5 days.
Yun na lang ang meron ako para pigilan si Kyla sa pagpapakasal sa tarantadong Kieth na yun.
Bilis ng kasal nila noh?
Pero 1 month na pala silang engaged. Nalaman ko lang ky Jenny na sa California pa lang, bago sila umalis papuntang Japan, naka set na ang date ng kasal nila.
Yep! Di ata alam ito ni Letty. I don't know bakit. Siguro nilihim niya dahil ikinakahiya niya yung lalaki! Malamang yun talaga reason! Pano ba naman, pangit na nga poor pa!
Tsk!
Oo, alam kong pangit siya kahit di ko pa siya nakikita. At mas lalong sigurado akong poor sila kahit di ko alam. Basta ganun yun dahil yun ang gusto ko! Walang pakealamanan!
Mahaba na siguro para sakin ang 5 days pero kinakabahan ako dahil sa kamalasang nangyayari palagi sakin. Pinagdadasal ko lang na maayos itong lahat!
Nakarating ako sa Cape Town ng maayos. Ok naman ang lugar. Kala ko puro black na tao makikita ko pero marami din palang mga puti.
Agad kong pinuntahan ang address na binigay ni Jenny sakin. Isang mansyon ang nadatnan ko. Kalahati ata ng bahay namin yung lugar at sobrang lawak ng lote! Ano namang ginagawa ni Kyla dito??
May maid na dumating ng pinidot ko ang doorbell. Isang matandang babae ang humarap sakin.
"I'm looking for Kyla? Is she here?", tanong ko.
"No she's not. She took a vacation in her place.", sagot niya agad.
"Vacation?", pagtataka ko.
"Yes. She's our chef here.", tapos tiningnan niya ko ng mabuti, " And can i ask who are you?", tanong niya.
"I'm her friend.", ngiti ko lang, "Can i ask her addres? I've travelled far just to see her."
"Sure. Sure.", sabi pa nito at binigyan niya ako ng address.
Tinuro pa niya kung pano ko matatagpuan ang lugar na sinasabi niya. NAgpasalamat naman ako pagkatapos.
Haist! Malas!
Syempre magbabakasyon yun dahil ikakasal na. Tsk! Kainis!
Teka..chef? Expert na pala siya sa pagluluto? Hmm...ang alam ko marunong lang siya magluto. Baka nagpaturo kay Jenny. Ang pangit talaga mag-abroad! Kahit engineer natapos mo at magna pa ng lagay na yan, pag nandito na sa labas, iba na ang nagiging trabaho!
Ano bang naisip din kasi ni Kyla at pumayag siyang maging isang cook lang eh ang talitalino niya! Sayang lang lahat ng pinagpaguran namin!
Tinungo ko ang lugar na binigay sakin ng matandang maid. Mukang probinsya daw ito dito at malayo-layo pa daw ang byahe. Bus for 6 hrs, then another bus for 6 hrs. 12 hrs na lahat, saka tatawid pa ko ng bangka dahil sa kabilang ilog pa daw yun.
Sang gubat kaya ito? Sana di lang ako malunok ng anaconda!
Lumipas ang 12 hrs sa bus, nakasakay na ako sa bangka, at dumating nako sa isang maliit na baranggay. Mas marami pa ata ang kapitbahay nilang puno kesa sa bahay dito. Pero di naman lahat ay gawa sa kahoy, meron din namang iilang bahay na gawa sa semento.
Sumisilip pa lang ang araw sa kalangitan ng dumating ako dun kaya sarado pa ang ibang bahay.
Pero kanina pa talaga ako nagtataka. Bakit napadpad dito si Kyla? Eh mas probinsya pa to sa probinsya ng Maynila eh!
Di bale na nga! Importante mahanap ko si Kyla!
Nagtanong ako sa pinakaunang tao nakita ko. Isang matandang lalaki na dumaan sa harap ko. Buti na lang at tinuro niya sakin ang bahay at agad ko yung natunton.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3