part 49

95 5 0
                                    

Kyla's Pov

"Oh my God! You're soooo beautiful!", tili ni anty Isabele sakin.

Suot-suot ko na ang wedding gown ko. Simple lng yun na white dress na mahabang-mahaba. Vintage style na siyang uso ngayon at tube type ito. Di ko nga maintindihan kung bakit napaka mahal nito gayong wala namang dyamante o ano. Pinili ko pa kasi simple lang, yun pala sobrang mahal. Saka no choice ako kasi ito yung pinakamura sa lahat ng collections na ipinakita sakin ni Kieth.

Pinilit kong ngumiti. Dumating naman din si Kiesha, kapatid ni Kieth. She's a teenage girl, blond and thin, with dimples na nakapagpaganda sa kanya. Pareho sila ng mga mata ni Kieth, which is dark blue na araw-araw kong minamanghaan.

Kieth is handsome din at mabait. Feeling ko nga ang swerte ko sa kanya pero ang malas niya sakin. But he's the type na di ko minsan maintindihan ang ugali. Mayroong something sa kanya na hindi ko ma pinpoint in particular. But he's good naman most of the time kaya wala akong problema na pag-aralang mahalin siya.

Yinakap ako ni Kiesha ng mahigpit. Mabait siya at nagkasundo kami agad dito sa stay ko sa Africa.

"You look perfect.",sabi niya sakin.

"Thanks."

Bago ako sumakay ay nagpicture-picture muna kaming lahat doon. Yung parents naman nila Kieth ay naauna na akong binati kanina. Nasa simbahan na sila para iwelcome ang mga bisita na halos lahat ay di ko naman kilala.

Ayoko talaga ng binigyan ako ng 50% share ni Kieth sa stocks niya. Ano naman ang gagawin ko dun eh nabayaran naman ni Kieth ang utang ni aunt Isabele kay Rednik. Kaya nga pasalamat ako sa kanya kasi kung di dahil sa kanya, malamang hanggang ngayon nagtatago pa din ako at palaging nasa piligro ang buhay. Hindi na niya dapat yun ginawa pero nagpumilit talaga siya, at bago ko pa nalaman, nagawa na niya kong papirmahin sa mga papeles. Thinking now, di ko na maalala kung pano niya ko na papirma. Haist.

Kasama ko si Kiesha sa kotse papuntang simbahan. Si anty Isabele naman ay sumakay na dun sa kotse kasama ang mga relatives nila Kieth.

Busy si Kiesha sa pag-uupload ng mga pictures namin sa facebook. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at tinatanaw ang buong paligid.

Gustuhin ko mang di isipin ang lalaking yun, di ko pa din mapigilan ang sarili ko. Ano kaya kung biglang magpakita siya mamaya sa simbahan para itigil ang kasal namin?

Halos matawa ako sa sarili kong tanong. Dahil sobrang imposibleng mangyari nun.

Lance is something for a guy. Malaki ang pride niya at palaging mataas ang ego niya. Inaalagaan niya yun at prinoprotektahan. Being a guy is everything to him. Siya yung tipong ayaw na may hinahabol...yung ayaw magpakumbaba at lumuhod. Alam kong lumuhod siya sakin noon at nagmakaawa pero alam kong di naman talaga yun totoo. He can forget me anytime he wants. He just misses me dahil nasanay na siya sakin. A kiss from another girl is all it takes para makalimutan niya ko.

I miss Letty, Mika, and Jenny. Sana nandito sila. Sila lang nakakaintindi sakin. Kaso,  paniguradong di yun sila papayag na ikasal ako ky Kieth. Alam kaya nilang lahat kung gano ko pa din kamahal ang mokong na iyun. Kaya kahit ayaw ko, sasabihin ko na lang sa kanilang kasal na ko pagkatapos nito. Maiintindihan naman siguro nila ako. Although parang may pagsisisi pa din ako sa kalooban ko sa ginawa ko. Tingin ko kasi pag pinaaalala nila kung gano ko pa din kamahal si Lance, di ko magagawang magpakasal ngayon. Baka nagtatakbo na ko pabalik sa Pilipinas.

"Amazing!", biglang sabi ni Kiesha sa tabi ko.

"What is it?", curious kong tanong dahil nakita ko ang nanglalaki niyang mata sa screen ng phone niya.

"There is this viral post on facebook, and it says that there is this one guy who travelled around the world just to chase the girl he loves.", sagot niya.

"Really?", natatawa kong sabi, "Isn't that stupid?"

"That's a great love for me.", maarte niyang wika kaya napangiti ako.

"He travelled the five contenents of the world and encounters a great number of trials and problems along the way.  From being a beggar, car accidents, gun shot, fraud from other people, mistaken identities and places, alot of bad lucks and tragedy, emotional, physical and mental suffering along the way, having no money, eating from trashes, and now he had to conquer  the storm just to finally see her girl,...", binabasa niya ito ng full of excitement, "It was a great love that he had. He will do anything to find that girl by any means. Now is the wedding day of this girl and i wish i could help him in any way. If anyone out there is going to marry today,please, if you have loved a guy who's willing to do this things to you, don't get marry before it's too late. You're going to miss a wonderful person in your life.", natapos din ang pagbabasa niya.

"That's crazy.", natatawa pa din ako.

"I think it's romantic.", ngiti niya, "Aahh... true love!", bigla siyang nag day dream. "I wish  i had someone like that. Gosh it has a million of likes and thousands of share!"

Kahit anong tingin ang gawin ko hindi talaga ito kapani-paniwala.

"Too bad we don't know his face.", sabi ni Kiesha, "The picture here is a bit blurry and he's just waving like an idiot."

Napatawa ako sa comment niya. Sinilip ko din ang picture pero di ko din siya mamukhaan. Although parang familiar yung likod niya, pero dami ko na kasing nakitang familiar na likod niya ,"Idiot indeed for doing those kind of stuffs."

Natahimik siya at parang nagbabasa pa din. Bigla siyang nagsalita ilang segundo pa.

"Oh! There is this comment here and she's the one who post this, she said that this guy had a  scar on his left brow, and his asian, and his tall. Do you know anyone who looks like this?", tanong niya sakin.

"No.", mabilis kong sagot, "The asian thing is a bit tricky 'coz u know, they all like to assume that all guys who are brown are asians, and i'm sure there are tons of tall guys out there!", sabi ko pa.

"Yeah your right. I just thought that maybe it's you.", sabi pa niya.

"Well that's too bad 'coz it's very much imposible."

"Good. I thought this wedding will be canceled.", tawa niya.

Ngumiti din ako.

Pero bigla akong nalungkot. At nagtaka ako kung bakit. Paglabas ko ng sasakyan, napagtanto ko  ang dahilan. Dahil iyun sa gusto kong sana si Lance na lang ang lalaking iyun.  Sana siya na lang yung lalaking yun.

But i swallowed that thought. Kasi...ngayon, ikakasal na ako, at nakaharap na ako ngayon sa simbahan. Wala ng atrasan to.

Goodbye Lance.

Omg! Malapit ng matapos ang story ko! 1st time na meron akong matatapos for almost 8 yrs of writing..hahaha..

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon