part 5

184 5 0
                                    

May narinig akong katok sa pintuan. Pero masyadong mabigat ang katawan ko para kumilos...o magsalita. Kumatok ulit ito at maya-maya lang ay nagbukas na ito ng pintuan kung sino man iyon.

Nakita kong humarap ito sakin, pero paa lang niya ang nakikita ko.

Dun ko lang namalayan na nakaupo pala ako sa sahig habang nakasandal sa kama ko.

"Anak..", sabi ng boses ng papa ko, "Wala ka bang planong kumain? Alam ko ang pinagdadaanan mo pero wag mo namang patayin ang sarili mo. Ilang araw ka nang ganito. Lance,.", umupo na siya ngayon para pantayan ang mga mata ko, "Anak...kailangan mo ng bumangon ok? Magpapahatid ako ng pagkain dito mamaya at kapag di mo pa din iyun kinain i will really send you to a hospital. You leave me no choice. So please, get up and move on."

Ng di pa din ako nagsalita ay umalis na din ito. Ilang minuto pa ay may pumasok na katulong at naglapag ng pagkain sa mesa ko.

"Sir ito na po ang pagkain.", lumabas din ito kagad pagkatapos.

Ilang saglit pa ay tumayo na din ako at tinungo ang pagkain.

Tiningnan ko iyon ng ilang minuto. Pagkatapos pa ng ilang saglit ay nagdesisyon din akong kainin iyon. Gutom na gutom ako na kahit isang butil ng kanin ay wala akong itinira.

Pagkatapos nun ay kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang 500 txt messages at 700 na missed calls mula sa...ewan di ko alam kung sino sila dahil di ko na tiningnan ang mga iyon.

So madami pa din palang nag-aalala sakin. Sa isang linggong nagkulong ako sa kwarto, ganito na kadami ang mga taong nagtry icontact ako.

Pero...anong silbi?..

Malakas kong tinapon ang cellphone ko sa sahig at nawasak ito.

Anong silbi ng mga taong yan kung ang kaisa-isang babaeng gusto ko ay wala na.

Malakas kung sinuntok ang pader, at kinatuwa ko ang sakit na naramdaman ko sa kamao ko.

Atleast alam ko na mayroong isang bagay na kayang pumantay sa sakit na nararamdaman ko.

Hapon na at nagdesisyon akong mag.shower. Pagkatapos, ay lumabas ako ng kwarto at nagpunta sa wine cellar namin para kumuha ng pinaka malakas na alak. Bumalik din ako sa kwarto ko at linakgak ang inuming nakuha ko. Ilang minuto din ang lumipas bago ko naramdaman ang tama ng alak.

Simula ng naging kami...bihira na lang ako uminom. Oo minsan pumupuslit ako sa kanya pero, ano ba naman ang twice o thrice a year?

At aaminin kong mayroon nga akong nakaka one night stand pero at the end of the day sa kanya parin naman ako bumabalik. Isa pa, pinakakaingitan ko talagang di niya iyon malaman dahil alam kong masasaktan siya. Minsan nagkakataon lang talaga na nakakalimutan ko ang ilang importanteng okasyon. Bukod dun ano pa bang mga naging pagkukulang ko??,.Ano pa bang kulang sakin?? Ginawa ko naman ang lahat! Minahal ko naman siya ng sobra-sobra.

..............................................

Nasa labas ako ng club at hinihintay ang pagdating ni Kay. Yinaya ko siya sa isang lugar na di niya masyadong gusto. Napilitan lang talaga siya kung di ko pa kinulit. Gusto ko kasing ipakilala siya sa iba ko pang mga kaibigan. At mayroon akong gagawing mga bagay na tiyak kong makakapabihag sa puso niya.

Exactly three months na akong nangliligaw sa kanya, at kahit anong gawin ko ang hirap talaga niyang mapa-oo. Siya pa lang ang babaeng sineryoso kong ligawan.

Madalas kasi yung ibang babae na nakilala ko,halatang may gusto naman sakin pero pa.arte lang. Si Kay? Ewan, di ko talaga alam kung may gusto talaga siya sakin o wala. Di kasi siya pahalata, o baka di ko lang siya mabasa. Pero tingin ko malapit ko na talaga siyang mapasagot. Nitong mga nagdaang araw, medyo may napapansin na akong pagbabago kasi.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon