Maliit nga talaga ang bahay niya. Isang kwarto lang ito na nandun na ang lahat. May maliit na kusina, maliit na cr dahil nakita kong maliit ang pintuan nito, maliit na mesa na tulad ng mga traditional japanese na mesa, at isang medyo maliit na kama sa gilid. Pero kung ikaw lang din naman ang nakatira, di na masama ito.
Pinaupo niya ko sa sahig at binigyan ng makapal na kumot. Binalot ko yun sa katawan ko at napapikit ako sa sarap ng init na naramdaman ko. May warmer din siya kaya nakadagdag din iyun sa init ng katawan ko.
Maya-maya pa ay may inilapag siyang isang tasa ng chocolate ata sa mesa. Lumapit ako agad at ininum iyun kahit di pa niya sinasabi.
"Ahhh...ang sarap!", sabi ko ng naramdaman ko ang init sa tiyan ko. Mas maganda siguro kung makainom din si lolo nito kaso, baka malamig na ito pag dinala ko na sa kanya.
Umupo naman siya katapat ko. Nakataas ang kilay.
"Umuwi ka na pagkatapos niyan dahil di ko sasabihin sayo kung nasan si Kyla.", sabi niya sakin.
"Anong pangalan mo?", tanong ko.
"Mika."
"Mika...salamat dito ah.", sabi ko na ngumiti at itinaas ang mug sa kanya.
Sana madala siya ng charm ko please!
"Kahit anong gawin mo di ko sasabihin sayo kung nasan si Kyla!", sabi pa niya.
Nawala ang ngiti ko.
"Galit ka talaga sakin noh.", puna ko, "Ok lang. Alam ko naman kung bakit."
"Mabuti."
"Actually...galit din ako sa sarili ko. Kaya...pareho lang tayo. Pero...pinatawad ko na ang sarili ko.", napangiti ako pero di ko alam bakit may lungkot pa din sa puso ko.
"Nagkamali ako at natuto akong tanggapin yun. Kaya pinangako ko sa sarili ko na itatama lahat ng iyun at...mamahalin ko si Kyla ulit ng buong puso ko.", tiningnan ko siya sa mga mata, "Mika i need to see her. Di ko siya hahabulin ng ganito kung di ko siya mahal ng sobra-sobra."
"Ganyan naman talaga kayong mga lalaki eh. Pag wala sa inyo, hinahanap niyo, pag andyan na babaliwalaen ulit tapos pagwala hahanapin na naman. Ganyan naman talaga utak niyo di ba?", sabi pa niya.
"No!", agad kong depensa, "Hindi lahat ganyan! Di naman pwedeng itulad mo ang storya ng love life mo sa amin ni Kyla.", di ba parang ang sinabi niya kanina ay base sa sarili niyang pinagdaanan?
"Sinong nagsabi na itinutulad ko ito sa buhay ko? For your info nbsb ako!", galit niyang wika.
"Eh bakit kung makapagsalita ka parang alam mo lahat?", sabi ko.
"Eh kasi...", napaisip siya, "eh kasi yun ang nakikita ko sa ibang tao! Bwesit! Umalis ka na nga! Wag ka ng babalik ah!", at dinuro niya ko, "Packingshet ka!", saka siya tumayo at pumasok ng cr.
Napabuntong hininga ako.
Ngayon kailangan kong habaan ang pasensya ko sa babae na ito.
Napaka moody!
Hinihingal ako na napabangon galing sa tulog. Naramdaman ko ang ilang pawis sa noo ko kahit sobrang lamig.
Nakita kong mahimbing na natutulog si Lolo Lito sa tabi ko. Humiga ako ulit at pinilit na matulog pero ang hirap.
Ang sama ng panaginip ko. Bangungot kung tutuusin. Sa panaginip ko, nakita kong may kasamang ibang lalaki si Kyla. Magkahawak ang mga kamay nila at nakangiti si Kyla dito. Nasa tabi niya lang ako noon, nakikita ko sila pero parang di ako nakikita ni Kyla. Samantalang ang lalaking kasama niya ay maya't-maya ang tingin sakin, na parang gustong mainggit ako at magselos.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3