Napalingon ang isang lalaki sakin. Pero naipasok na nila si Kyla na walang malay. Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
Tinutukan agad ako ng baril ng isa sa mga lalaki pero di ako tumigil sa pagtakbo. Buti na lang at di nagawang iputok ng lalaki sakin ang baril siguro ng dahil na din sa gulat na di ako natakot sa baril niya.
Naabutan ko ang lalaking nangtutok ng baril sakin bago siya makapasok kaya agad ko siyang sinuntok. Pero parang sampal lang ang nagawa ko dahil foreigner siya at matangkad siya, malaki pa.
Tinulak lang niya ko ng malakas at natumba nako! Napakakulelat ko talaga! Kainis!
Nakita ko si Kyla na walang malay sa loob ng sasakyan dahil bukas pa din ang pintuan nito. Nagkakagulo na sila sa loob dahil tingin ko gusto na nilang umalis at pabayaan nako.
Papasok na sana ulit yung lalaki pero nahawakan ko ang paa niya, sinipa niya ko ng malakas at nabitawan ko siya. Agad siyang pumasok ng sasakyan at mabilis nila itong pinaandar.
Hinabol ko sila at mabilis na tumakbo. Parang biglang naramdaman ko ang adrenaline rush sa buong katawan ko ng mabilis ko silang hinabol.
Pero syempre kahit mabilis ang takbo ko ay mas mabilis pa din ang sasakyan nila. Nakakita ako ng nakaparadang motor sa daan at kahit andun sa tabi ang may-ari, tinulak ko siya at sumakay sa motor. Pinaandar ko agad ito ng matulin.
Naghahabulan na kami sa kalsada. At ng dumaan kami sa highway, maya-maya lang ay may nakasunod ng sasakyan ng pulis sa amin. Pero di ko na sila pinansin dahil abala ako sa paghabol kay Kyla.
Hindi pwedeng makuha nila si Kyla! Di ako papayag!!!
Palapit ng palapit ang motor ko sa sasakyan nila. Maya-maya ay may isang lalaking lumabas sa bintana at tinutukan na ako ng baril.
Shit lang!
Nagpa ekis-ekis ako ng takbo at sa sunod-sunod na baril niya sakin isang himala na di ako natamaan.
Nagpaputok din yung car police na nakasunod sa likuran ko.
Shit lang! Pano pag natamaan din ako nila?
Nagpalitan na sila ng putok ngayon at nasa gitna pa ko niyan ng dalawang sasakyan. Bawat putok ay napapasigaw ako sa isip ko ng Sh*t. At nagdadasal na di ako tamaan.
Pinabilis ko pa ang andar ng motor. Wala na akong maisip na ibang paraan kaya dumikit ako sa sasakyan ng kidnaper at pikit mata akong tumalon mula sa motor ko. Nakakapit naman ako sa likuran.
Bigla na lang di ko na inisip na takot ako o mamamatay ako. Iniisip ko lang kung pano maililigtas si Kyla!
Bigla na lang dalawang police car na ngayon ang nakasunod sa amin. Di ko alam kung san nanggaling yung isa.
Tinutukan ako ng baril. Kala ko katapusan ko na nun pero isang putok at nakita kong nahulog sa sasakyan yung lalaki at nagpagulong-gulong sa kalsada.
Salamat sa mga police!
Agad akong kumilos para pasukin ang loob. Sinilip ko yung loob dahil nakabukas ang bintana pero nagpaekis-ekis ng takbo ang sasakyan at muntikan pa akong mahulog. Ni di ko nakita ang loob ng sasakyan dahil isang lalaki na naman ang lumabas sa bintana at tinutukan ako ng baril. Mahigpit pa din ang hawak ko dahil patuloy sa pagpaekis-ekis ang kotse.
'Sh*t! Di ako mamamatay ng di ko naililigtas si Kyla!', sa isip ko.
Kahit hirap na hirap ako sa sitwasyon, nagawa ko pa ding tadyakan yung lalaki kaya dumaplis lang ang bala malapit sakin.
Nahulog din naman ang baril niya, kaya hinawakan niya na lang ang binti ko. Malakas niya akong hinihila para mahulog at mas lalo kong hinigpitan hawak ko para di ako mahulog.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3