'Wala na siya... wala na siya...wala na siya...'
'Kakaalis lang niya papuntang America... Kakaalis lang niya papuntang America... Kakaalis lang niya papuntang America...'
Paulit-ulit itong tumatakbo sa utak ko habang nagdadrive ako pauwi. Di ko napigilan ang mga luha ko at tumakbo akong umiiyak sa party na iyon. Halos kalahating oras na din akong nagdadrive pero hindi pa rin tumigil sa pag-agos ang mga luha ko. Malabo na ang paningin ko sa daan pero di ko yun pinapansin. Pano mo magagawang punasan ang mga luha mo kung yun lang ang nakakapag-pagaan sa bigat at sakit na nararamdaman mo.
Nadagdagan pa ang sakit sa puso ko ng sinabi sakin ni Jake na alam ni Kyla lahat ng kalokohan ko...lahat ng pagkakamali ko...alam niya ang lahat...
Kaya ba niya ko iniwan ng ganito? Dahil sa lahat-lahat ng kasalanan ko sa kanya? Kaya ba tuluyan na siyang umalis?
'Pagod na ko ...'
Yun ang huli niyang sinabi sakin. Ito ba ang bagay na ikinapagod niya sakin? Dahil alam niya??
"F**k!!", sigaw ko sa loob ng kotse.
At dinabog ko ng paulit-ulit ang manubela.
'Bakit di mo sinabi Kyl??? Bakit mo kinimkim sa loob ng apat na taon ang lahat?? Bakit kailangan ikaw ang magdusa?? Bakit?? Bakit??
Kung sinabi mo lang sana nagbago na sana ako. Di man lang ako nakahingi ng patawad sayo. Kyl bakit??'
Humugot ako ng maraming hangin para makahinga. Pero bigla akong nanghina.
Narinig ko ang isang malakas na busina. Sumunod ay ang nakakabulag na ilaw. Wala akong ginawa kundi pagmasdan iyon.
Pumikit ako at nakita ko si Kyla. Nakangiti siya at tinatawag ang pangalan ko.
Napangiti ako...dahil sa huling pagkakataon, nakita ko ang babaeng mahal ko.
Dinilat ko ang mga mata ko at puting kisame kagad ang nakita ko. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko si papa na natutulog sa sofa. Napansin kong nasa hospital ako.
Mayroon akong swero, collar neck support at benda sa ulo ng hinipo ko iyon. Bahagyang sumakit ang ulo ko ng tinangka kong kumilos. Kaya pinili ko na lang na mahiga pa muna.
Nakita ko ang nakapalibot na bulaklak sa paligid ko.
Dapat matuwa akong buhay ako pero kabaliktaran ang naramdaman ko.
"Pa...", tawag ko. Ilang tawag pa ang ginawa ko saka lang nagising si papa. Tinawag niya agad ang doktor at chineck naman ako nito.
Sabi ng doktor ilang araw na lang at pwede na akong umuwi.
Nalaman ko ding dalawang linggo na pala akong walang malay dahil sa car accident na nangyari. Galing sa mga tropa ko ang mga bulaklak at madalas daw din silang dumalaw, nag-aalala sa kundisyon ko.
Syempre pinagalitan din ako ni papa. Marami siyang sinabing mga bagay at sorry lang ang lahat na naisagot ko sa kanya. Masyado ko siyang pinag-alala kaya nalungkot din ako para kay papa. Tiyak na marami siyang trabaho na napabayaan dahil lang sakin.
Doon ko din unang nakita ang sarili ko sa salamin ng minsan akong mag-cr. Nagulat ako dahil akala ko ibang tao ang nakita ko, malaki ang pinayat ko, ang itim ng eyebags sa ilalim ng mga mata ko, at may malaking peklat ako sa noo na dumaan pa sa kaliwang kilay ko.
Madalas akong nandun sa bintana ng kwarto ko kapag wala akong ginagawa. Pinagmamasdan ang mga taong dumadaan, nagdadrive, tumatakbo. Tinitingnan ang paglubog ng araw, ang pagsikat nito, ang buwan at mga bituin, ang pagdilim ng ulap, at ang asul na langit.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3