part 34

90 5 0
                                    

Nakarating nga ako sa lugar ng walang problema. Maraming tao ang nandun at siksikan lahat ng pwedeng daanan. Naisip kong sa backstage dumiretso dahil baka dun ko makita sila Mika. Pero di ako pinapapasok. Ano ba kasing naisip ko??

Dahil desperado akong makapasok, naghanap ako ng ibang daan. Sa likod ng event ay may mataas na pader. May mga nagbabantay na iilang guard pero  buti n lang at may malaking puno na katabi ang pader at yun ang inakyat ko. May branch na malapit sa pader at dun ako dumaan para makapunta sa kabilang side. Nakalusot ako ng di nila nakikita. Galing ko talaga!

Pero nagulat ako sa tatalunan ko dahil sobrang taas. May nakita akong mga tao sa ibaba. Wala na talaga akong choice kundi ang tumalon.

Naku! Pag namatay ako dito pano ng Kyla ko??

Pumikit ako at tumalon na nga. Pinigilan ko pa ang malakas kong sigaw baka makita ako ng mga guards.

Hindi ko alam pero may tao akong nadaganan ng lumanding ako sa lupa. Ang sakit lang talaga ng katawan ko! Nagulat ako at buhay pa ko. Ng tumayo na ako, nagulat pa ako sa taong unang nakita ko sa harapan ko. Si Mika. Gulat na gulat siya na nakatulala siya sakin.

Nakita ko ang taong nabagsakan ko at hirap pa ngayong tumayo kaya inalalayan ko. Si Kintaro pa la.

"I'm sorry!", sabi ko dito at tiningnan siya na mukhang wala naman problema. May sinabi siya na di ko naintindihan pero halatang galit siya.

"Wow! Where did ya come from??", gulat na sabi ni Kiroske sakin at napatingin sa taas, "And that is so high man!"

"Uhm...can i talk to Mika for a second?", sabi ko na lang.

Nakatulala pa din si Mika hanggang ngayon sakin.

"Sure.", ngiti niya at sinabihan niya ibang kasama niya na umalis muna.

At naiwan nga kaming dalawa lang ni Mika doon.

"Tutugtog ba kayo ng di ako kasama?", sabi ko na lumapit pa sa kanya.

Pagkasabi ko nun parang nahimasmasan siya at napalitan ng lungkot ang mukha niya.

"Nandito ka dahil wala kang pamasahe para makita si Kyla?", tanong niya.

"Oo. Isa yun sa mga rason.", sabi ko, "Pero, nandito talaga ako para kumanta kasama ka. Alam mo ba kung gano ako nadisappoint ng nakita ko kayo sa tv ng di Ako kasama? Hinanap kita sa pinagprapraktisan natin noon tapos paulit-ulit akong bumalik sa bahay niyo pero di kita nakita. Akala ko sumuko na kayo. Akala ko di ka na sasali dito."

"Nag change location kami...kasi..kasi...", napayuko siya at napansin kong namumula siya, "Kakainis ka!", at bigla na lang niya akong pinagdadadabog. Todo sangga naman ako.

"Teka lang! Aray naman!",

Tumigil din siya. Pero nakakunot ang noo niyang nakatingin sakin.

Napangiti lang ako.

"So ok na tayo?", sabi ko, "Sorry sa mga nasabi ko sayo dati. Narealize ko na kahit mahirap ibigay ang tiwala ulit, wala kang choice kundi pagkatiwalaan ng paulit-ulit ang taong mahalaga para sayo. At kahit sa kaunting oras na nakilala kita, isa kang mabuting kaibigan.", hinawakan ko ang ulo niya at ginulo ang buhok niya.

Pinagdadabog niya ulit ako. "Bwesit ka! Matagal kong inayos buhok ko guguluhin mo lang??", pero pulang-pula talaga ang mukha niya.

Napatawa lang ako kahit masakit yung mga kamao niya sakin. Haist! Si Mika yan eh.

"Pag natalo tayo kasalanan mo ha.", sabi niya sakin.

"Pag nanalo tayo ganun pa din usapan ha.", sabi ko na tinutukoy ang pamasahe at address ni Kyla.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon