part 24

97 1 0
                                    

Nasa train station ako kung san ko nakita si Kyla. Dala-dala ang mga gamit ko, tumayo ako sa isang sulok katabi ng isang vending machine.

Mabilis ang tingin ko sa mga taong dumadaan. Medyo nakakadoling nga at nakakahilo pero kailangan kong tiisin.

Inaasahan kong babalik dito si Kyla. Baka dito ko siya makita ulit at pag nangyari yun, di ko na talaga palalagpasin ang pagkakataon.

Sana lang bumalik siya dito at sana lang makita ko siya.

Nagdaan ang umaga, tanghali, at gabi. Walang Kyla na dumating.

Nagsimulang lumakas ang snow sa labas at masyado ng malamig. Sobrang nanginginig ako at kinailangan kong magsuot pa ng limang doble ng shirt sa loob ng jacket ko.

Nanghihina nako dahil puro drinks lang ang ininom ko mula sa katabi kong vending machine. Di ko alam ilan ang naubos ko at medyo nauubos na pera ko kakabili.

Di ko kayang iwan ang pwesto ko ng matagal dahil baka dumating si Kyla at di ko makita. Kahit nga ang pagbanyo ay binibilisan ko.

Gutom na gutom nako. Inaantok na din. Masakit na ang ulo ko kakatingin sa maraming tao. Di ko na maramdaman ang mga daliri sa kamay at paa ko sa sobrang lamig.

Ang hirap!

Gusto ko ng sumuko.

Napabalikwas ako sa ingay ng pagdating na tren. Nakaidlip pala ako saglit. Wala ng masyadong tao sa paligid dahil halos maghahating gabi na.

Bakit ko ba naisip na sumuko??

Di ako susuko! Makikita ko din si Kyla sigurado ako!

Phew! Tiwala lang kay Destiny.

Maya-maya lang ay pinaalis na ako ng security doon dahil magsasarado na daw ito. Wala akong magawa kundi ang umalis.

Naghanap ako ng matutuluyan sa mga motel na nadaanan ko, naisip ko kasing mas mahalaga ang may matulugan muna ako ngayong gabi dahil sobrang lamig at pwedeng itulog ko na lang ang gutom ko, tutal marami naman akong nainom na drinks.

Pero masyadong mahal ang mga napuntahan ko na pwedeng tuluyan. Kukunti na lang talaga pera ko!

Bwesit!

San ako matutulog ngayon??

Urgh! Gutom na din ako at ang lamig pa! Pagod na din ako kakalakad at kakatayo kanina!

Haist!

Tawagan ko kaya si papa at manghinge ng pera?

At anong isasagot mo kapag tinanong ka niya tungkol kay Kyla?

Sabihin ko kayang gagamitin ko ang pera sa pangliligaw ky Kyla.

Magsisinungaling ka na nakita mo si Kyla?

Kesa naman magutom ako dito at mamatay sa lamig!

Sabagay.., sige, tawagan mo na dali at ng di tayo mamatay dito.

Did i just talk to myself?

Oo baliw ka na kaya tumawag ka na bago ka tuluyang masiraan ng bait!

Kinuha ko agad cp ko at tinawagan si papa. Buti na lang at marami akong reserba na load dito.

Di pa nagriring ang phone ni papa ng may biglang humablot sa cp ko at mabilis na tumakbo palayo.

Too late na bago naproseso sa utak ko na ninakawan na pala ako.

Malayo na ang lalaki.

Loading ang utak ko dahil nga gutom ako.

Naiwan akong nakatunganga dun habang unti-unti ng naglaho ang pag-asa kong makakain.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon