part 46

91 6 0
                                    

Bakit ang bilis? Bakit bukas na agad?? Bakit ganun?? Nagmamadali ba talaga si Kyla na mawala ako sa buhay niya??

Nagtatakbo ako ngayon papunta sa terminal ng bus na sasakyan papunta sa lugar na pagdarausan ng kasal ni Kyla. Ang masama pa cancell nga lahat ng mga byahe dahil sa parating daw na bagyo.

God! Bakit ngayon pa binagyo?? Pwede namang bukas di ba?? Sana di lang matuloy yung kasal bukas dahil sa bagyo.

Pero pagdating ko sa terminal, sobrang panlulumo ko ng nabalitaan ko sa mga tao doon na bukas pa ang byahe dahil lalayo n daw ang bagyo bukas.

So ano? Eh di stranded ako ngayon at tuloy ang kasal bukas!

Meron pa bang mas mamalas dun?? Parang mababaliw na ko sa kakaisip sa dapat kong gawin! Ano mang oras sasabog na ang utak ko! Pati puso ko parang unti-unti ng nadudurog. Magiging heaven ang kamatayan ko ngayon kung mangyayari iyon.

Oh God! Kyla anong gagawin ko???

"Sh*t!", nabulalas ko at sinipa ang katabi kong upuan.

Dead end na naman ba ko?? Hindi na ko aabot kung bukas pa ang byahe ko. At kung umabot man ako, baka tapos na ang kasal!

Ano ng gagawin ko?? My God! This is so damn frustrating!

Umupo din ako sa upuan at sinubukang kalmahin ang sarili ko para makapag-isip ng matino. Pero ilang minuto na ko nandun di pa rin mawala ang panic sa buong katawan ko. Bawat segundo di ako mapakali. Kung anu-anong tumatakbo sa isip ko!

Nagsimula na ding magsialisan ang ibang tao dun sa terminal. Hanggang sa ako na lang ang natira.

Ang sarap umiyak! Hanggang dito na lang ba ko?? Di ko ba talaga siya maaabutan? Dead end. Nasa dead end na ko ngayon. At dahil nandito na ko, kailangan ko ng bumalik sa pinanggalingan ko. Kailangan yun di ba? Dahil mula dito san pa ko pupunta??

Biglang nag-iba ang music sa loob ng terminal. Kanina pa talaga meron di ko lang masyadong napansin. Ngayon lang dahil sobrang tahimik ng paligid at ako lang mag-isa dito.

Be the Light by One Ok Rock.

Just the thought of another day

How did we end up this way

What did we do wrong?

God

Even though the days go on

So far, so far away from

It seems so close

I remember this song. Palagi ko itong kinakanta noong highschool ako sa banda namin dahil gustong-gusto yun ng mga tao. Pero parang ngayon ko lang naintindihan ang kantang to...ngayon ko lang naramdaman.

Always weighing on my shoulder

A time like no other

It all changed on that day

Sadness and so much pain

You can touch the sorrow here

I don’t know what to blame

I just watch and watch again

O...

Hindi ko lang talaga maintindihan dahil sobrang sakit ng dalawang bagay na pwede kong piliin. Kapag bumalik ako sa Pilipinas alam kong pagsisisihan ko to habang buhay, para na ding sinabi kong magpakamatay ako. Pero kapag nagpatuloy ako ngayon...alam ko kung ano ang makikita ko bukas...at bukas ang kamatayan ko.

CHANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon