CHAPTER 13

1.9K 66 31
                                    

Half






NAKAKAGIGIL TALAGA YANG SAMANIEGO NA YAN!!!

Ilang araw na mula noon pero ramdam na ramdam ko pa rin ang pagkulo ng dugo ko para sa kanya! Lalo tuloy nadadagdagan ang galit ko.

Kung di lang masama ay nasaktan ko na siya! Noon pa!

I park my car outside the site in Teacher's Village.

Nandito ako ngayon para i-check ito. I wanna know if it's really done well. I can't risk it! Bawal akong magka-mali sa pagkakaton ito. Ayoko ng madagdagan pa ang kahihiyang naibigay ko sa mga magulang ko noon.

Naabutan kong nagpapahinga ang mga manggagawa sa ikalawang palapag. Nagsi-tayuan silang lahat, tila nagulat nang makita ako.

"Magandang hapon po Ma'am." Sabay-sabay nilang bati sa akin.

"Architect and Engineer wouldn't be here today. Nasaan ang head ninyo?"

"Ma'am ako po!" Sigaw ng isa. He is wearing a blue longsleeves at dala-dala ang isang puting sumbrero.

"Kamusta ang second floor?"

Naglakad kaming dalawa para maipakita niya sa akin ang kanilang natapos. Tinititigan ko ang mga pader at kisame.

"Masasabi ko pong mas safe at mas matibay itong bago Ma'am. Maganda ho ang mga bagong materyales na nakuha natin. Hindi ho madaling magiba, di gaya noong dati."

I am slightly convinced with him and with what Trade said the last time. Sa paningin ko ay matibay nga ang mga haligi ng ikalawang palagapag. Colors and interior designs na lamang ang kulang.

Sinabayan ako ng head pababa hanggang sa maka-labas mismo ng site. Inihatid nila ako kung saan naka-park ang aking sasakyan.

"Kayo na ho ang bahala dito." Bilin ko.

"Maraming salamat po. Mag-ingat po kayo."

I was about to open the car door when someone stopped me from doing so.

Nilingon ko kung sino iyon. Of course, naalala ko nga... her restaurant is just a few blocks away from here. What a coincidence.

She is in her chef uniform at naka-suot ng isang malaking ngiti sa mukha.

"Hi Summer! Remember me?"

Of course Georj, how can I forget you? I think wickedly.

Paano ko naman makakalimutan ang babaeng ipinalit sa akin ni Trade hindi ba?

Nagsipasok na ang mga trabahante sa loob at iniwan kami.

I tried to smile at Georleanna Pineda in front of me.

Hindi ko tuloy alam kung anong itsura ko sa ngiting iyon. Hindi ko maiwasang mag-maldita eh. Hindi pa naman ako plastik.

"Georleanna..."

"Georj na lang. By the way, sa sabado na ang food feast dito sa Teacher's village. I hope you can come, isama mo si Rius?"

Natawa ako sa aking isip upon hearing her invitation. Isama ko pa talaga si Rius? Wow. I should bow down to his greatness! Mistulan siyang isang mabuting kaibigan na nagyayaya ng isang bonding.

I suddenly wondered, nasabi na kaya ni Trade sa babaeng ito ang tungkol sa amin? That they betrayed me? That she serves as a cheating instrument for me?

Kung oo, ano kayang nararamdaman niya ngayon at bakit ganito siya makitungo sa akin?

Siguro ay hindi pa rin niya alam. Dahil kung ako, makaka-harap ko ang taong ginago ko... mahihiya ako. Baka nga mag-pakain na lang ako ng buhay sa lupa o hilingin na lamang na huwag mag-krus ang landas namin.

Still MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon