part 6

129 5 0
                                    

Nakita kong gabi na at naka limang bottle na ako ng alak. Sinita na din ako ni papa at nagsisimula na siyang magalit sakin. Pero anong magagawa ko? Ganito lang talaga ang nararamdaman ko.

Sigurado akong tulad ko ay nasasaktan din siya sa nangyari. Alam ko na botong-boto siya kay Kyla. Siya pa nga palagi ang nagbibigay sakin ng advice nitong nakalipas na anim na buwan na balikan ko si Kay, pero naging matigas ang ulo ko. Pinairal ko ang pride ko at akala ko makakalimutan ko siya,akala ko makakahanap pa din ako ng iba.

Si papa na siguro ang coolest father sa buong mundo. Di siya masyadong strikto at palagi akong naiintindihan. Kahit nga minsan ang pagbubulakbol ko ay di niya pinapatulan. Palagi niyang sinasabing enjoy life ngayong bata pa ko, dahil maraming problema ang haharapin ko kapag ako na ang humawak sa company namin.

Isa ang company namin sa top 5 na pinakamagaling at magandang magconstruct ng mga building sa pilipinas. Kaya nga civil engineering ang kinuha kong kurso dahil dito.

Grumaduate akong cum laude.

Bakit? Di dahil palagi akong nangongopya kay Kyla. Actually,kabaliktaran nga. Ayaw niyang nangongopya ako. Kaya sariling sikap ko ang lahat.

Si papa na siguro ang pinakaproud na tatay sa buong mundo ng tawagin ang pangalan ko noong graduation ko. Di kasi niya alam at hindi siya nag.expect, dahil ang tingin nga niya sakin ay bulakbol lang ang alam.

Si Kyla ang magna cum laude, pero di ko man lang siya nacongratulate dahil hiwalay na kami ng mga panahon na yun.

Yun na ang pinakawalang kwentang celebration ng graduation party ko! Wala si  Kyla...

Si papa lang naman talaga ang masaya nung mga  panahong iyon.

Come to think of it, she brings out the best of me. In every way...i have been a better person because of her. But she has also the capacity to destroy me...to be the worse of who i am.

Because of her i have felt heaven, but then she can also make me feel like i am in the pit of hell.

Kaya niyang paarawin ang mundo ko...kaya niya ring padilimin ito. She can almost make my world...

............................................

Ugh! Bakit di ako pinapakopya ng babaeng to???, Kyla naman eh! Boyfriend mo ko tapos itong gagawin mo sakin?? Para san pa ang lahat ng monthsary nating iyon kung di mo ko pakokopyahin??,

Sa huli, halos wala akong answer nung exam namin.

Buysit! Akala ko pakokopyahin niya ko. Di ko akalaing seseryosohin niya talagang di ako pakokopyahin at di papansinin unless di ako mag-aral ng mabuti.

"Sandali.", habol ko kay Kyla pagkatapos ng exam.

Kinailangan ko pa siyang harangin dahil di niya ko pinakinggan ng tinawag ko siya.

"Di mo ba talaga ako papansinin?", sabi ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako.

"Seryoso ka ba talaga??", naiirita kong wika.

Di pa din siya nagsalita.

"Ok. Fine. Kung ganito talaga ang gusto mo eh di sige...bahala ka. Pero tandaan mo to, bukas hihigitan ko ang scores mo.", saka ako umalis.

Kaya the second day of exam ay nag-aral talaga ako ng mabuti. Kahit isang gabi lang ang meron ako inaral ko talaga lahat ng notes ko. Yung mga major subjects pa talaga namin yung natimingan. Ang hirap talaga! Sumasakit ulo ko pero pinilit ko pa ding mag-aral.

Makikita talaga ng babaeng iyon...tingnan lang natin kung di pa niya ko kausapin. Baka siya na ngayon ang maghabol sakin.

Kinabukasan, malalaki nga ang scores na nakuha ko. Di ako makapaniwala dahil parang di ko nga naintindihan ang mga inaral ko kagabi.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon