part 39

79 5 0
                                    

Wala akong lakas kinaumagahan. Pakiramdam ko pumikit lang ako saglit at nagising na agad. Ni hindi ako nanaginip o naramdaman ng katawan kong natulog ako.

Agad na pumasok sa isip ko ang mga nangyari kahapon. At tulad ng dati tuwing depress ako, di ko na nagawang bumangon. Marami na akong plano pero ayaw kong kumilos.

Dapat nandun na ako ngayon sa Philippines embassy para ireport ang nawawala kong passport, o hanapin ko na lang kaya ang mga gamit ko kasi wala na din akong mga damit, o bumili na lang ako kasi nakakapagod ng hanapin iyun, o kumain muna kasi gutom ako, o maligo dahil ang baho ko na, o magpagupit muna ako dahil ang haba na ng buhok ko. Ang dami kong gustong gawin pero ayaw kumilos ng katawan ko. Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko.

Haist!

Aarrrgghhh!!!....

Pinagsisisipa ko yung mga unan at pinilit na bumangon. Napaupo naman ako at gusot ang mukha na naligo. Muntikan pa akong mapasigaw ng nakita ko ang sarili ko sa salamin.

Para akong taong grasa na baliw!

Putcha!

Mahaba naman talaga buhok ko ng umalis ako sa Japan pero di ko akalaing ganito na ito ngayon kagulo! Dikit-dikit na din ang mga hibla nito kaya pala makati na din! Halos matakpan na talaga din mga mata ko, kaya pala hirap na akong makakita! Bobo talaga! May lumalabas na din na bigote sakin kaya ang dungis kong tingnan.

Kaya pala di ako nakilala ni Kyla sa CCTV! At kaya pala weird ang tingin sakin ng mga tao. Akala ko nagagwapuhan lang sila sakin. I mean madalas naman talaga akong pagtinginan ng mga tao sa Pilipinas kaya di ko to napansin ngayon.

Pero kahit na noh! Wala talagang bahid ng familiarity ng nakita niya ko sa CCTV??

Familiar na pulubi ba tingin niya sakin.

Psh!

"Na.engage ka lang Kyla di mo na ko namukhaan talaga? Huh? Grabe ka naman! Tindig mo alam na alam ko pero ikaw nakita mo na ko sa CCTV di mo pa ko naalala!", galit na galit kong sabi sa salamin na kaharap ko. "Oo ikaw ang kinakausap ko! Baliw!", di ko namalayan na sumisigaw na pala ako.

Maya-maya pa ay naligo na nga ako dahil mukhang nababaliw na talaga ako.

Kaya ba nababaliw mga taong grasa dahil wala silang ligo?

Tsk. Ma.search nga yun minsan.

Matapos kong maligo ay nagpagupit nako ng buhok at kumain na din. Pumunta ako sa isang botique at namili ng ilang damit lang.

Nagvibrate naman bigla phone ni Kyla at tiningnan ko yung message.

From: Jenny

Congratulations on your engagement.

Muntikan ko ng maitapon ang cellphone kung di ko lang napigilan sarili ko.

Bwesit talaga!

Ok na pakiramdam ko matapos maligo at magpagupit at kumain eh! Feeling gwapo na ko uli tapos ito pa mababasa ko! Nangbabadtrip ba talaga isang to?

Haist!!

Pagkahapon pa ko pumunta sa Philippines embassy at nalaman kong matatagalan pa bago nila irelease ang bagong passport ko para makauwi nako Pilipinas.

So anong gagawin ko ngayon dito?? Gusto ko ng umuwi! Ayoko ng magtagal dito, dahil pag nagkataon mag bago isip ko kikidnapin ko talaga si Kyla para di matuloy kasal nila.

Nagvibrate ulit yung phone ni Kyla.

From: Jenny...ulit.

Hey!

Kulit naman nito!

Di ko na lang pinansin yun at namasyal na lang muna sa paligid. Di ako pumunta dun sa mga tourist spits kasi alam kong maraming mga lovers dun. Dun ako pumunta sa mga walang masyadong tao. Pumunta ako sa isang cinehan na medyo luma na at nanood ng isang pelikulang di ko naintindihan dahil ang pangit! Nagbasa sa isang library pero nakatulog din sa kalagitnaan ng pagbabasa sa isang children book. Pinanood ko lang mula sa malayo ang ilang mga artist habang nagpipaint or nagskesketch ng kanilang mga portrait hanggang sa matapos sila sa bawat obra nila.

Basically, walang masyadong naging nangyari at boring ang araw ko.

At in between ng lahat ng mga ginagawa ko, palagi akong napapaisip na balikan sa hospital si Kyla. Palagi kong tinatanong sa sarili ko kung di ko ba pagsisisihan ang desisyon ko ngayon. May pag-asa pa naman ako di ba? Di pa sila kasal!

Pero nandun pa din kasi yung guilt na ayoko na siyang guluhin dahil masaya na siya ngayon. Ilang taon din akong naging hadlang sa kasiyahan niya at ngayon, gagawin ko ulit? Ayoko na, kung masaya siya dun ay di na ko hahadlang. Ayokong maging selfish dahil naging ganun nako sa kanya for the past 4 yrs. At sapat na yun. Kahit ang pagpunta ko dito ay nangangahulugang selfish ako. Kung anong makakapagpasaya sakin yun ang ginagawa ko. Without even considering if matutuwa ba si Kyla since siya na nga itong lumayo sakin. Ibig sabihin i'm not part of her happiness anymore. At kailangan ko na yung tanggapin.

Umuwi nako ng hotel room ko ng may natanggap na naman akong message.

Siya ulit.

Pero nagulat ako sa nabasa ko, dahilan para mabitawan ko ang cellphone at bumagsak ito sa sahig. Para akong kinidlatan ng isang balita na nagpatibok ng malakas sa puso ko. Pinulot ko ulit ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko at binasa ito ng paulit-ulit hanggang sa unti-unting nag sink in sa akin ang text message na yun.

Napatayo ako at mabilis na tumakbo palabas. Tumakbo ako sa pinakamabilis kong takbo habang malaki ang ngiti sa mukha. Di ko maiwasang mapaluha...mapaluha sa kasiyahan.

From: Jenny

Hey i'm being sarcastic here. Y no reply? Are you really sure about your engagement? When we both know you're really not in love? Your not happy Kyla. I can see it.

May pag-asa pa ko!

Meron pa!

Kung hindi siya masaya, gagawin ko ngayon ang lahat pigilan lang siya! Dahil di ako papayag na mapunta siya sa isang taong di niya mahal!

Alam ko...ako pa din!

Ako pa din Kyla di ba?

Sana ako pa!

"Yooohooo!!", sigaw ko habang tumatakbo.

Napapalinga mga tao sakin.

Napatalon-talon pa ko at nadapa pa pero tinawanan ko lang yun.

"Yeeheeey!", sigaw ko uli.

Hingal na hingal ako ng nakarating sa hospital at agad na dumiretso sa kwarto ni Kyla. Pero wala na akong nadatnang tao dun. Nagtanong ako sa nurse station at sinabi nilang umuwi na daw kaninang hapon sila.

Pero di dun natapos ang kasiyahan at ngiti ko, dahil ngayon, alam kong isa lang ang gagawin ko...ang hanapin si Kyla!

Linabas ko ang cellphone ko at tinext si Jenny.

'Where are you? Meet me tomorrow.'

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon