Haist!
Ba't ba ko nakokonsensya? Kasalanan naman niya lahat ah!
Nagmamaktol ako sa isang sulok ng umupo sa tabi ko si lolo Lito.
"Lahat naman ng tao nagsisinungaling.", sabi niya sakin bigla, "Nasa satin na lang kung pipiliin nating paniwalaan sila ulit o hindi."
"Ang hirap pala talaga ibalik ang tiwala.", sabi ko. At bigla kong naisip si Kyla. Ilang beses kong binasag ang tiwala niya sakin pero kahit ganun, minahal pa din niya ko sa loob ng apat na taon. Paulit-ulit niya kong pinagkatiwalaan. Di ko akalaing ganito pala kahirap ibalik ang isang tiwalang buong-buo mong binigay.
Pano kaya nagawa ni Kyla sakin yun?
"Pag mahal mo ang isang tao...pag mahalaga siya sayo...wala kang ibang gagawin kundi paulit-ulit ibigay ang tiwalang yun. Alam mo kung bakit? Dahil sa pag-asa...dahil umaasa ang taong nagmamahal."
"Pag-asa? Umaasa?", pagtataka ko.
Bigla kong naalala ang sinabi sakin ni Jake noon bago ako pumunta ng Amerika. Na araw-araw daw umaasa si Kyla na magbabago ako.
Pag-asa...
Siguro kaya siya umalis at iniwan ako dahil nawalan na siya ng pag-asa? Ganun ba yun? At napagod na siyang umasang magbabago ako.
Napangiti ako.
Kung ako nga umaasang mabibigyan ng chance ni Kyla, bakit hindi din si Mika?
Ako na gustong magkaroon ng second chance di man lang magawang ibigay iyon sa ibang tao.
Tumayo ako at napangiti.
"Salamat po lo. Alis lang po ako.", at patakbo akong umalis.
"Mag-ingat ka!", pahabol ni lolo at kinawayan ko siya.
Pinuntahan ko ang bahay ni Mika pero wala siya dun. Bumalik din ako kinabukasan at wala din siya. Bukas na ang competetion at di ko alam kung san siya hahanapin.
San ba kasi nagpunta ang babaeng iyun??
Nagdesisyon na lang akong puntahan ang pinagprapraktisan naming lugar. Buti na lang at sakto pa talaga pera ko para sa pamasahe. Pero wala din akong taong nadatnan dun.
Kaya umuwi na lang din ako. Naisip ko siguro sumuko na siya. Siguro wala na siyang plano na sumali sa competition.
Nakakalungkot lang na dahil sa kaartehan ko at kabadingan ko, nawala tuloy chance ni Mika na manalo dun.
Nagsimula na lang akong mag-isip kung anong gagawin ko para mahanap si Kyla. Pero sa dami-daming naisip ko, walang lumabas na maganda. Pakiramdam ko nasa dead end nako sa paghahanap ky Kyla. Without Mika, wala din si Kyla kasi.
Hay buhay!
Bwesit!
Sinamahan ko si lolo Lito na bumili ng gamot sa pinakamalapit na Pharmacy. May ubo kasi ito. Buti na lang at may natitira pa akong pera. Tipid na tipid kasi kami ni lolo sa mga pagkain para tumagal pa ito.
Habang bumibili, napansin ko ang tv nila sa loob ng store. Ng una medyo mAgulo ang tv kaya di ko masyadong pinapansin. May mga banda na tumutugtog at mga tao na pinapakita. Di ko din naman maintindihan yung mga nakasulat sa screen.
Pero dahil medyo matagal pila namin ni lolo sa pagbibili, di ko maiwasang mapatingin ng paulit-ulit sa tv, at nagulat ako ng nakita ko mukha ni Mika doon. Saglit lang yun na nafocus mukha niya pero sigurado akong siya yun!
"Lo...kaya mo bang basahin yung nakasulat sa tv?", tanong ko sa katabing si lolo Lito.
"Hmmm..di ko masyadong mabasa eh.",sabi niya na ningkit ang mga mata. Oo nga pala, malabo mga mata niya!
Nagtanong na lang si lolo sa katabi niyang babae. Nag-usap pa sila at nagsimulang mangati ang mga paa ko. Gusto ko ng tumakbo papunta kung saan nandun ngayon si Mika.
Di ko namalayang nagjo-jog na ako in place. Atat lang talaga ako masyado! Syempre baka mag simula na silang kumanta ng wala ako!
Akala ko naman di na sila tutuloy! Akala ko sumuko na si Mika. Haist! Kailangang umabot ako dun. Baka madisqualified sila o ano.
Bumaling si lolo sakin.
"Band contest daw. Teka...ito ba yung sasalihan niyo sana ng kaibigan ni Kyla?"
"Oo lo eh."
"Mukang malayo yung lugar Lance.", wika niya, "Makakaabot ka lang siguro kung magtataxi ka."
"Taxi?", pero wala na kaming pera kung itataxi ko pa ito, lalo na ngayong ibibili ko sana ng gamot si lolo.
"Sige na...pumunta ka na dun. Pag-uwi mo na lang tayo bibili ng gamot ko. Di pa naman ako mamamatay kung di tayo makakabili ngayon."
"Pero lo..."
"Sige na sige na.", at tinutulak na niya ko, "Hihintayin kita. Dali na...", tulak pa niya sakin.
Awww...hay naku..si lolo talaga!
"Salamat lo.", ngiti ko.
At sinabi niya sakin ang lugar kung san yun ginaganap. Saglit ko siyang niyakap at tumakbo paalis.
Umigham ako at hinanda na ang boses ko.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3