part 7

127 5 0
                                    

Marami ng tao ng dumating ako sa party. Sa likod ng bahay nila Brad ang event kung saan nandun ang pool nila. Ako na nga lang ata ang kulang sa tropa namin.

"Pare akala ko di ka na dadating.", sabi ni Brad na halos yakapin ako ng nakita niya ko.

"Ikaw pa..malakas ka sakin.", sabi ko. "Happy birth day!"

"Thanks."

"Good to see you tol.", bati pa ng ibang tropa sakin. Halatang tuwang-tuwa sila ng nakita ako. Di ako sigurado kung kasali ba sila sa mga taong nagtext o nag missed calls sakin pero malaki pa din ang chance na kasali sila, what is tropa ko sila. Malamang alam na nila ang sitwasyon ko. Dahil sigurado akong naikwento na rin ni Brad ang nakita niya sa kwarto ko.

Kwentuhan lang sila ng kwentuhan doon. Pinipilit kong makinig pero di ko namamalayang bigla akong nawawala sa usapan. Putol-putol ang naririnig ko, una sa mga bago nilang trabaho tapos biglang nasa bermuda triangle na. Minsan tumatango ako kahit di ko maintindihan ang kwento nila o ngumingiti kapag bigla silang nagtatawanan.

Alam kong pinipilit din nilang di pansinin ang kilos ko pero nahuhuli ko silang tumitingin sakin na parang naaawa, nalulungkot o nagtataka. Pakiramdam ko bigla di ako makahinga kaya nag.excuse ako sa kanila na mag cr muna.

Mabuti ng umiwas muna ako kesa naman makita nila akong ganito. So much for a birth day party.

Pumunta ako sa isang sulok kung san di ako makikita ng tropa ko. Umupo ako sa bar na nagseserve ng drinks at umorder ako ng isang shot ng tequilla.

Maya-maya ay may tumabing babae sakin. Di ko siya pinansin at sa halip ay tumingin ako sa ibang direksyon.

"So much for the party huh.", sabi nito.

Dun ko lang siya nilingon. Hindi naman din kasi ako masyadong bastos. Pagbibigyan ko siya dahil siya ang unang nakipag-usap.

"Yeah.", sabi ko lang. At narealize ko na wala pa ko sa mood.

Mahaba ang straight niyang red hair at sexy ang suot nitong damit na di ko masyadong inintindi ang itsura. Ang kapal ng make-up niya pero bagay naman sa kanya dahil maganda siya dito.

"And this is the bitter you Mr. Lance Vertiges?", tanong nito na nakangiti.

"You know me?", pagtataka ko.

"Everyone knows you.", sabi niya while rolling her eyes, "The campus hearthtrob slash playboy who had been captured by not so typical girl. Not to mention who had been dumped before the graduation."

Napataas ang kilay ko. Not so typical girl huh?? Eh wala naman siyang binatbat kesa kay Kyla. Ngayon binagyan nako ng mood ng babaeng ito.

Napangiti ako.

"I see your quite frank.", sabi ko na kunwaring pinupuri ito.

"Yeah...why hide what you like to say. Hindi kasi ako plastik.", sabi nito na proud pa sa ginawa niya.

"Yeah...", ngiti ko at lumapit pa sa kanya para ilagay ang kamay ko sa bewang niya, di naman ito  pumalag.

"I like frank people. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano ang iniisip nila.", at nagulat ako sa sinabi kong iyun...dahil biglang pumasok sa utak ko si Kyla. Ang babaeng hindi ko alam kung pano tumakbo ang utak. Lahat ng gawin niya ay palaging unexpected para sakin. Di ko alam kung pano siya mag-isip. Palaging unpredictable. No wonder, kaya ganito ang sitwasyon ko ngayon.

S**t! Akala ko ba pagod na ko?? Bakit nandito na naman siya sa utak ko!

"Really?", ngiti nito.

"Really.", at agad ko siyang hinalikan sa labi. Hinalikan din niya ko pabalik, at ilang segundo din iyon bago ako kumawala...bago nawala sa isip ko si Kyla.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon