Ang galing! Hindi na nagsosnow ngayon dito sa Japan. Spring na daw sabi ni lolo Lito, ang panahon ng pagkatunaw ng snow, maligamgam na init ng araw, at pagtubo ng mga bagong tanim sa paligid.
Buti na lang dahil nakakapagod talaga ang ginaw lalo na kung nasa labas ka lang ng kalye natutulog. Perfect din para sa pagpapraktis ng banda para sa contest.
Akala ko maganda ang araw na to...at di ko akalaing akala ko lang pala yun.
Sinalubong ako ng galit na Mika ng dumaan na ko sa bahay nila para magpraktis na sana, at parang kakainin niya ko sa mukhang ipinakita niya.
"Anong problema?", pagtataka ko.
"Bakit ngayon ka lang??? Umalis na sila dahil ang tagal mo! Iniwan na tayo ng kotse ni Kiroske dahil ang kupad-kupad mo! Sinabihan na kitang Dawn Breakers kami dahil maaga nga kaming nagigising. Tanga ka ba? Ha?", galit niyang bulyaw sakin.
"Eh di ko alam na susunduin tayo, di mo naman kasi sinabi!", sabi ko pa. Eh kung alam ko lang din naman eh di maaga sana ako. Kaso hindi. Di niya ko sinabihan.
"So ako pa ngayon ang may kasalanan?"
Napanganga ako sa sinabi niya. Kung ganun ako ba talaga ang may kasalanan?? May paltik ba ang babaeng ito??
"Eh di sana sumama ka na lang sa kanila!", sabi ko na medyo naiinis na din.
"Ah...walang hiya ka! Ikaw na ngan hinitay ko ako pa ngayon sasabihan mo niyan!"
"Anong?---Per---"
Itinaas niya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko kaya di na ko nakapagsalita.
"Wag na...wag na...mainit ulo ko..alis na lang tayo ok?"
Nanglaki ang mga mata ko sa nangyari. Anong klaseng babae ba ang taong to? Grabe ang moodswing! Daig pa ang menopausal!
Sumakay kami ng train papunta sa lugar na pagprapraktisan namin. Kaya pala nagaalboroto siya kasi ang layo daw ng byahe kapag nagcommute lang kami. Sasakay pa kami ng bus pagkatapos dito sa train station, at isang oras pa daw bago kami makarating.
Di niya ko pinapansin habang nakatayo kaming dalawa sa tren. Siksikan dahil ang daming tao. Nakasandal lang siya sa may bandang pintuan at nakatingin sa labas. Nakaharap naman ako sa kanya at nakahawak isang kamay ko sa parang bakal na poste.
Kitang-kita ko bad mood pa rin siya sa salamin ng pintuan.
Malamang kasi apat na station ang dadaanan namin ng nakatayo. Swerte lang kung maraming bumabang tao na nakaupo. Eh sa malas din namin nasa side kami ng mga upuan kaya kahit may tumayo man, mauunahan pa din kami ng taong nakatayo sa harapan ng upuan.
Bumukas ulit ang pinto at mas lalong nagsiksikan kaya di ko sinasadyang naipit ko siya. Nanlisik mga mata niya sakin. Anong magagawa ko eh naiipit na din ako?? Akala niya siya lang ang badtrip??
Itinukod ko ang dalawang braso ko sa magkabilang gilid ng ulo niya. Kaya napalitan ng gulat ang mukha niya. Pinilit kong itulak ang mga tao sa likod ko na nang-iipit kaya ako itong nahihirapan dahil ang lakas nila. Ilang tao laban sa isa!
Pero anong magagawa ko kung galit ang isang to. Baka mamaya magbago pa isip ng babaeng ito sa pagtulong sakin. Delikado pa naman ang mga ganitong moody!
"Anong ginagawa mo?", sabi niya sakin.
Ngumiti lang ako na parang sinasabing masaya ka na? Baka kapag nagsalita ako lumabas ang paghihirap sa boses ko.
Di na siya nagsalita at tumalikod ulit para humarap sa pintuan. Nakita kong bahagya siyang napangiti.
I wonder kung ako lang ba nakakakita sa repleksyon niya sa salamin dahil parang patago ang ngiti niyang iyon.
Sa bus, sobrang napagod ako at nangawit ang mga braso ko kaya natulog ako sa byahe. Napagising ako ilang minuto at naramdaman ko ang tumutulong laway sa bibig ko. Tiningnan ko si Mika kung nakita ba niya at nakangiwi nga siya sakin.
Kakahiya! Bwesit!
Di nako ulit natulog.
"Anong klaseng playboy ka?", biglang tanong ni Mika.
Napaisip pa ko. May iba't-ibang klase ba ng playboy?
Ng di ako sumagot siya na ang nagsalita.
"Ikaw ba yung tipo ng playboy na nanghahabol o ang hinahabol?",
Napaisip ulit ako. Sa lahat ng babaeng naka one night stand ko, di ko pa nasubukang maghabol sa kanila, actually, wala akong ibang babaeng hinabol kundi si Kyla lang. At hanggang ngayon ganun pa din ang ginagawa ko.
Ng di agad ako nakapagsalita,si Mika ulit ang sumagot sa sarili niyang tanong.
"Tingin ko ikaw yung tipong hinahabol. Ikaw yung tipong kapag may palay tutukain agad! Mahina ang resistance mo sa temptasyon. Tsk. Tsk. Pero mabuti na din yan kesa naman sa nanghahabol, mga panget lang gumagawa nun, cheap, walang moralidad, walang hiya, pinakamababang uri ng lalaki, adik sa babae, baliw pa sa baliw na nasa mental! Atleast ikaw medyo angat-angat ka naman sa level nila. Mga pogi lang kasi yung mga hinahabol, yun lang naman lamang mo.", napailing siya.
Tama na naman siya! Mahina talaga ako pagdating sa temptasyon. Lalaki lang ako!
"Pero ngayong nakaraan, nagagawa ko namang tanggihan sila eh. Simula ng nawala si Kyla di nako naghanap o nagtangkang magkaroon ng ibang babae. Simula ng nawala siya, naisip ko na wala ng hihigit pa sa Kyla ko so why waste time with them. Nababadtrip lang ako kapag kasama ibang babae.", sabi ko pa.
"Akala mo lang yan. May two sub types ang mga hinahabol. Yung type na kayang iresist yung temptasyon, at yung hindi. Yung hindi makaresist sa temptasyon ay may subtype din. Yung nagbabago kapag nawala si Gf pero babalik yung pagiging playboy kapag bumalik na si Gf. Yung isa di na talaga nagbabago habang-buhay."
"Teka nga...san mo ba nakuha yang mga kalokohang yan?", sabi ko pa na nairita sa explanation niya.
Parang sure na sure siya kasi sa hypothesis niyang iyan eh wala namang basehan.
"Sa kin problema mo?", napataas kilay niya, "Nakikita ko naman pwede kang magbago pero di yun sigurado kapag nakuha mo na gusto mo di ba?"
"Kala ko ba alam mong nagbago na ko."
"Hindi kaya.", sabi niya.
Haist, kakasabi niya lang yun kagabi nakalimutan na kagad.
Napabuntong hininga na lang ako.
"Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko makarating lang ako sa sitwasyon ko ngayon? Itong sitwasyon na malapit ko na siyang makita at makasama? Kung tutuusin pwede na akong sumuko eh...", at kinuwento ko lahat sa kanya ng mga pinagdaanan ko. Mula California hanggang sa nagkita kami.
Seryoso siyang nakinig at tuloy-tuloy lang ang kwento ko. Ng matapos ako sa pagkukwento, bigla siyang humagalpak ng tawa. Ang lakas-lakas pa. Tulad ng tawa niya kagabi sakin. Halatang napapatingin sa amin yung ibang pasahero at nabubulabog naman ang iba.
"Oh God! I like it! Ang saya-saya! Kung alam lang to ni Kyla. Wow! Perfect!", patuloy niyang tawa.
Di ko mapigilang mapangiwi dahil sa pagtatawa nito.
Ito na nga bang sinasabi ko eh, gumana na naman ang saltik ng isang to. Nakalimutan ko kasing natutuwa siya kapag nagdudusa ako.
Badtrip!
Vote po kayo! tnx!
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3