part 48

89 3 0
                                    


I was standing. Sa harap ko ay ang green meadows, blue sky, tall standing trees in the horizon. It was a breathtaking view.

Alam kong may nakatayo sa gilid ko kaya nilingon ko siya. Si Kyla. Tinitingnan din niya ang tanawin. Ngumiti ako. This is a more breathtaking view. What a beautiful sight.

"You're beautiful.", sabi ko sa kanya.

Liningon niya ko na abot tenga ang ngiti.

Nakita kong may binigkas ang bibig niya pero wala akong narinig. Na parang naka mute siya.

"Ano?", tanong ko.

Nakangiti pa din siya habang inuulit ang sinasabi niya pero tulad kanina wala pa din akong marinig.

Nagsisimula na akong magpanik. Nabibingi na  ba ako?? Bakit di ko siya madinig? Anong nangyayari??

Lumapit pa siya sakin. Akala ko hahalikan niya ko pero tinapat niya ang bibig niya sa tenga ko.

"Wake up. I love you.", bulong niya sa tenga ko.

Sunod kong nalaman ay wala na siya sa harapan ko. Dumilim ang paligid at nabiyak ang lupa sa paanan ko. Sumigaw ako ng nahulog ako pababa, kasabay nun ang malakas na tunog na parang kulog.

Bigla akong nagising sa malakas na kulog na narinig ko.

Bullsh*t na panaginip!

Nandito pa din ako sa kalsada at malakas pa din ang ulan.Tingin ko nawalan ako ng malay. Tiningnan ko agad ang relo ko. Nanglaki ang mata ko at di makapaniwala.

Dalawang oras na ang nakalipas! It's freaking 3:30 na ng umaga.

Nawalan ako ng malay sa kalsada ng dalawang oras sa gitna ng malakas na hangin at ulan, at may kulog at kidlat pa ngayon. Ugh!

Dahan-dahan akong bumangon. Sobrang  bigat ng katawan ko at ang sama ng pakiramdam ko.

Parang may lagnat ako o ano. Di ko mapaliwanag ang nararamdaman ng katawan ko.

Sh*t! Kailangan ko ng magmadali!

Pinilit kong tumayo kasunod ang kidlat sa langit at malakas na kulog. Mas lalo yatang lumakas ang bagyo.

Kinuha ko ang tubig ko at uminom ng marami. Wala na akong pagkain dahil konti lang dinala ko pero ayos na ako sa tubig.

Bigla na lang may kung ano nakakasilaw ang dumaan sa harapan ko. Nanigas ako dahil narealize kong kidlat iyun.

F*ck! Muntikan na akong tamaan!

Tiningnan ko ang pwestong hinigaan ko kanina. Dun talaga tumama ang kidlat. Tostado na sana ako ngayon kung di pa ko nagising sa panaginip.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Di ako makapaniwalang buhay pa ko.

Nagpatuloy pa ang kulog at kidlat at ang malakas na ulan.

Naalala ko ang sinabi ni Kyla sakin sa panaginip. Kahit dun lang yun parang totoo pa din. At di ko mapigilang maging masaya.

But then, the realization hit me! Mahuhuli na ko at kailangan ko ng magmadali!

Nagsimula akong tumakbo. Yung tipong halos kaladkarin ko na ang mga binti ko. Di pa din ako susuko. Kung tatakbuhin ko aabot pa din ako. Kakayanin ko to!

The beggining by One ok Rock

Just give me a reason
To keep my heart beating
Don't worry it's safe right here in my arms
As the world falls apart around us
All we can do is hold on, hold on

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon