part 10

135 5 0
                                    

Kinabukasan pinagalitan ako ng papa ko ng nalaman niya ang tungkol sa naging garage sale ko. Mas ikinagalit pa niya ng nalamang ibinenta ko din ang kotse ko. Di ko pa naman naibebenta talaga, sinabihan ko lang yung ka opisina ko na interesado din dito. Kung alam ko lang na malalaman ni papa sa iba ko na lang sana binenta.

Sa huli di pinayagan ni papa na ibenta ang kotse ko. Syempre nag-away kami kaya umalis ako sa bahay namin ng araw na iyon. Kung doon ako titira tiyak na gagawin niya ang lahat para di ako matuloy sa plano kong pagpunta ng America.

Dun muna ko pansamantala sa condo ni Lowi, ang top 3 board passer ng nursing, ang tinatawag na naming doctor ng barkada. Pinatuloy din naman niya ko.

"Tol kailan ba titino isip mo?", pangaral ni Lowi sakin.

"Kapag nakita ko na si Kyla.", sabi ko kagad.

"So gusto mo siyang mahanap para tumino ka at hindi dahil mahal mo siya?", sabi nito.

"Both.", sabi ko na medyo di maintindihan ang tanong niya.

"Look Lance, magkaiba ang bagay na pinapili ko sayo. If gusto mo siyang mahanap para tumino ka di ba parang gusto mo lang siya mahanap dahil may kailangan ka sa kanya? Parang self purpose mo lang. You don't love her, you just need her. And magkaiba ang bagay na yun.", explain ni Lowi.

Napabuntong hininga ako at napaisip. Tama si Lowi. Ilang araw ko ng iniisip na naging better person ako dahil kasama ko siya pero hindi. If i was a better person back then dapat di niya ko iniwan, dapat di siya umalis. I was a worse person...and still now. Acting too selfish and too brat.

"What im really trying to say is may solusyon pa sa problema mo. Walang naidudulot na maganda ang paglalayas.", patuloy pa ni Lowi, "By now u know na kung ano ang pakiramdam ng iniwan, imagine anong nararamdaman ngayon ng papa mo."

I sigh in defeat. Si Lowi na! Siya na ang tama! Kulang na lang bigyan ko siya ng award dahil tagos sa puso ang mga sinabi niya. Tama siya. I feel so pathetic. Padalosdalos lng ako palagi magdesisyon.

Im still a brat. A selfish being. Di ko iniisip ang ibang tao...di ko inisip si Kyla noon. Kaya nga niya ko iniwan di ba?

As much as i want to see Kyla, kailangan sa proseso di ko din masaktan ang ibang tao sa paligid ko. Ilang beses ko na bang pinasakit ang ulo ni papa ngayon?

"Just let me stay for the night.", sabi ko kay Lowi.

Kinabukasan bumalik ulit ako sa bahay. Nadatnan ko pa si papa kaya kinausap ko siya.

"I'm sorry pa.", sabi ko.

"You better be.", sagot naman nito,

"Hindi ka na bata para magtampo at bigla na lang lalayas kapag gusto mo."

Alam ko magiging mahirap to kaya linakasan ko na lang din ang loob ko. Bihira lang magalit si papa kaya kapag nagalit siya tiyak na meron siyang rason para magalit.

"I know...thats why i'm sorry. I just really need to see her pa. Please pa..."

"I said no. And that's final.", sabi nito na halatang galit pa din.

"Why do you keep on holding to someone na wala na Lance? Why just can't you let go and move on? Marami pang babae dyan. Yung di mo kailangang hanapin!", sabi pa nito.

"Then bakit di ka din maghanap ng iba?", sabi ko. Pinipigilan ko ang galit ko dahil ayaw kong magkasagutan na naman kami pero sa mga sinabi niya, di ko na napigilan ang sarili ko. "Bakit di ka din mag-asawa ng iba? Matagal ng patay si mama. Bakit di ka makahanap ng iba na pwedeng ipalit sa kanya?"

"Iba ang mama mo..."

"Well then iba din si Kyla!", putol ko sa sinasabi niya, "Iba siya pa...She's my everything...mahal ko siya pa pero marami akong nagawa na pagkakamali sa kanya. Gusto kong mag-sorry man lang sa kanya, gusto kong itama ang mga mali ko noon, gusto ko siyang mahalin ulit at ipakita sa kanya na pagkakamali lang ang lahat ng nagawa ko. I've tried so hard pa para mawala na siya sa isip ko but ilang buwan na ang lumipas siya pa din."

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon