Nagulat siya sa sinabi ko at parang di makapaniwala. Akala siguro niya na nag.give up nako sa kagustuhang makita si Kyla. Pwes nagkakamali siya.
"Akala ko ba napag-usapan na nating di mo ko kukulitin sa bagay na yan??", sabi niya sakin.
"Kinulit ba kita ngayon? Parang di naman ah. Pero kung ayaw mo ok lang, ayoko naman talagang mag perform eh."
Napabuka ang bibig niya pero bigla naman siyang napaisip. Halatang naiinis na siya sakin kasi matatalim ang tingin niya habang nag-iisip.
Nagpakawala siya ng hininga ilang saglit.
"Sige na nga.", sabi niya na itinaas ang mga kamay sa ere na parang sumusuko, "Ok. Kung yan ang gusto mo."
Napangiti ako at kung wala pang madaming tao nanonood sakin, baka nagtatalon na ko sa tuwa.
Isang kanta lang ang kinanta ko. Yung kanta ng One Ok Rock na alam ko. Di naman yun dapat duet na kanta pero nagawan ng paraan ni Mika. Maganda ang kinalabasan dahil maganda din boses niya tulad ko. Naghaharmonize nga mga boses namin at nasabi kong npaka perfect ng boses niya at boses ko.
Puro tilian at sigawan lang ang narinig ko sa buong kanta namin. Lalo na pag ako ang kumakanta. All in all naging maayos ang performance at na impress daw ang principal ng school.
Bago kami umuwi ay inimbitahan niya akong kumain kami sa labas. Di naman yun kamahalan na kainan. Parang karenderya nga lang kung sa Pilipinas pa.
Sarap na sarap ako sa kain ko dahil matagal-tagal na din akong di nakakain ng pagkain na di galing sa basurahan.
Nakatunganga lang si Mika habang tinitingnan ako sa pagkain ko.
"Bakit?", tanong ko na puno pa ang bibig ko ng pagkain.
"Ang takaw mo.", sabi niya na may pagkairita.
Linunok ko muna lahat ng pagkain ko sa bibig bago nagsalita.
"Ngayon lang ulit ako nakakain ng pagkaing di galing sa basura.", sabi ko pa, "Ilang araw na akong di nabubusog. Magkalaman lang ng kahit konti ang tiyan ko ok nako. Kailangan kong mabuhay para makita si Kyla eh kaya kahit ani na lang na pwedeng maipasok sa tiyan. So, asan si Kyla? Kala mo makakalimutan ko pangako mo?"
"Tungkol diyan, kailangan ko munang ibigay to sayo.", inilagay niya sa tabi ng plato ko ang isang envelop.
Kinuha ko yun at tiningnan ang loob. Tatlong papel na pera. 300 yen ata yun.
Nagulat ako kaya nanglaki ang mga mata ko na parang ngayon lang ako nakakita ng pera.
"Ano to?", tanong ko.
"Bayad sa gig kanina. Syempre may share ka din.", sabi lang nito habang kumakain, "Maliit lang yan. Pero pag nanalo tayo sa band contest na sasalihan natin, triple pa dyan makukuha natin."
"T-teka..anong tayo? Bakit natin? Kasali na naman ba ko ng hindi ko alam?"
"Trust me, kahit ayaw mo sasali ka pa din.", puno ang bibig nito na hirap pa sa pagsasalita.
"At pano ka nakakasigurado? Lintik ng---bakit ba gumagawa ka ng desisyon ng di ko alam??", halos galit na ko at di ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko. Agad niya kong binatukan.
"Tange ka ba. Ginagawa ko nga to para sayo eh! Tulad ng sabi ko kanina alam kong papayag at papayag ka din. Dahil...", tiningnan niya ko mata sa mata. "Nasa Paris si Kyla at kailangan mo ng pera para sa pamasahe mo."
Paris??
Natulala ako sandali sa bagong impormasyong nakuha ko.
"San sa Paris?", tanong ko pa.
"Sasabihin ko sayo kapag nanalo na tayo sa contest. Kaya simula bukas, magpapraktis na tayo kasi Japanese songs ang kakantahin natin."
Kung ganun, pag di kami nanalo di ko makikita si Kyla??
"Parang ang hirap naman ata manalo.", angal ko. "Ang dami kayang magagaling dito."
"Kahit 3rd lang tayo may pamasahe ka na. Kaya kung iisipin madali lang yun. Isa pa di mo ba naramdaman ang perpektong harmony ng boses natin kanina? The best kaya yun!"
Hmmm...sabagay. Kaso hindi ako marunong ng mga japanese songs, ang memoryahin sila ay napakahirap siguro. Di bale, gagalingan ko na lang para kay Kyla ko!
Hinatid ko siya pauwi. Bitbit ko din ang pasalubong na pagkain para kay lolo Lito. Siguradong matutuwa yun sa mga dala ko.
Tahimik naming tinahak ang daan. Gabi na kaya kukunti na lang ang mga tao. May iilang aso lang na tumatahol maya't-maya.
"Alam mo...",sabi ni Mika na bumasag sa katahimikan, "Akala ko susuko ka na kay Kyla kapag ginawa ko ang mga bagay na yun sayo. Pero, mali ako, kaya sorry ha."
Napangiti ako, "Ok lang. Importante tinulungan mo na ko ngayon. Akala ko nga wala kang awa eh, mali pala ako."
Napangiti din siya.
"Madalas kang ikwento sakin ni Kyla. Kahit dalawang linggo lang nilagi niya dito sa Japan naging close ko agad siya.
Dito lang kasi kami nagkita. Ninang niya mommy ko. Humingi sila ng tulong kung pwde ba si Kyla mag stay dito sa Japan. Since palaging out of town mommy ko, dito siya nagstay sakin."
Kaya pala. Ang mommy pala ni Mika ang tinutukoy nila na ninang ni Kyla dito sa Japan.
Wow naman, kahit san talaga pumunta si Kyla nakukwento niya ko. Sana lang di siya nasasaktan kapag ginagawa niya yun. Sana kahit papano may kaunting kasiyahan pa rin kapag naaalala niya ko...o pagmamahal.
"Wag mong sabihin sa kanyang hinahanap ko siya ha. If ever man na kontakin ka niya ulit.", sabi ko sa kanya.
"At bakit naman??", pagtataka ni Mika.
"Eh kasi baka layuan niya ko at tuluyan na siyang di magpakita sakin. Kailangang ako ang unang makakita sa kanya."
"Ok. Yun lang naman pala eh. Pero tingin ko di ka naman tatakbuhan nun. Pakiramdam ko nga mahal ka pa din niya eh. Kahit anong sabihin ko parang di naman niya iniintindi eh. Palagi pa din niyang kinukwento lahat ng masasayang alaala ninyo. Alam mo nakakasawa nga minsan kasi ang ending naman ng story eh naghiwalay kayo, nangbabae ka at iniwan ka niya."
Hindi ko alam anong mararamdaman ko sa sinabi ni Mika, kung matutuwang sinabi niyang mahal pa din ako ni Kyla o mababadtrip sa sinabi niyang ending ng love story namin.
Di na lang ako nagsalita at napangiti ng bahagya dahil totoo naman lahat din ng mga sinabi niya.
"Nanaginip ako kanina ng masama.", sabi ko ng naalala ko yun ngayong pinagkukwentuhan namin si Kyla. "May kasama siyang ibang lalaki, magkahawak mga kamay nila. Nasa tabi ko lang si Kyla at paulit-ulit akong sumisigaw pero di niya ko marinig. Nakatingin lang siya sa kasamang lalaki na parang di niya ko nakikita.Hanggang sa sinabi niya ang 'I do' sa lalaki. Pakiramdam ko kinakasal sila nun."
"Ahh..", tatango-tango niyang sabi, "Selos ka...masakit noh? Buti nga sayo! Yan bagay sayo! Masakit ang karma noh? Hahaha!", malakas niyang tawa.
Di naman ako makapaniwala sa reaksyon niya. Parang pinagtatawanan niya pagdurusa ng ibang tao. May sira ata ulo nito eh! Kung di lang siya mahalaga sa paghahanap ko ky Kyla baka inupakan ko na to. Nakakapikon ah. Di siya matigiltigil sa kakatawa at malakas pa tawa nito!
"Ito talaga gusto ko eh! Yung maramdaman mo naramdaman ni Kyla.", sabi pa niya na pinapahid ang ilang luha dahil sa sobrang kakatawa. "Hay naku! Galing talaga ni Lord."
"Badtrip ka talaga.", nasabi ko na lang.
Huminto siya sa paglalakad at dun ko lang napansin na nasa tapat na kami ng bahay niya.
Napatawa siya ulit pero mas mahina na ngayon.
"Pero mabuti yang ginagawa mo ngayon, sigurado akong nagbago ka naman. Halata sa itsura mo.", nakangiti niya wika, "Pero sa ngayon wag muna natin yan isipin dahil bukas kailangan natin ang buong lakas natin para manalo ok?", at tinapik niya balikat ko.
Ngumiti naman ako.
"Ok!", sabi ko, "Pasok ka na. Goodnight."
Pumasok na siya at nagsimula na akong maglakad din palayo.
"Karma huh. Ikaw na talaga Lord", nasabi ko.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3