"Hello? Asan ka na?", tanong ko sa kausap ko sa telepono.
"Nakasakay na ako ng taxi, wag kang mag-alala di kita iindyanin tulad ng ginagawa mo palagi.", sabi ng babae sa kabilang linya. Siya si Kyla, girlfriend ko...o ex girlfriend ko.
"Kyl,..wag ka namang ganyan---"
"Mamaya na. Bye.", at pinutol niya agad ang tawag ko.
Napabuntong hininga ako ng malalim. Nasa BO's Coffee ako ngayon at kasalukuyang hinihintay ang pagdating niya. Sinabi ko sa kanya na magkita kami for the last time at atleast man lang maging maayos na ang paghihiwalay namin. Pero, di talaga yun ang pakay ko...gusto kong makipagbalikan sa kanya. Kung lumuhod man ako ngayon para lang mapatawad niya ay gagawin ko. Sapat na ang anim na buwan para marealize ko na di ko siya kayang mawala.
Anim na buwan... masyado ba yung naging matagal? Naka move on na ba siya? Gusto na ba niya yung bestfriend niyang si Jake? Yung palagi niyang kasama na lampang lalaki? Wala na ba siyang nararamdaman para sakin?
Tama siya,..ilang beses ko na ba siyang inindyan? 5th monthsary dahil sinamahan ko ang babae ko magshopping? Anniversary namin dahil nakatulog ako ng matagal sa hotel kasama ng babae ko? Birthday ko dahil nagpaparty ang mga kaibigan ko sakin at maraming babae ang nan doon, maraming alak? Ilang dates ba ang hindi ko sinipot dahil lang sa mga walang kwentang bagay? Ng mga panahon na yun...ilang oras ba siyang naghintay sa pagdating ko? Ni di man lang siya nagtanong kung ano ang nangyari at di ako sumipot...di siya nagalit man lang kahit isa. Sabi niya may tiwala siya sakin na may mabigat akong rason kung bakit di ako nakakadating. Noon, tuwang-tuwa ako kapag nakakapuslit ako sa mga mali kong nagawa...pero bakit ngayon parang ang sakit-sakit ng lahat ng mga alaala na yun? Ilang beses ko na ba siyang niloko? Di ko na mabilang...ganun na ba yun kadami?
Huli na ba ang lahat kapag nakipagbalikan ako sa kanya ngayon? Sa loob ng anim na buwan kung kani-kaninong babae ako nakipag-date para lang palitan siya, pero di ko yun nagawa dahil hinahanap-hanap ko pa din siya kahit san ako magpunta. Akala ko makakalimutan ko siya. Akala ko makakahanap ako ng bago na mas mamahalin ko kesa sa kanya. Di ko man lang napansin na nasa pinakadulong bahagi na pala ako ng bangin.
Ako nga pala si Lance Vertiges, 22 yrs old, at ngayon...kukunin ko ang kahit anong chances na pwede para lang makuha kong muli ang babaeng pinakamamahal ko.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3