part 35

88 4 1
                                    

,..........................................

"Hey.", ngiti sakin ni Kyla. Hinalikan niya ko sa cheeks at abot tenga naman ngiti ko dahil dun. "Kanina ka pa?"

"Hmmm..mga isang taon na din.", biro ko at binuksan ang pinto ng kotse ko para sa kanya. "Nagpapaganda ka eh hindi naman ikaw ang ikakasal."

Aattend kasi kami ng kasal ng pinsan ko at sinundo ko lang siya ngayon. Nakajeans siya as usual at isang puting damit na casual lang tingnan.

"Maganda na po ako kahit di nako magpaganda.", sabi niya at napatawa ako.

Di ko talaga alam bakit kahit anong gawin niya at sabihin natutuwa na lang ako kahit walang masyadong dahilan.

Ng nakasakay na ko at pinaandar ang kotse, bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Nagulat ako kasi kahit matagal na kami, alam ko bibihira lang mananching si Kyla sakin. Di ko nga alam bakit di niya ko hinahalay di tulad ng ibang babae nakilala ko.

Hinigpitan ko din naman hawak ko sa kamay niya at unconsciously hinalikan iyun. Malamig ang kamay niya.

"Kinakabahan ka ba?", tanong ko, "Di naman ikaw ang ikakasal ah.", napatawa pa ko.

Ngumiti lang siya ng tipid at nahalata kong kinakabahan nga talaga siya.

"C'mon Kay..anong problema? Kinakabahan ka ba talaga? Hm?", nag-aalala nako. Ayokong nakikita siya na parang may bumabagabag sa kanya na di ko alam.

"Wala.", sabi niya.

"Kay...", alam ko meron talaga eh, tagal ko na siyang kilala, "Ano nga yun. Sabihin mo sakin."

Namumula na ang mukha niya at pinipigilan kong di ngumiti dahil pag di ko pinakitang di ako seryoso, di talaga siya magsasalita. And i'm dying to know what's on her mind. Di kasi basta-basta ang takbo ng utak nito.

"Promise di ka tatawa?"

"Promise."

Humugot muna siya ng hangin bago nagsalita.

"Nanaginip kasi ako...na tayo ang ikakasal ngayon."

Napahinto siya at hinintay kong magsalita siya ulit pero parang nahihiya pa talaga siya kaya nagsalita nako.

"Oh, ano namang problema dun?", sabi ko na nasa daan na ang tingin. "Kay wag mo nga kong binibitin."

"Eh kasi,.pano pag di ako magustuhan ng mga relatives mo?"

Oo nga pala! Nakalimutan kong ngayon pa lang niya makikilala ibang relatives ko.

"No worries. Nagustuhan kita, nagustuhan ka ni papa, tiyak magugustuhan ka din nilang lahat.", pero bigla akong napa-isip, "At ano naman ang koneksyon nito sa panaginip mong kinasal tayo?"

"Eh nanaginip nako na kinasal tayo, pano pag di ako magustuhan ng relatives mo at di matuloy panaginip ko. Parang totoo pa naman.", sabi niya na krinoss ang dalawang kamay sa dibdib niya.

Kinagat ko ang labi ko at di nagsalita. Dahil sa oras na magsalita ako, tiyak na lalabas ang tawa ko at nangako akong di tatawa sa kanya. Sa oras kasi na tumawa ako magtatampo yan for sure ng isang araw sakin at ayoko naman nun. Kaya kahit gano kahirap pigilan ang tawa ko, kailangan tiisin.

"Magsalita ka nga.", naiirita niyang wika.

"Mmmhh..", tango ko. Pero hirap pigilan ng tawa ko! Biruin mo nanaginip siyang kinasal kami? At ngayon natatakot siyang di matuloy yun. Oo 3 yrs na kami at medyo sinasabihan ko na siya na gusto kong ikasal kami pagkatapos ng graduation. I mean bakit pa namin patatagalin eh alam ko sa kaibuturan ng puso ko na siya na talaga. At pag kinasal kami, wala na lahat ng babaeng yan sa buhay ko.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon