"Kyla!!!", sigaw ko habang pinipilit kong makadaan sa mga nagsisiksikang tao.
Nakita ko siya saglit tapos bigla na namang nawala.
"Kyla!!!", sigaw ko ulit na halos maputol na ang ugat ko sa leeg.
Sinisiko ko lahat ng nakaharang kahit babae para lang makadaan ako. Maraming galit ang nakatingin sakin pero wala na akong pakealam.
"Kyla!!!!", sigaw ko sa pinakamalakas na boses pero kahit sariling sigaw ko ay di ko marinig dahil sa ingay ng pagdating na tren.
"Hindi. Kyla! Kyla! Kyla!", pa ulit-ulit kong sigaw!
Pero di matapos-tapos ang siksikan ng maraming tao.
Nakita ko siyang papasok na sa kakabukas lang na pintuan ng tren.
Pakiramdam ko lahat ng lakas ko sa katawan ko ay agad kong ibinuhos para lang makawala sa siksikan ng lahat ng tao. Tumakbo ako pero nakita kong nakapasok na siya.
"Kyla!!!", sigaw ko.
Bigla akong nadapa sa basurahan na di ko nakita. Nagkalat ang basura sa paligid.
Agad akong tumayo pero nagsara na ang pintuan ng tren. Mabilis akong lumapit sa mga bintana at tiningnan si Kyla sa loob nito. Nakita ko siyang nakaupo sa harapan ko at nakayukong tinitingnan ang cellphone niya. Maraming tao ang nakatayo at nakaharang pero kitang-kita ko ang mukha niya sa isang malaking butas ng mga tao na parang andun para makita ko.
"Kyla!", sigaw ko at hinahampas ang bintana.
Nagsimula ng umandar ang tren at tumakbo din ako kasabay nito.
"Kyla! Kyla!", paulit-ulit kong sigaw.
Please tumingin ka...please tumingin ka! Kyla please!
Bumibilis na ang takbo ng tren at nahuhuli na ako sa pagtakbo. Nakita ko siyang tumingin sa bintana pero wala na ko dun!
"KYLA!!!!!"
Tuluyan ng bumilis ang andar ng tren at may pader ng nakaharang sa tinatakbuhan ko. Napahinto ako sa pagtakbo at hinahabol na ang hininga ko.
Wala na...di niya ko nakita...hindi ko siya naabutan.
Nanlumo ako habang tinitingnan ang nawalang tren sa harapan ko.
Sinuntok ko ng paulit-ulit ang pader sa sobrang galit ko. Napasigaw ako sa sobrang panghihinayang.
Andun na eh! Nakita ko na siya! Buhay siya! Konti na lang at naabutan ko sana siya! Nasa harapan ko na siya! Konting abot na lang nahawakan ko na sana siya!
Ugh! Nakakainis! Nakakainis!!!!
"Kyla!!!!", huli kong sigaw.
Napaupo ako dun at napasandal sa pader.
Hindi ko siya naabutan....Sh*t!!
Naramdaman ko ang napakaraming emosyon bigla. Galit...inis...lungkot...kasiyahan...madami na napaiyak na lang ako sa isang sulok.
Maraming nagtinginan sakin. Para akong ewan dun.
Pero napangiti ako bigla.
Buhay si Kyla! Yun ang importante ngayon! Buhay siya!
God thank you!
Sobrang saya ko na napaluha pa ako. Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan ang tears of joy. Talagang, sobrang saya ko lang na di ko alam ang dapat sabihin...isipin o gawin.
Buhay siya at may chance pa kong makita siya ulit. Chance na makapiling siya.
Siguro baliw na ang tingin sakin ng mga tao ngayon dito. Umiiyak habang nakangiti.
Biglang nagring ang fone ko. Number lang kaya sinagot ko.
"Hello?! Lance!"
"Who's this?", pagtataka ko dahil english accent.
"Thank god! I've suffer through many things just to get your number ya know that? It's me Letty!", mabilis niyang sabi.
"Letty??!", gulat kong wika.
Bakit siya tumawag??
"I need to tell you something! Just don't freek out ok? Kyla's alive!", sabi niya.
Kung narinig ko lang ang balitang ito bago ko nakita si Kyla baka oo nag freek out nako ngayon. Kaso, alam ko na eh.
"Yeah. I know.", sabi ko.
"You knew??"
"I just saw her."
"What??? Ok now i'm freeking out! Wait---what the hell, are you in Japan???!"
"Yeah."
"Oh my god! Moms gonna kill me! The phone bill! I'm so dead! Why are you there? Did you meet her? Did you saw her?"
Napatayo na ko at pinunas mga luha ko.
"No. I didn't meet her, but i saw her.", sabi ko."How come she's alive?"
"Basically Rednik is dead. He was hit by a car when he had almost lost his mind. And aunt Isabele found out about it so she told me that she lied about her death coz they were afraid of Rednik finding her. So she send her there in Japan and now she's living with her God mother."
"Can you tell me her place?", tanong ko. "Wait--did you told her aunt Isabele about me?"
"Na, i forgot because i was so overwhelmed of the news that Kyla is still alive. She just stop by in our house then followed her there in Japan. I'm sorry."
"No it's ok.", sabi ko na lang. Pero of course di yun ok!
If sinabi sana niya ang tungkol sakin eh di sana alam ni Kyla ngayon na hinahanap ko siya. Eh di sana baka hanapin din niya ako o teka...baka hindi. Umalis siya sa Pilipinas while nagpapanggap silang magsyota ni Jake. Ibig sabihin desperada siyang mawala na talaga ako sa buhay niya.
Ouch!
"It's good you never told her.", sabi ko pa, "And don't tell anybody."
"Oh. And her address...um..i forgot to ask also. And i never got their new number...I'm sorry again."
Nagpakawala ako ng hininga. "It's ok. Thanks anyway for bringing the news. It's a big help."
"Your welcome. Good luck on finding her. I should probably hang up coz mom gonna totally kill me..bye Lance."
"Wait!", habol ko.
"What??? Hurry up you idiot moms gonna choke me to death!"
"Can you do me a favor? Can you stay with Ria if she goes back there? She really need someone."
"Ok!! Bye!", at naputol agad ang usapan namin.
"Bye.", sabi ko na lang sa sarili ko. Si Letty talaga. Sana lang tuparin niya yung sinabi ko.
Inisip ko ang mga bagay na nangyari ngayon. Si Ria...si Kyla...ano ng gagawin ko ngayon?
San ako magsisimula ulit?
Pano ko haharapin si Ria?
Anong sasabihin ko at papano niya ko mapapatawad?
Napalitan ng kalungkutan ang tuwang naramdaman ko habang tinahak ko ang daan pabalik ng hotel.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3