part 14

130 4 2
                                    

Nagdoor bell si Ria sa bahay na pinuntahan nga namin. Di ko maiwasang di kabahan. Nasa loob ng bulsa ng pants ko ang dalawa kong kamay at nangangatal iyon kahit di maginaw. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. At ang hirap itago nun lalo pa't nandito si Ria. Ang ngiti ko kanina ay unti-unting nawawala dahil tuwing ngumingiti ako, nararamdaman ko ang panginginig ng labi ko.

Di ko alam kung sino ang magbubukas ng pinto. Natatakot ako kung si Kyla at kapag nakita ako baka magtago naman siya at di na magpakita. Baka magalit, umiyak, o kasuklaman ako. Pano pag di niya ko tanggapin? Pano pag sabihin niya bigla...di niya ko mahal. Pano kung nagkamali ako sa pagpunta dito? Pano kung---

"Relax.", biglang sabi ni Ria sakin, "Don't be nervous."

"I'm not.", agad ko namang tugon pero parang nabilaukan ako ng sarili kong laway kaya napaigham ako.

"You are.", smirk niya sakin.

Fine. Halata na kung halata. Di ko lang talaga mapigilan sarili ko.

Maya-maya lang ay bumukas na ang pinto at isang Amerikano ang nagpakita.

"Yes?"

"Hey. It's me, Ria.", pakilala niya.

"Oh. Did'nt recognize you there, come in.", agad nitong sabi.

Pumasok una si Ria saka ako pinakalila na kaibigan niya. Nag shake hands naman kami ng lalaki na ang pangalan ay Rednik. Siya ang asawa ng anty ni Kyla na si Isabel.

Pagpasok ko ay ginala ko agad ang mata ko sa bawat sulok ng bahay.

Inaasahang biglang susulpot si Kyla pero napunta na lang kami sa sala wala pa din akong senyales na nakita na dun nakatira si Kyla.

Narinig ko silang nagkamustahan. Nasa p at tahimik lang ako nagmamasid sa paligid.

"Ahm, where's Kyla and aunt Isabel?", casual na tanong ni Ria.

Napalingon ako kay Rednik at nakinig sa isasagot nito.

"Actually their not here.", sabi nito.

"Oh. When will they be back? Lance here is one of Kyla's friend and we're wondering if we could see her.", sabi ni Ria.

"Actually they will not be coming back.", malungkot na sagot ni Rednik.

Napabagsak balikat ko. Halata ang dissappointment sa muka ko dahil ng nilingon ako ni Ria, tinapik niya bahagya ang kamay ko na parang sinasabing ok lang yan.

Pero syempre di yun ok. Di ito ok! Akala ko ito na to pero di din pala. Bakit ganito na naman? Bakit ba uso ang paglalayas ng mga tao dito??

"What happened?", tanong ni Ria kay Rednik.

"I don't know...one day I woke up and they are gone. I tried to contact her but...i don't know where they've been.", at napayuko si Rednik at napa-iling.

"I'm so sorry to hear that.", sabi ni Ria.

"Do you atleast know where she works? Or her friends...maybe they know where she is.", tanong ko.

"I've tried her workplace but like me, they don't know too. They said she just disappeared. And i don't know Kyla's friends. She never mention any. Same goes for Isabel."

Naikiyom ko ng mahigpit ang mga kamay ko. Ang sarap suntukin ng lalaking ito ngayon! Wala siyang silbi! Anong klaseng tao siya? O asawa? Walang alam??? Bwisit!!!

Napapikit ako at pinipigilan ang nararamdaman kong galit.

"Are you ok?", tanong ni Ria sakin.

Dinilat ko ulit mata ko. Nakita kong malaswang nakatingin si Rednik sa legs ni Ria. Naka tight leggings kasi si Ria. At nagtaka ako sa nakita ko o baka guni-guni ko lang iyon.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon