Nagising ako dahil may paulit-ulit na kumikiliti sa ilong ko. Kahit di ko na imulat ang mga mata ko, alam ko kung sino iyun. Nakatulog ako sa mesa kakaaral kagabi kasama si Kyla. Ng huling tingin ko sa relo 3 am na yun.
Naramdaman kong palapit na naman ang kamay niya sa ilong ko kaya agad ko yung hinablot at nagmulat ako ng mga mata.
"Pasaway.", mahinang sabi ko na di pa din kumikilos.
Ngumiti siya ng tiningnan ko.
"Gising ka na kasi. May exam pa tayo.", sabi ni Kyla.
Hinagkan ko lang ang kamay niya at yinakap ang braso niya.
"Maya na.", pikit ko ulit.
"Lansing...1 hr na lang.",
Bigla akong umupo ng tuwid sa upuan na ikinagulat naman niya.
"Tama ka.", sabi ko at agad ko siyang kinarga ng bridal style.
Napasigaw siya sa gulat.
Ibinaba ko siya sa kama at ikinulong ko siya gamit sa dalawang kamay ko.
"Lance anong ginagawa mo??", sabi niya na parang natataranta na.
Pumatong ako sa kanya. Ngumisi ako.
"Sabi mo 1 hr na lang kaya sulitin na natin to!", sabi ko sa kanya at linapit pa ang mukha ko sa kanya. Ilang sentimetro na lang ito.
"Lansing...", natatawa niyang sabi, "Tumigil ka nga. Kapag na late tayo mamaya ,sayang lang pinag-aralan natin kagabi."
"Hayaan mo na.", ngiti ko at siniil siya ng halik. Malumanay lang yun dahil dinadama ko ang lambot ng mga labi niya. Her lips is the best lips I've ever tasted.
Of course she kissed me back. I'm a damn good kisser kasi nga di ba?
Biglang napadilat ang mga mata ko ng nakaramdam ako ng sakit. Kagat-kagat niya ang lower lip ko at ang sakit!
"Urmmm...", pinilit kong ilayo ang lips ko pero ayaw niya bitawan. Nakangiti pa siya habang pinagmamasdan ako, mukang tuwang-tuwa.
"Strepp it Kryla!", sabi ko pero di ako makasigaw dahil ang sakit-sakit ng kagat-kagat niyang labi ko."Argh!",
Binitawan niya din iyun at pinipigil niya ang pagtawa pero tuwang-tuwa talaga siya.
"Sh*t Kyla bakit mo yun ginawa?", galit kong sabi na agad tumakbo sa salamin para tingnan kung dumugo ba labi ko. Wala namang dugo pero masakit lang talaga.
"Sabi ko late na tayo di ba?", sabi niya na sobrang saya pa din ang mukha.
Kainis!
"Pag ito namaga ano na lang gagawin mo sa gwapo mong boyfriend.", sabi ko na di pa din makapaniwala sa ginawa niya.
Ngayon pa lang ako kinagat ng babae sa labi sa tanang buhay ko! At hindi yun masarap! Sobrang sakit! At si Kyla pa...si Kyla pa talaga!
"Eh di mamahalin ko pa din.", sabi niya at patakbong lumapit sakin at yinakap ako sa likod.
Minsan parang may kulanting din itong girlfriend ko eh. Hay naku!
"Gutom na ko...luto ka na.", at sinilip niya mukha ko mula sa likod ko.
"Itlog lang dahil malilate na tayo."
Tiningnan ko siya ng masama. Siya na nga itong may kasalanan siya pang may ganang magrequest sakin na magluto. Ano ba talagang tingin niya sakin? Laruan? Maid? Uto-uto??
"Ayaw mo?", sabi niya na nagtataka. Dahil hindi nagbago ekspresyon ng mukha ko. Bigla naman siyang nalungkot.
"Ayaw mo talaga?", malungkot na malungkot niyang sabi, "Gutom lang talaga kasi ako. Kaya nga kinagat ko labi mo kasi ang sarap-sarap.", mahina niyang sabi at napayuko, "Sorry na."
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3