Halos malaglag ang panga ko sa nakitang tanawin pagbaba namin ng bus. Kitang-kita ko ang asul na dagat na nasa harapan ko lang. Napapalibutan din kami ng mga bundok at ang sarap ng hangin ng umihip ito.
Busy naman si Mika dahil may tinawagan siya sa cp niya habang iniisip ko kung ganu kaganda ang lugar.
Maya-maya ay humarap siya sakin.
"Parating na daw sila. Susunduin nila tayo dito. Medyo malayo pa kasi yung bahay ni Kintaro, dun tayo magpapraktis."
"Pwede ba tayong maligo sa dagat kapag natapos na tayo sa praktis?", excited na tanong ko.
Napataas kilay niya, "Kapag ginalingan mo kamo baka pag-isipan ko."
"Mika naman! Di mo ba nakikitang ang ganda ng dagat?", sabi ko pa.
"Ayoko ng dagat.", mataray niyang sabi.
"Di ka marunong lumangoy noh?", biro ko.
Napatigil siya at binatukan ako bigla. Mukang nasapul ko ata siya.
Napatawa naman ako dahil dun imbes mainis.
"Totoo nga! Di ka marunong! Kawawa ka naman!", tukso ko pa at tumawa ng malakas. Kala niya siya lang marunong!
Inis niya akong tiningnan.
Maya-maya ay may pumara ng van sa harapan namin at namukhaan ko ang kabanda niyang gitarista ata. Dali-dali siyang sumakay at agad akong pinagsarhan. Di na ko nakapasok at dinabog ko ang pintuan.
"Oi Mika wag kang magbiro ng ganyan! Mika!", sabi ko.
Di ko marinig sinabi niya pero parang sinasabihan niya yung Kiroske na paandarin na ang van.
"Mika! Wag mo kong iwan dito! Oi! Baliw na babae!!!!", sigaw ko.
Napalingun siya sa kin na nanglaki ang mga mata. Bigla na lang niyang sinabunutan ang driver at biglang umandar ang van!
Napatakbo ako at hinabol ito!
Haist! Bwesit na Mika! Pinatakbo pa ko! Grabe talaga topak ng babaeng yun! Tumakbo ako ilang kilometro! Buti na lang at mabagal takbo ng van kaya nakakahabol ako.
Pinasakay naman din niya ko at nung magpapasalamat na sana ako, isang liko lang at yun na pala ang bahay na pagprapraktisan namin. Pinasakay pa talaga ako! Anong silbi??
Kung di ko lang talaga to kailangan baka pinatulan ko na to eh!
Kailangan din naman nila ako, pero tingin ko mas kailangan ko sila, kaya wala akong magawa. May araw talaga sakin tong babaeng to!
Bwesit siya!
Kumain muna kami bago nagsimulang magpraktis at di ko siya kinikibo. Bale lima kaming lahat dun. Nagkakatuwaan silang lahat sa kwentuhan at ako lang itong tahimik.
"Hey Rance.", sabi ng isa sa kanila,slang kasi sa letter L, yung marunong mag-english, Kuruske ata. Teka...Kiroske siguro..ah ewan!,
"Mika has something to tell you."
Tiningnan ko naman ito at napakagat lang siya sa labi niya sabay sabi ng sorry. Tumango lang ako at di na nagsalita.
Pagkatapos nun nagsimula na kaming magpraktis. Habang inaayos ng iba ang tugtog nila magkaharap kami ni Mika at tinuturuan ako sa pronunciation, diction at kung paano ang pagkanta.
Seryoso kami at puro about lang sa kanta ang pinag-uusapan namin.
Ok na naman talaga ako. Napatawad ko na siya kaso ang sarap lang asarin. Nararamdaman ko na kasi na naiilang siya sakin.
BINABASA MO ANG
CHANCES
RomanceA journey to a great love that he lost. Can he conquer all obstacles just to find her girl? Half of this is based on true story...hope u like it! <3