part 32

89 5 0
                                    

Gusto ko na sanang umalis pero napahinto ako sa sinabi ni Mika.

"Anong pinaghahanap sila? Nino? Kapatid ni Rednick? Ma...kaya nga dapat sabihin mo sakin kung asan sila dahil baka...baka...baka may maitulong ako."

Nalaglag ko ang bitbit kong inumin ng narinig ko ang pangalan ni Rednick.

Shit!

Patay na ang isang yun pero di pa din niya tinatantanan si Kyla???

Napalingon bigla sakin si Mika siguro ng narinig niya ang pagkahulog ng inumin ko.

Bigla siyang namutla at nagulat ng nakita ako. Hindi naman ako nakakilos at nanatili dun.

"Mom maya na lang.", sabi niya sa kabilang linya at pinatay ang tawag.

"Lance...",

"Is Kyla's in danger?", tanong ko. Kahit gano ako kagalit sa kanyang pagsisinungaling ngayon, mas importante pa rin ang kaligtasan ni Kyla.

"Ahm...hindi pa sa ngayon. Pinaghahanap lang siya ng kapatid ni Rednick na mayroong gang kaya nagtatago sila ngayon.", sagot naman ni Mika.

Gang...kapatid ni Rednick...delikado si Kyla. Yun lang ang paulit-ulit na pumasok sa utak ko.

Anong gagawin ko? Kailangan ako ni Kyla!

"Lance ok ka lang ba?", di ko namalayang nakalapit na si Mika sa akin. Biglang nanghina ang katawan ko.

Kailangan ko siyang iligtas! Si Kyla baka mapano siya! Ayokong isang araw mabalitaan ko na namang patay na siya, worse kung totoo ang maging balitang iyun! Ayoko! Ayokong maulit iyun!

"Lance...", inalalayan ako ni Mika.

"Bitawan mo ko.", sabi ko sa mahinang boses at tinulak ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Naglakad ako palayo. Pero napahinto ako ilang hakbang lang at hinarap ulit si Mika.

"Bakit di ka tumawa?", pagtataka ko, "Di ba natatawa ka kapag naghihirap ako?", may halong galit sa boses ko, "Di ba ito ang gusto mong mangyari sakin? Ang magdusa ako? Masaya ka na??", at tuluyan na akong naglakad palayo.

Tatlong araw bago ang competition at nag-away kami ni Mika. Ngayon ang ika limang araw na di ako sumisipot sa praktis namin. May isa o dalawang bagay na lang kaming dapat linisin sa performance namin.

Balik sa dati ang buhay ko kasama si lolo Lito. Pero dahil may kunti pa kong inipun mula sa perang nakuha ko kay Mika, mas magaan ang buhay namin ni lolo.

Kung galit ako kay Mika o hindi, di nako sigurado ngayon. Parang unti-unti na din kasing humuhupa ang galit ko. Di naman niyang responsabilidad na malaman kung asan si Kyla. Di ko siya masisisi dahil yun ang ginawa kong kundisyon para tulungan din sila.

Sabi pa ni Kyla, di dapat ako mag-expect ng kapalit sa tulong na mga ginagawa ko. Isa pa, ako lang naman itong pilit ng pilit sa kanya noon.

Galit lang naman ako kasi nawala ang pag-asa kong makita si Kyla. Dagdag pa na nalaman kong nasa peligro si Kyla. Di ako mapakali at halos di ako makatulog!

At isa pa...pinagkatiwalaan ko din siya. Sinabi ko kaya ang lahat sa kanya. Ganun ko siya pinagkatiwalaan tapos malalaman kong linoko lang pala ako.

"May naghahanap sayo.", bungad ni lolo Lito sakin pagpasok niya sa maliit na tent namin. Kakagising ko lang nun kaya kinusot-kusot ko pa mga mata ko habang lumalabas sa tent. Nakita ko si Mika.

"Morning.", bati niya sakin na nakangiti.

Di ako umimik at tiningnan lang siya. Bigla naman siyang nailang.

"Ahm...hinihintay ka na kasi nila na magpraktis. Tatlong araw na lang at competisyon na natin."

"Look...Mika, di pa ba halata na ayo---"

"Please!", bigla niyang putol sa sinasabi ko., "Ibig kong sabihin...", natigilan siya, "Lance sorry."

Alam kong sincere naman ang pagkakasabi niya nun kaya lang...

"Alam ko na ang address ni Kyla. Tingnan mo.", at may ibinigay siyang papel.

Kinuha ko naman iyun at tiningnan ang address na nakasulat dun. Tiningnan ko siya ulit.

"Niloko mo na ko minsan. Pano ako nakakasigurong di mo na naman ako niloloko ngayon?", di ko alam pero parang biglang bumalik sakin ang mga sinabi ko. Di ba mangloloko din ako?

Bull*hit naman oh!

"Maniwala ka. Ito na talaga address niya ngayon! Natagalan lang bago ko nahanap.", sabi niya.

"Pano ko malalaman kung totoo ito? Nandito ka lang naman di ba dahil gusto mo manalo sa competisyong iyon.", which is totoo. Pero feeling ko nagmumuka akong bakla na nagpapakipot dito. Bwesit! Eh yun nararamdaman ko eh! Nandito lang siya para sa competition at di dahil sa gusto niyang mag-sorry sa ginawa niyang panloloko sakin. Badtrip talaga!

Pinanlisikan niya ko ng mata. Galit siyang nakatingin sa kin at bigla akong sinuntok ng malakas!

Muntikan na kong matumba dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Buti na lang at may poste akong nahawakan at nakabalanse ako.

Aray ha! Sobrang sakit para sa suntok ng isang babae.

Magagalit na sana ako ng pagtingin ko ulit sa kanya nakayuko na siya at humihikbi. Pinunasan niya agad yun ng braso niya.

"Bwesit ka!!!!", sigaw niya at tumakbo paalis.

Ano yun???

Shit!

May pinaiyak na naman ako!

Bwesit!

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon