Well, dahil malas nga ako, ito na ang ikatlong araw namin ni Lolo Lito sa train station, pero wala pa din kaming nakita na kaibigan ni Kyla.
Problema din namin kasi di ko alam mukha ng hinahanap namin, si lolo lang ang may alam at malabo pa mga mata ni lolo kaya hirap siyang makakita sa malayo.
Tama kayo, tatlong araw na akong pulubi. Mabaho, walang masyadong makain, natutulog sa malamig na semento at walang kapera-pera. Nakita ko minsan ang sarili ko sa salamin at di ko talaga nakilala sarili ko. Akala ko nga ibang tao eh, kung di pa sumunod ang repleksyon ko sa salamin. Ang itim ko na, tinubuan na din ng di gaanong mahabang balbas, walang suklay ang buhok at amoy grasa na, madumi ang damit at madungis ang mukha.
Pulubi! Isa na akong dakilang pulubi!
Nahihiya na ko kay lolo dahil imbes na maghanap siya ng pangkain niya sa araw-araw ay eto siya at nakatayo kasama ko, naghahanap sa kaibigan ni Kyla. Nakakakain naman kami kahit papano sa iilang limos na nakukuha namin sa pag-aabang dun pero mas kokonti yun kumpara sa mag full time ka ng paghahanap ng pagkain.
Naranasan ko na din nitong mga nagdaang araw ang pandirihan at kaawaan. Ang hirap, ang sakit, nakakababa. Pero wala kang magagawa eh. Ganun talaga ang mga tao.
Ngayon alam ko na anong pakiramdam ng pulubi. Haist!
Ngayong naghihirap ako bilang isang pulubi, ilang beses ng pumasok sa isip ko na sumuko na lang. Umuwi na lang ng Pilipinas at piliting kalimutan siya. Pero bawat araw iniisip ko na baka bukas makita ko na siya, o baka may mangyaring himala bigla. Bawat pagsikat ng araw di ko maiwasang umasa...umasa...at umasa ng paulit-ulit.
Palagi ko na lang binabalikan sa isip ko noong nakita ko siya dito sa train station. Yung muntikan ko na siyang mahanap, ang ngiti niya, ang mukha niya na walang nagbago,.. dun lang ako nakakaraos sa hirap ngayon.
Di ko na minsan maintindihan ang sarili ko. Dahil baka baliw na ko at di ko man lang alam. Haist!
"Wag kang mawalan ng pag-asa.", narinig kong sabi ni lolo Lito.
"Ngayon ka pa ba susuko eh ang dami na ng pinagdaanan mo?"
Ngumiti lang ako.
Hanggang kailan ko to gagawin? Hanggang kailan ko idadamay ang ibang tao sa gulong sinimulan ko? Una si Ria at ngayon si lolo naman. Palagi na lang akong pabigat.
"Alam mo, pag nakikita ko kung gano ka kapursigidong makita ang mahal mo, natutuwa ako!", sabi ni lolo sakin, "Samantala ako, di ko kaya. Nawalan na kagad ako ng pag-asa ng nalaman kong may iba na ang asawa ko. Ngayong iniisip ko, kung sana may ginawa lang ako para magsumikap na magtrabaho pa, kahit ano! Eh di sana di ako naging ganito. Pakiramdam ko kasi, ng pinagtaksilan niya ko, gumuho ang mundo ko."
Agad kong naisip si Kyla. Ganito din kaya ang naramdaman niya ng apat na taon namin? Ang pakiramdam ng pagguho ng mundo mo. Ang pakiramdam ko ng nawala siya.
"Masyadong masakit para sa isang tao na malamang pinagtataksilan sila ng mahal nila. Buti kung yun din ginawa ko. Hindi eh, bawat segundo, bawat hininga ko inialay ko sa pamilya ko. Naging matapat ako sa asawa ko pero...", napahinto si lolo, "Ang mga matatapat na tao, sila ang mas nasasaktan, sila ang mas nagdudusa. Di yun alam ng mga manloloko. At hinding-hindi nila yun malalaman hanggang sa kamatayan nila. Unless kung magiging matapat din sila."
Tama, di ko naman naramdaman ang sakit noong nangbababae ako. Ngayon lang dahil siya lang ang minahal ko at sa kanya lang umikot ang mundo ko. Ngayon lang dahil naging matapat na ako sa kanya.
"Lolo, salamat po.", sabi ko sa kanya.
Ngayon binigyan ako ng inspirasyon ni lolo. Dapat mahanap ko na si Kyla para magsorry at itama lahat ng maling nagawa ko! Naisip ko ulit ang rason kung bakit nandito ako.
Biglang nanumbalik ang drive ko na makita si Kyla. Haist! Thank you Lord at paulit-ulit mong pinapaalala sakin ang dapat kong gawin.
"Ohio lolo Lito!", sabi ng babaeng naghulog ng barya sa vending machine na katabi namin.
Maikli buhok niya unang tingin ko pa lang halatang Pilipino na siya. Medyo bilog kasi mga mata niya. Pero maputi siya. May gitara sa likod niya ata na naka case.
Napatingin siya sakin pero di naman niya ko binigyan ng pansin. Tapos may ibinigay siya kay lolo Lito na drinks pati na din sakin.
Nagpasalamat naman si lolo Lito sa babae at umalis na din iyon pagkatapos.
"Sino po yun lo?", pagtataka ko. Mukang magkakilala kasi sila.
"Hmmm...tingin ko...tingin ko siya yung kaibigan ng hinahanap mo."
"Huh?", nagulat ako. Bakit ngayon lang niya sinabi??? "Sigurado po ba kayo?"
Nag-isip pa siya.
"Lo!!", pasigaw kong wika dahil palayo na ng palayo ang babae.
"Tanungin mo na lang kaya. Malabo na talaga kasi mata ko eh.", sagot niya.
Pagkasabi niya nun ay hinabol ko na ang babae.
"Hoy! Sandali lang!", sigaw ko.
Lumingon naman ang babae at nanglaki ang mga mata ng nakita niya ko. Kumaripas siya ng takbo.
Bakit siya tumakbo??? Bwesit!!
Binilisan ko pa ang takbo ko. Di ko na pinapansin ang mga nababangga ko dahil di ko pwedeng pakawalan ang babaeng iyun.
Nakalabas na kami ng train station at sa kalsada na kami naghabulan.
Mabilis siyang tumakbo para sa isang babae dahil kahit anong bilis ko, di ko siya maabutan.
"Sandali!", sigaw ko pa.
Pero wala talaga siyang planong huminto.
Nakakainis na!
Nakita ko siyang lumiko sa kanang iskinita. At ng sinundan ko siya dun, bigla na lang siyang nawala.
"F**k!", nabulalas ko.
Tinakbo ko pa ang ilang bahagi ng iskinita pero di ko na siya nakita.
Argh! Bwesit talaga! Andun na eh! Kakainis! Haist! Mababaliw na talaga ako!
Bigla na lang nakarinig ako ng ingay. Hinanap ko kung san yun galing at nakita ko ang babaeng hinahabol ko kanina. Umaakyat siya sa kahon-kahon ng basura para makaakyat sa pader na di gaanong kataasan naman. Sinilip ko muna siya kasi baka bigla na naman siyang kumaripas ng takbo.
Tingin ko akala niya wala nako at dito siya dadaan para makaiwas sakin.
Nagdalawang isip tuloy ako kung lalapitan ko siya o hindi.
Biglang nakaisip ako ng magandang ideya! At napangiti ako sa naisip ko.
Inikot ko ang building at inabangan ang pagbaba niya mula sa pader. Sa tatlong araw ko na pagtira sa kalsada, medyo alam ko na din kasi ang mga daan sa lugar na yun.
Nakita ko siyang tumalon at napaupo pa ito sa sahig dahil sa pagtalon niya.
Masakit yun pero mas inuna niyang tingnan ang gitara niya kesa sa pwet niya. Nagsimula na siyang maglakad at agad ko siyang sinundan. Di naman yun mahirap dahil maraming tao at palagi akong dumidistansya. Nagkaproblema na ng napunta na kami sa mga kabahayan at wala ng masyadong tao kaya patago-tago ako sa mga poste, sasakyan, at basurahan.
Para akong tanga lang!
Sa wakas ay huminto na siya sa isang maliit na bahay. At ng sinabi kong maliit, maliit talaga ito. Pero atleast my gate ito. Nakita ko siyang pumasok.
So dito pala bahay niya. Ok. Lagot ka ngayon sakin.
Matagal-tagal din bago ko naisipang magdoor bell sa gate. Medyo inayos ko pa buhok ko. Pero ng lumabas siya at nakita ako, agad siyang bumalik sa loob ng bahay niya. Kahit anong door bell ko ulit ay di na ito lumabas.
Sa sobrang inis ko ay tinadyakan ko ang gate at umalis. Lagot talaga ang babaeng yun sakin bukas!
wetwew!,hehehe,
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3