5 am pa lang ay nagising na ako. Di ako mapalagay kaya dumiretso ulit ako sa address ni Shyra. 5:30 ako nakarating at agad akong kumatok sa pinto. It's now or never!
Kailangan kong malaman kung asan si Shyra dahil siya lang ang tanging paraan para mahanap ko si Kyla!
Kumatok ako ng malakas at ramdam ko ang pintig ng puso ko. Sa ikatlong katok ko nakarinig ako ng ingay at tingin ko maya-maya lang ay may magbubukas na ng pinto.
"What the f**k!", sabi ng lalaki pagkakita sakin. Pinipilit niyang imulat ang mga mata niya at magulo pa ang buhok. Isasara sana niya ulit pinto ng pinigilan ko siya.
"Please sir.", sabi ko na tinutulak ang pinto.
Pero mas malakas siya kaya nasara niya ang pinto.
"I'll give you hundred dollars!", sigaw ko sa saradong pinto.
Bumukas naman ulit iyon. Pero masama pa din ang mukha niya.
"Are you kidding me?", galit nitong wika.
"Two hundred.", sabi ko.
Medyo nag-iba na ang mukha nito at nakikita kong malapit ng magbago ang isip niya. Tiningnan pa niya ko ng maigi.
"Three hundred. Please sir, that's all i've got right now. I really need to know where she is. She knows where to find the person i' m looking for."
Ilang sandali ang inabot bago siya sumagot.
"Ok. Come in."
Hay naku!!! Buhay nga naman!
Lumabas ako sa bahay na yun na may dala-dalang mahabang listahan ng papel. Anong laman?
More address!
So oo,ako na ata ang pinakamalas na tao ngayon sa buong mundo. Yung 300 dollars ko ay ito lang ang nakuha. Dagdag sakit sa ulo. Almost 12,000 na yun sa pesos na money!
Di daw kasi niya alam kung san nagpunta yung asawa niya, kaya binigyan niya ko ng listahan ng mga kakilala ng asawa niya. Luckily din wala siya mga phone numbers dito dahil ang asawa niya ang may listahan nun at di niya alam kung asan iyon.
Just so my luck!,.
Pero mabuti na din to kesa naman wala talaga. Merong 15 na address sa papel at swerte ako kung sa unang address pa lang may makuha na akong impormasyon, but since considering my luck today, i doubt it.
Palakad na ko paalis ng nakita ko ang matandang babae na nakausap ko kahapon sa hardin niya.
Nagdidilig siya ng halaman at nakita kong palapit sa kanya ang isa pang matandang lalaki.
Nakita ko na may nakatagong rosas sa likod ng matandang lalaki. Kinalabit niya yung babae at pagharap nito,binigay niya yung rosas. Ngumiti yung babae na parang hindi surpresa sa kanya ang bagay na yun. Malamang madalas na iyung gawin ng matandang lalaki sa kanya. Nakita ko pang hinalikan niya sa noo ang babae.
Napangiti ako sa nakita ko.
Nagalakad na ko palayo at sasakay na sana ng taxi kaso wala pa akong makita. Habang naglalakad, naalala ko si Kyla.
..........,......................
"So ayun, nawalan ako ng mood kaya medyo nasigawan ko yung maid namin. Nag-sorry naman ako ng nawala na ang init ng ulo ko..kaw kasi wag mo na akong aawayin---", naputol pagsasalita ko ng paglingon ko sa tabi ko wala na dun si Kyla.
Nakita ko siyang nakatayo ilang hakbang sa likod ko at nakatingin sa di ko alam kung saan. Napahinto siya sa paglalakad habang nagkukwento ako. Nainis ako bahagya, para akong baliw na naglalakad kanina tapos salita ng salita wala naman pa la akong kausap. Binalikan ko siya.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3