa dalawa kong kamay. Itinabi niya iyon at inipit sa bandang tiyan ko para matigil sa panginginig.
"Kung galit sila, they won't invite you to dinner."
"So... hindi sila galit?"
Tumawa siya ng mahina at umiling. Lumiko ang sasakyan sa isang pamilyar na kalye, ang malaking karatula sa bukana ay nagsasabing nasa Barangay Canlalay na kami.
Were here! Fuck!
Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Trade.
Makakalabas pa ba ako ng buhay dito? Damn! Good concept Summer! What a great idea!
Nang masilayan ko ang pamilyar na kulay green na gate ng mga Samaniego ay tuluyan na akong iniwan ng aking kaluluwa.
It was closed at may kasambahay lamang na agad na nag-bukas para maka-pasok ang Audi ni Trade.
Trade turn the machine off and look at me.
Pinagmasdan niya ang nakaka-tuwa kong istura ngayon. I know I look constipated! Tangina sino bang hindi kakabahan?
"Naalala mo nung una kitang dinala dito?"
Tumango ako at lumunok na parang isang bata.
Trade smile and hold my cheeks trying to draw little circles on it. "Walang nag-bago baby... they will still love you because I am still... so in love with you."
Sa isang iglap, gamit ang iilang salita ay napawi ang mga pangamba at takot na meron ako. Trade can really ease all my anxiety... noon at maging ngayon. He can cast away my fears and makes a wrecked day seems new and wonderful. Hindi ko alam kung isa rin yan sa mga kakayahan niya o sadyang ganyan lamang talaga kapag mahal mo ang isang tao, they will always have the power to mend you and your weaknesses.
Bumaba kami ng sasakyan. Agad niya akong sinundo sa passenger seat at pinag-siklop ang aming mga kamay.
Lumibot ang mata ko sa kanilang bahay. Naandon pa din sa labas ang improvised gym nila... I can still remember how me and Trade spent our vacation making fun of each other there.
Puno ng magagandang halaman ang gate papasok sa sala at may iilang furniture na din sa labas.
The door makes a loud sound when Trade push it.