CHAPTER 50

1.4K 46 15
                                    




Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Trade isn't in his room when I woke up. He left me a note on the side table saying that he went down to help Kuya Mando in fixing the cars.

Naligo muna ako at nag-ayos. Isang puting loose shorts at itim na halter top ang aking sinuot bago bumaba.

I saw Nanay Mercy preparing lunch today. Luampit ako doon at hinalikan siya sa pisngi.

"Morning nanay."

"Magandang umaga anak. Ngayon ka lang nagising?"

I smile. "Opo, napagod po kagabi sa dinner. Ano po iyan?"

Sumilip ako sa palayok na naka-salang sa stove. Nanay is cooking kare-kare for us. Nakahiwalay na ang mga fresh vegetables sa mesa at ang amoy ng buong kusina ay pinag-samang peanut butter at bagoong.

I asked Nanay Mercy to teach me how to cook this some other time. Gusto ko talagang matuto, desidido ako.

Naalala ko noong teenager pa ako, Nanay Mildred always making me watch as she cooks kaya ang mga madadaling putahe gaya ng sinigang at adobo ay madali kong
natutunan.

I miss her. I can see her in Nanay Mercy. Sana ay nandito pa siya ngayon para siya mismo ang magtuturo sa akin.

Lumabas ako ng kusina kasunod si Nanay dahil nais niya daw dagdagan ng okra ang kanyang niluluto. Trade has a little vegetable garden at the front yard.

Sabay naming nakita sa garahe si Trade at Manong Mando na nagku-kumpuni doon.

My boyfriend is topless and is only wearing a faded maong pants and slippers. Ang kulay silver niyang kwintas ay kumikinang sa pagitan ng kanyang pawis na tumutulo mula sa kanyang leeg.

I stared at his wide back and huge arms dripping with sweat. Ang mga ugat sa kanyang kamay ay tila galit habang hawak ang pliers ng mahigpit.

Damn my guy looks so sexy!

"Maam!" Kuya Mando greeted me with a smile.

Halos maubo pa ako sa gulat dahil baka nahuli niya akong naglalaway para kay Trade.

Napalingon sa akin si Trade at lumundag kaagad ang puso ko dahil sa sobrang ka-gwapuhan niya.

Ano ba Summer! Matagal na iyang gwapo. High school pa lamang kayo.

He smile at me before moving his eyes to examine my whole body. Hindi nakatakas sa akin ang panliliit ng kanyang mata at bahagyang pag-kagat niya sa kanyang labi.

Hoo! Bakit parang uminit lalo sa tanghali?

Mula sa pagkaka-luhod sa inaayos na gulong ng sasakyan ay mabagal siyang tumayo at lumapit sa akin nang nakangisi.

I still remember the first time he went inside my biology class holding a big blue stuffed toy. Iyon ang unang araw ng kanyang panliligaw sa akin at hindi pa ako lubusang naniniwala na talagang gusto niya ako.

We were enemies before. I hated him for being so boastful and he dislikes me for always slapping him with my bad words.

Ganitong-ganito ang pakiramdam na iyon.

Tila isa akong high school student muli na nilalapitan ng manliligaw niyang crush niya ng palihim.

I am a grown up woman now, I am almost 27 at heto pa rin ako, nakatayo at hindi mapirimi ang kilig sa papalapit na si Trade Samaniego.

Nang marating niya ako ay tuluyan siyang ngumiti. He need to look down on me because he's really tall.

"Namiss kita." He said seriously.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon