part 38

97 3 0
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Di nako nakagalaw pa. Habang tinitingnan ko ang mahimbing na pagtulog ni Kyla, unti-unting nadudurog ang puso ko.

Ikakasal na siya...

Ikakasal na siya...

Ang sakit na naman!

Bakit ba di ako masanay sanay sa sakit? Kahit ilang ulit ganun pa din kasakit ang nararamdaman ko.

Lahat ng pangarap ko...ngayon ay naglaho na. Ang hirap naman  ata tanggapin nito ngayon.

Mali ba ang desisyon ko?

Pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko para dito? Tapos ito lang malalaman ko ngayon?

Naghalo-halo ang inis, galit at kalungkutan sa puso ko.

I shoud've never come back here.

May pumatak na luha at agad ko yung pinahid.

Fine.

I'l let you be Kay. Kung yun ang gusto mo. Kung magiging masaya ka sa kanya...kung ito ang desisyon mo..i'l let you be.

Kahit sobrang lintik ang sakit!!

Marahan kong hinalikan ang noo niya.

For the last time. My good bye kiss.

"I love you Kay2 ko.", mahinang bulong ko kasabay ang pagtulo ng mabibigat kong luha.

The word last is just so agonizing!

Paalis na sana ako ng umilaw ang phone ni Kyla na nasa katabi niyang mesa. Tiningnan ko iyun at nakita kong 'Don't answer' ang nakalagay dun na name ng caller. Masama ang kutob ko sa kung sino man ang tumatawag kaya sinagot ko iyun. Hinintay kong ang kabilang linya ang magsalita.

"Hello?", sabi ng lalaking boses.

Di ako sumagot.

"So, now you see what will happen to you if you will not pay your debt. It doesn't matter if we don't have your contract with my brother Rednick. It will matter because I told you so. Your going to pay whether you like it or not."

Ito ba ang kapatid ni Rednik na naghahabol kay Kyla? Kung ganun siya pala ang may pakana ng lahat! At ngayon ginugulo pa niya si Kyla?? Demonyo ba siya??

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ni Kyla ng di ko namamalayan.

"Pay me your debt and everything will be fine. Don't hide from us 'coz by now you know that wherever you go we will find you."

Naglakad ako palayo kay Kyla.

"You can't escape us.", sabi pa nito.

"We'll pay. How much?", sabi ko.

Dinala ko ang cellphone ni Kyla ng umalis ako sa hospital. Bumili ako ng bag para lagyan ng perang kukunin ko sa banko. Magkano utang nila? 500,000 dollars.

Sisiw.

Walang problema dahil kalahati lang yun ng perang meron ako ngayon. Kung tutuusin kahit 1 million dollars ang kunin nila ay ibibigay ko sa kanila layuan lang nila si Kyla! Kapag sinabi nilang buhay ko ang kapalit, hindi ako magdadalawang isip na ibigay din yun. Gagawin ko lahat tigilan lang nila ito.

Sa ganitong paraan man lang ako makabawi. Kahit ito lang ang kaya kong gawin mapasaya ko lang siya,..at kahit sa hinaharap, di nako kasama sa magiging rason kung bakit siya masaya.

...........................................

"Masakit na paa ko Lansing.", nagmamaktol na sabi ni Kyla.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon