"Maligo ka.", yun lang ang sabi ni lolo pagbalik ko sa building.
Nakita kong may isang balde na siya ng mainit na tubig at isang maliit na sabon. Sabi niya nagpakulo daw siya ng tubig at yung sabon, matagal n daw niya yung tinago.
Pahirapan ng maiinom na tubig dito sa amin, kaya laking panghihinayang ko na isang balde ng tubig ang ililigo ko lang.
"Pano siya makikipag-usap sayo kung ganyan itsura mo?", sabi ni lolo sakin ng nakita ang pagdadalawang isip ko.
"Kahit sinong tao pag nakitang hinahabol mo, tiyak na tatakbo at matatakot din sayo.", paliwanag pa niya.
Napangiti ako. Oo nga. Tama si lolo, nakakatakot nga naman ako.
"Salamat po lo...magiging pogi na naman ako nito.", biro ko at napatawa siya.
Ang bait talaga ni lolo! Ang sarap umiyak! Pano ko nagagawang pandirian ang mga taong kagaya niya noon? Sila na walang-wala ay taos puso ang pagtulong, pero ako...wala akong nagawa noon, at hanggang ngayon.
Kyla, bilib na talaga ako sayo! Buti tinulungan mo si lolo kaya ngayon, may taong tumutulong din sakin.
Naligo ako at tipid na tipid pa ako ng tubig para magkasya iyun. Halos di bumula ang sabon na gamit ko. Di ko alam kung yung sabon ba ang may problema o masyado ng makapal ang dumi sa katawan ko.
Pero ng natapos akong maligo, sobrang gaan ng katawan ko! Pakiramdam ko kumikinang ako!
May kutsilyo din na ibinigay si lolo kaya yun ang pinangtanggal ko ng bigote ko. At sa isang iglap, balik na ulit ang dati kong itsura...itsurang malinis. Buti na lang at may reserba ako na malinis na damit in case of emergency.
Kinabukasan ay bumalik ulit ako sa bahay ng babae. Maagang-maaga iyun. At di pa sumisikat ang araw nun.
Ilang ulit din akong nagdoor bell bago lumabas ang babae.
Buhaghag ang buhok nito at di pa maayos ang pagkakadilat ng mga mata. Halatang bagong gising pa ito.
Di niya binuksan ang gate pero hinarap niya naman ako. Tama nga talaga si lolo. Natakot lang siya sa itsura ko kagabi.
"Magandang umaga!", bati ko sa kanya.
"Anong maganda sa umaga? Distorbo ka eh! Ano bang kailangan mo?", irita niyang sabi na medyo dumidilat na ang mga mata.
Ang sungit! Badtrip!
"Itatanong ko lang kung may kilala kang Kyla? Kyla Gavilo.", tanong ko diretso.
Nanlaki bigla mata niya na parang isa siyang patay na biglang nabuhay.
"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa kanya?", tanong niya.
Mukang kilala nga niya. Siya na kaya ang tinutukoy ni lolo na kaibigan ni Kyla dito?
"Lance Vertiges. Hinahanap ko kasi siya. Kailangan ko lang siyang makita. Alam mo ba kung nasan siya ngayon?", tanong ko.
"Ahhh...ikaw yung kinukwento niya!", sabi nito na tinuro pa ko. Ngumiti siya bigla. "Sandali lang ha. Hintayin mo ko dito may kukunin lang ako.", paalam niya.
"Salamat ha!", sabi ko at di ko mapigilang mapangiti.
Sa wakas! Ito na talaga to! Makikita ko na siya. Sana andito pa siya sa Japan! Sana malapit lang pinuntahan niya. Sana...sana...oh god! Excited na ko! Thank you po!
Maya-maya ay lumabas na yung babae na may dalang balde.
Nagtaka naman ako kung para san iyun.
Walang anu-ano ay binuhusan niya ko ng tubig!
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3