Nakita ko siya ulit...nakatayo sa pintuan ng cafe at hinahanap ako. Di ko maiwasang mapangiti. Napakaganda pa din niya kahit jeans lang ang suot niya. Kahit sa dami ng tao, kilalang-kilala ko kahit isang hibla lang ng buhok ang makita ko mula sa kanya. Bakit ngayon ko lang napansin? Siya ang pinkamagandang babae na nakita kong nakajeans.
.........................................................
'Mag short ka nga minsan?', sabi ko sa kanya.
'Bakit ba? Anong problema ba sa jeans?', pagtataka niya na halatang napikon sa sinabi ko.
'Kung maganda ka sa jeans, mas gaganda ka kapag nakashorts ka. Tingnan mo nga ang ibang babae. Tinitingnan sila ng mga lalaki dahil maganda silang tingnan kapag nakashorts. Kaya nga kayo babae di ba dahil pwede kayong magshorts. Katulad yan ng bra. May bra kayo kasi babae kayo, ganun din yun sa shorts.'
Pinalo niya ko sa braso at galit na nakatingin sakin. Akala ko magagalit siya dahil gusto ko siyang mag-shorts at pagpyestahan ng tingin ng ibang lalaki o dahil nagmumuka akong manyakis sa harapan niya.
'Aray! Masakit yun ah!'
"Ikaw...Lance, bakla ka ba?'
"ANO?? Bakit naman ako naging bakla?'
"Bakit parang naiinggit ka na nagshoshorts kaming mga babae...at..at..nagbabra??'
Napatawa ako bigla.
'Bakit? Totoo noh?', sabi niya na naaasar.
Inakbayan ko siya at hinalikan sa pisngi. 'Bakit ba palagi kang nagpapacute? hm?', hinalikan ko siya ulit sa pisngi.
'Ano ka ba...ang daming tao.', nakangiti niyang wika.
'Bakit? Di ko mapigilan. May cute akong girlfriend eh.', bulong ko sa kanya, 'Ang cute talaga ng Kay2 ko.'
...........................................................................................
Nang nakita niya akong kumaway sa kanya na nakangiti, biglang nagbago ang itsura niya. Seryoso...galit...malungkot...hindi...blanko...yun ang ekspresyon ng muka niya.
Lumapit siya at umupo sa katapat na upuan.
"Anong gusto mong order?", agad na tanong ko sa kanya at pinipilit na maging casual lang ang boses ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa di malamang dahilan at di makatingin sa kanya.
"Di na, di ako magtatagal."
Napatingin ako sa kanya at ng mga oras na yun pinagsisihan ko iyon. Biglang nawala lahat ng mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Biglang nawalan ako ng lakas at nanghina. Biglang gustong lumabas ng mga luha ko pero pinilit kong pigilan.
Di ako nakapagsalita na parang napipi ako sa harapan niya. Ni isang salita ay walang lumabas sa utak ko. Wala lahat...
"Lance. Nakipagkita ka ba para aksayahin ang oras ko?"
"Maganda pakinggan ang pangalan ko pag ikaw ang nagsasabi nito.", sabi ko bigla nang wala sa isip.
"Please Lance.", sabi niya na parang nandiri sa sinabi ko, "Akala ko ba nandito ka para...."
"Mahal pa din kita Kay.", sabi ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya.
May pagkagulat bigla sa muka niya habang nakatingin sa akin.
"Sinabi ko naman di ba? Di nga ako ang ama ng anak ng babaeng yun. Nagkamali lang siya. Ba't di mo ko mapatawad sa ganitong bagay na to?", sabi ko.
"Lance,", sabi niya na biglang huminahon, na parang mas tingin ko ay nawalan siya ng lakas, "Pagod na ko. Kaya nga ayoko na diba? Kung alam ko lang na ito ang sasabihin mo, sana di na lang ako nag punta dito.", pagkasabi niya nun ay tumayo siya. "Please, kalimutan mo na ko.", at naglakad na siya paalis.
Naiwan akong nakatunganga...nakatingin sa kawalan. Ang bigat ng katawan ko, na parang ang hirap kumilos.
Huli na ba? Huli na ba ko? Huli na ba ang lahat? Wala na ba akong pag-asa? Wala na ba talaga si Kyla sa buhay ko?
Ano ang magiging buhay ko kung wala siya? Pano ako sasaya? Pano ako mabubuhay? Anim na buwan akong nagdusa...anim na buwan kong pinigilan ang pride ko na di siya habulin. Pero ano ang ginawa nun sakin? Kalungkutan...ako ang nagdudusa sa huli. Ako ang mas nasasaktan.
Kyla...
Kyla...
Ramdam ko ang tingin ng bawat tao dun sakin. Alam ko kung bakit. Yun ay dahil umiiyak ako. Malakas akong umiiyak.
Nakakahiya...nakakabaliw...pero ano ang silbi ng mga pakiramdam na iyon kung nadudurog ako sa sakit ngayon?
Kailangan ko siya...
Si Kyla...
Ayoko ng mabuhay at magdusa sa mga susunod pang araw...di ko kaya...
Tumayo ako at patakbong lumabas.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3