Bumalik ako sa hotel.
Alam kong sobrang kapal ng muka ko para bumalik pa dun, pero andun ang mga gamit ko and i owe an apology kay Ria.
Di ko alam kung pano ko siya haharapin at kung pano ako magsosorry.
Pagdating ko, nadatnan ko siyang naka-upo sa sofa. Mugto ang mga mata sa kakaiyak.
Nanghina ako sa nakita ko.
Pakiramdam ko ako na ang pinaka masamang tao ngayon.
She manage a smile ng nakita niya kong pumasok.
And i just stood there.
Di ko alam ang gagawin. First time in my life na may nakita akong taong umiiyak sa harapan ko. At di lang yun, umiiyak siya ng dahil sakin.
I never seen dad na umiyak ng namatay si mama, nor the girls i slept with and dump afterwards, nor si Kyla na sinaktan ko ng masyado.
I wonder kung ganito ba din ang magiging reaksyon ko kung nakita ko noong umiyak si Kyla. Kung ganito ba ko katanga sa harapan niya.
Di ko alam ang sasabihin...o gagawin...
Blanko ang utak ko.
Alam kong dapat akong mag-sorry. Pero di ko alam kung pano ko sasabihin. Kung san magsisimula.
"Are you just gonna stand there forever?", tanong niya sakin, "Sit.", at tinapik niya ang bakanteng upuan sa tabi niya.
Dahan-dahan naman akong lumapit.
"I'm sorry.", chorus naming dalawa.
Napatawa siya. At nagulat ako na kaya niya iyong gawin.
"No it's okay.", ngiti niya sakin.
Pero di ko maintindihan. Pano naging ok lahat ng ginawa ko sa kanya? Di yun ok! At alam ko yun.
"Look.", sabi niya na sumeryoso. "Really Lance, it's ok. I understand.", nahalata niya sigurong nag-aaalala pa din ako sa kanya.
"I just---i...Kyla---", hindi ko talaga alam kung pano magpaliwanag, "God, i suck at this.", sabi ko na napasandal.
"I said it's ok!", tawa ni Ria. "I know you like me, but i know you don't love me."
There! Yun ang gusto ko talagang sabihin! Kaso masasaktan ko siya kapag sinabi ko yun. But what's the difference, sinasaktan ko na siya ngayon!
"I'm sorry.", sabi ko ulit.
Nagkaroon ng saglit na katahimikan.
Hindi ko na ulit alam ang dapat sabihin.
"The first time i saw you. When you hit me with the tin can...", sabi niya na siyang nagbasag sa katahimikan, napangiti kaming pareho sa alaala, "..i wasn't just standing there for no reason, nor was i waiting for somebody. It's where me and my boyfriend had our car accident.", sabi niya sa mahinang boses," I don't know how we crushed because i was drunk back then and i was sleeping. But he was not drunk, and the police said it was because of the car break. I just woke up the next morning and i was on the hospital. And then i received the news that he died.", pumatak ang ilang luha at pinunas niya agad yun. "He died two years ago.", sabi niya.
Nagulat ako. Di ko alam na may pinagdaanan din pala siyang ganun sa buhay. No wonder she cared for me. Alam niya kung ano ang nararamdaman ko noon.
"I'm sorry.", sabi ko ulit.
Ito lang ba talaga ang kaya kong sabihin??? Grrrrr!
"It's not your fault. It's just...your both similar in many ways.", sabi niya,"Maybe that's the reason why i liked you."
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3