Fate and chances
The program starts as soon as I know it. Wala nanaman ako sa aking tamang wisyo.
Mr. Salvidar do the welcoming remarks at pagtapos noon ay ipinakita ang history ng Taal Vista Hotel.
It started with a small inn here in Tagaytay, hanggang sa makakuha ng malaking espasyo ng lupa na tuluyang nag-palago nito.
The owner failed to attend tonight dahil may sakit ito at nag-ttherapy sa amerika. Sayang at wala siya.
Next was the introduction of the cooking competition to everyone. Ipinakilala ang mga kalahok at kaming mga hurado.
I was surprised not to see Georj here tonight. Hindi sa hinahanap ko siya but she should be here, lalo na at palagay ko siya ang nanalo.
"May I call my co-judge, Ms. Aquinas and Mrs. Tiozon to help me recognize the winners..."
Sabay kaming umakyat ng stage ni Ginang Tiozon. I keep on smiling to everyone even my heart is confused.
Confused saan Summer? I think. Hindi ko rin alam.
"The winner will have a two hundred thousand peso cash, kitchen apparels from Brix and a National certificate four from the Philippine Culinary Association."
Binasa ang tabulation of scores simula sa breakfast, lunch and dinner bago banggitin ang nanalo.
"Congratulations... chef Georleanna Estrejas Pineda!!!"
Everyone clapped their hands and cheer in unison pero walang Georj na nag-pakita. Even Trade is not here.
What happened? Nasaan sila?
Ipinasa ni Mr. Salvidar ang mikropono sa emcee para sa isang anunsyo.
"Unfortunately, chef Georleanna needs to go home due an important matter."
I get it. It must be an emergency. Pero kailan siya lumuwas? Kanina lamang sa salon ay nagkita pa kami.
And why Trade stayed here if that's the case? Hinayaan niyang umuwi ang girlfriend ng mag-isa?
Kung ano man iyon, I believe I am out of the picture. Hindi na iyon sakop ng pagkatao ko. Wala na ako dapat pakealam.
The celebration ended with a toast of wine for everyone.
It was fun.
Sa buong pagdiriwang na iyon ay si Lazarius ang nasa aking tabi. Making me smile... making me happy.
Bawat ngiti at tawa ko ay nagpapawala pansamantala sa kaguluhan sa aking utak at puso. I need more of Rius. Sana ay sa mga susunod na araw... or maybe when we return to Manila tomorrow.
"Ihahatid kita sa suite mo bago ako makipag-saya dito sa baba." Paalam niya sa akin.
Inanyayahan siya ng mga kalalakihan na mag-inom sa bar sa baba.
"Wag na Rai... you go there. I'll be okay."
Ngumuso siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "I wanna make sure you're sleeping soundly before I have my own fun."
Uminit ang puso ko doon.
I smiled at him. "Hindi ka makakapag-saya kung hihintayin mo pa kong maka-tulog. Go and have fun. I'll see you tomorrow morning."
"Lunch at Bulalo point?"
"Sure. Bago tayo bumalik."
And with that, we compromise. Hinatid niya lamang ako hanggang sa elevator. As soon as the door close ay naka-hinga ako ng maluwag.