Malakas na ang ulan sa labas at di ako makaconcentrate sa assignment ko. Matagal akong nag-isip tungkol sa away namin at napagdesisyunan kong puntahan siya.
Kinuha ko ang jacket ko at saka nagtaxi papunta sa kanila dahil sira nga kotse ko.
Ayoko talaga sa lahat ay ang nag-aaway kami ni Kyla. Nakakainis dahil palagi akong talo. Siya kaya niya akong tiisin, pero ako, di ko alam kung bakit di ko kaya. Di naman ako ganito dati! Sa ibang babae nga ako palagi ang mataas ang pride!
Dahil makitid ang daan papunta sa bahay ni Kyla, kinailangan ko itong takbuhin. Malakas ang ulan kaya basa na ako pagdating ko sa pintuan ng bahay nila.
Kumatok ako. Maya-maya ay bumukas ang pinto at nagulat si Kyla ng nakita ako.
"Hi.", sabi ko.
Pinatuloy niya agad ako at kumuha siya ng towel. Pinunasan niya ko pati ang buhok ko habang nakaupo siya sa harapan ko.
"At bakit nandito ko gayong ang lakas ng ulan?", sabi niya sakin.
"Wala lang.", sabi ko na di makatingin sa kanya.
Huminto siya sa pagpunas sakin at tiningnan ako ng mabuti.
"Sorry.", chorus namin.
Napangiti naman agad kami pareho. Yinakap niya ako at hinalikan sa pisngi.
"Sorry dahil pinilit kita kanina. Alam ko din naman na kailangan mo din pera mo.",sabi ni Kyla.
Hinawakan ko kamay niya, "Di naman yun eh. Nag-aalala lang ako sayo kasi gipit ka din sa pera. Kahit sabihin kong di mo na bayaran yun, ipipilit mo pa din makabayad sakin at ayoko nun. Ayoko dahil kailangan mo din ang pera. Yun lang naman ang problema sakin."
"Sorry na hm?", sabi niya.
"Sorry din at nagalit ako."
Ngumiti siya.
"May niluluto ka ba? May naamoy kasi ako.", sabi ko.
"Ah, sopas. Ibibigay ko mamaya sa kanila.",
Hay naku! Di ko na talaga siya kayang pigilan.
Sinulong namin ang ulan ng gabing iyun para ihatid ang sopas sa mga pulubi. Ang dami nga ng ginawa niya. Tingin ko 500 din yung nagastos niya. Tsk. Well, ganyan talaga siya eh. Wala na akong magagawa.
.......................................
Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng magutom. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng pulubi at kung gano kasarap sa pakiramdam ang matulungan.
Hay!!!,. Ang sama ko pa lang tao noon. Tama nga yung sabi nila na it's better to give than to receive.
Si Kyla talaga...kaya mahal na mahal ko yun eh. Iba talaga siya sa lahat ng babaeng nakilala ko.
At hanggang ngayon ako pa din itong di siya matiis. Samantalang siya tiis na tiis niya ko. Hay buhay!!!.. Wala akong magagawa dahil mahal ko talaga siya eh.
"Salamat po.", sabi ko sa matandang kasama ko. "Ano nga po palang pangalan niyo?"
"Lito. Ikaw?", tanong niya.
"Lance po."
"At anong kamalasan ang sinapit mo dito?", tanong niya, "Mukang bago ka lang dito ah."
"Ah...may hinahanap lang po kasi ako.", sabi ko naman.
"Hmm..kamag-anak mo? Alam mo ba address? Muka ka kasing naliligaw dyan sa itsura mo. Sinasabi ko sayo, pahirapan dito ang mga bagay-bagay. Kung wala kang swerte magiging kagaya ka namin balang araw."
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3