part 18

104 4 0
                                    

It's been 10 days since nabalitaan kong wala na si Kyla. Hindi ko pa din yun matanggap pero parang unti-unti na akong naniniwala dito.

Huli na naman ako. Wala na siya...

Ilang araw na walang humpay na pag-iyak. Ilang araw na pagdadalamhati. Ilang araw na pagsisisi. Ilang araw na galit at pagkamunghi sa sarili ko.

Ang hirap pa din hanggang ngayon. Dapat umuwi na ko sa Pilipinas. Dapat pinuntahan ko ang puntod niya. Pero di ko kaya. Di ko kayang makita ako ni papa na ganito. Di ko kayang harapin si Jake ng di kasama si Kyla. Di ko kaya na tingnan ang pangalan ni Kyla sa malamig na puntod niya. Ayokong iyon ang maalaala ko hanggang sa pag-uwi ko sa Pilipinas.

Ngayon ko lang naisip kung gano ako katanga...bobo...manhid...lahat-lahat na!

If i could only turn back time, sana mas ginalingan ko...sana mas minahal ko siya...sana di ko siya sinaktan.

I was stupid and naive to think na walang magbabago kahit anong gawin kong kapilyuhan. Akala ko everything would be ok kahit na lokohin ko siya.

Everyday sana akong nag i love you sa kanya. Mas mahigpit at mahaba sana palagi ang mga yakap ko. Pinasaya ko dapat siya palagi na iiyak na lang siya sa tuwa. Hinalikan ko sana siya ng mas matagal, mas passionate at puno ng pagmamahal. Mas ipinadama ko sana sa kanya kung gano ko siya kamahal sa pamamagitan ng pagiging matapat sa kanya.

Tama...useless naman talaga lahat ng bagay na ginawa ko kung di naman ako naging matapat. Asan na ngayon ang mga chocolates at rosas ko? Asan na ngayon ang mga teddy bears, dinner dates, mga regalo ko sa kanya??

Wala!

Linigtas ba nila si Kyla?

Hindi!

Dahil sa huli ano ang bagay na dinala ni Kyla?

Na nagsinungaling ako! Na marami akong naging babae! Na naging selfish ako at di ko inisip ang kaligayahan niya! Na di ako naging matapat sa kanya!

Now i know hindi importante ang mga materyal na bagay. Yang mga yan? Bonus na lang yan! Mga extra lang at palamuti sa mas mabigat na bagay.

Nakakapagpasaya talaga sa isang relasyon ay...faith, hope, trust and love. At nakakapagpatibay nito ay loyalty and honesty.

Masyado na akong naging pabigat kay Ria. Siya ang nagaasikaso sakin kung kumain na ba ko o hindi. Pinagluluto pa niya ko.

Madalas niya kong kausapin at aaminin kong medyo nakakatulong iyon. Kung wala siya, malamang nabaliw na ko dito. Pasalamat ako sa kanya, at ilang beses ko iyong sinabi sa kanya, pero...nahihiya din ako. Sobra...

Kalalaki kong tao, ito ang naging sitwasyon namin ni Ria. Sa totoo lang ,wala naman siyang responsibilidad sakin. Ilang beses ko na siyang sinabihang pabayaan na lang ako pero...naging makulit din siya. Nakakahiyang ang hina-hina ko sa harap niya. Siya na di ko man lang ka ano-ano.

Di ko din naman mapigilan ang sarili ko...ang nararamdaman ko.

Ang hirap...sobrang hirap.

Sinundan ko si Kyla dito pero ito ang naging kinalabasan. Ginahasa siya at ngayon...wala na siya. Ilang beses ko ng inisip na sumunod sa kanya. Kung pano ko iyon gagawin. Pero tuwing iniisip ko yun, naduduwag ako. Ang dami ng kasalanan ko sa papa ko at di ko pa siya nagagawan ng mabuting bagay. Ako na lang ang meron si papa at pag iniwan ko din siya, ano na lang ang mangyayari sa kanya?

Suicidal nga siguro ako.

Hindi ko na siya makikita. Yun lang naman ang pinakamasakit tanggapin. Pumunta ako dito at malaki ang expectation ko na makikita ko siya uli pero ito pa ang nangyari??

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon