part 50

115 8 0
                                    

Naghilamos ako sa isang fountain na nakita ko sa gitna ng park.

Sobrang weird ng tingin ng mga tao sakin. Di ko na maimagine kung ano ng itsura ko ngayon. Pero di na yun importante, mahalaga mahanap ko ang simbahan sa lugar nato.

Sinusubukan kong lumapit sa mga tao pero iniiwasan nila ako at tinatakbuhan.

Ganun na ba talaga ako nakakatakot??

"E-excuse me.", sabi ko sa isang bata na naglalaro kasama ang aso niya.

"Yes mister?", tumingala siya sakin.

Buti pa ang mga bata!

"Do you know...where the church is in this village?",

Tinuro niya sakin ang direksyon. Buti na lang at isang block na lang ang layo nito kaya iika-ika pa din akong naglakad papunta dun.

Parang biglang nabigyan ako ng lakas pagtungtong ko sa village na ito. Alam mo yung halo-halong excitement na sa wakas nakarating ka na, at makikita mo na siya? Yung parang nagkaroon ako ng adrenaline rush tulad ng mga taong lumpo na biglang nakakatakbo kapag nasa piligro. Ganun yung pakiramdam ko kasi di ko namalayang nakarating na din ako sa wakas sa simbahan.

Nakita ko ang maraming tao sa paligid. Lahat nakaputi. Marami ding sasakyan sa paligid na nakaparada.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako. Bigla akong pinagpawisan at nakaramdam ako ng takot.

Tiningnan ko ng maige kung dumating na ba si Kyla, pero di ko siya makita.

Maya-maya pa ay may sasakyang dumating at dun ko nga nakita si Kyla na lumabas.

Napalunok ako sa nakita ko. Ang ganda niya! Sobrang ganda niya!

Bigla ding kumirot ang puso ko.

Parang pinagpupunit ito sa loob ng dibdib ko. Dapat kasi ako ngayon ang nasa pwesto ni Kieth! Dapat ako yung naghihintay sa kanya sa altar. Ako yung magsusuot ng singsing at hahalik sa kanya kapag diniklara na kaming mag-asawa ng pari! Ako dapat eh!

Nakita ko si Kyla na pinagkumpulan ng mga tao sa paligid. Ngiti siya ng ngiti sa mga tao. Di ko makita kung totoo nga ba ang mga ngiti niya sa mga tao sa layo ko.

Agad akong lumapit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog ito. Dahan-dahan lang akong naglakad sa gilid ng kalsada. Nagtatago sa mga puno na parang isang kriminal na may gustong gawing masama.

Ng nakarating na ko sa gilid ng simbahan, dun ko mas lalong nakita si Kyla sa malapit.

No, hindi siya masaya. Alam na alam ko ang ngiti niyang iyan. Pilit na pilit. Kapag totoong masaya siya, abot tenga yang ngiti niya.

But one things for sure. She is so much beautiful than the last time i saw her. I can't take my eyes off her.

Namuo ang luha sa mga mata ko at bago pa yun tumulo ay pinunasan ko na.

'Ngayon pagsisihan mo kung bakit mo yan pinakawalan.', sabi ko sa sarili ko.

Lumapit pa ko ng konti. Kailangan ko ng tsempo para makausap siya.

Medyo naririnig ko ang usapan ng iba.

"Where's Kieth?? That jerk he's late on his wedding??", sabi ng isang hysterical na babae sa tabi ni Kyla.

"Do you believe it that he got up late? Ugh! Guys.", sabi pa ng isa.

"It's ok. It's not 9 yet.", nakangiting wika ni Kyla.

"Don't take his side Kyla. That man deserves a beating!",

"Yeah..make sure Kyla you do it in bed!", sabi pa ng isa ulit at nagtawanan na lang sila.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon